"Sampa ka na sa likod ko Red!" Pag-aaya niya sa aking sumampa sa likuran niya bago tuluyang makababa ng hagdanan sabay bitaw ng isang makahulugang ngiti. Idagdag mo pa ang pangingiliti niya sa talampakan ko dahilan para lalo akong di mapakali. Sabay kaming nakababa ni Tito papunta sa sala. Hindi ko din nadatnan ang mga pinsan ko doon na napag-alaman kong sumama kay Tito Nathan na magrocery.
"Tito tama na po nakikiliti po talaga ako. Pagmamakaawa kong pakiusap dito.Kumuha ng atensiyon ang harutan namin ni Tito ko habang dahilan para biglang mapukol ang atensiyon sa amin ni lola.
"Denver ibaba mo nga yan si Red at baka mahulog pa yan at baka mapilay pa diyan sa kalokohan mo." Paninita ni lola.
"Naglalambing lang naman ako Ma, kayo naman alam mo namang paborito ko itong si Red kaya hayaan niyo na ako." Mabilis na depensa ni Tito.
"Ayan kasi, bakit di ka pa kasi mag-asawa Denver ng hindi mo binibaby yang si Red. Kaya tuloy lumalaking spoiled yan. Gumawa ka na kasi ng sayo, ikaw nalang yung inaantay ni Mama na magkaroon ng apo." Alaska si Tito Daddy sa kanya.
"Tama nga naman sana man lang ay maabutan ko pa yang mga apo ko sayo," Dagdag pa ni lola."Naku, ako na naman nakita niyo. Dadating din tayo jan." Maikli niyang sagot na halatang ayaw marinig yung pangaalaska nila.
"O siya-siya tama na yan ng makakain na tayo at kanina pa ako nagugutom nagaabang na yung pagkain. Halina kayo dito, antayin lang natin saglit sila Nathan na matapos magbaba ng mga pinamili nila ng makapagsimula na tayo." Ang sambit ni Daddy mula sa pinakadulong bahagi ng mesa.
Maingay at masaya yung buong hapagkainan. Nakagawian na naming mag-anak ang magbakasyon pagkatapos ng pasukan at pasko dito sa probinsiya. Natataon kasing birthday ni Lola sa ikawalong araw ng Abril at hindi pwedeng wala ang tatlong magkakapatid kundi malilintikan sila parehos ni lola. Hindi na nanibago ang mata ko sa nadatnan kong mga pagkain na nakahain sa mesa. Ang daming nakalatag sa samut-saring ulam at panghimagas.
"Nathan at Denver tawagin niyo na yung iba sa sala para makapagsimula ng kumain, masamang pinagaantay ang pagkain." Ang sambit ni Lola sa aming lahat. Pagkatapos ng mahabang dasal ni lola ay sa wakas handa na ang lahat kumain. Excited ang lahat na lantakan ang nakahandang pagkain na akala mo ay parang fiesta.
"Dahan-dahan Red at marami pang pagkain hindi ka mauubusan apo." Awat ni lola sa akin na inaalalayan akong lagyan ang plato ko ng makakain.
"Kung ganito ba naman po kasi kadami at kasarap yung pagkain araw-araw ewan ko nalang kung hindi ka gaganahan. Lola pwede po bang sa susunod na dalaw niyo po sa Manila ay ipagluto niyo po kami ng ganito?" Magiliw kong tugon kay lola.
"Kaya ikaw yung pinakapaborito kung apo eh, pogi na bolero pa." Sambit niya saken.
"Oh diba pati ikaw Ma, paborito mo din si Red." Kagat-labi sambit ni Tito habang binalingan ako ng isang makahulugang ngisi.
Larawan ng isang buo at masayang pamilya ang nasasaksihan ng mga mata ko sa hapag-kainan. Madalang lang kaming lahat nagpapang-abot ng ganito madalas kasi kung hindi busy sa trabaho o sa negosyo ang lahat lalo na ang mga magulang ko.
"Kuya pwede bang dun muna matulog saken si Red mamayang gabi" Pagsingit na paalam ni Tito Denver habang nasa kalagitnaan hapunan na kaagad namang pinahintulutan ni Daddy kasama ang paalala na huwag lang daw akong masyadong malikot at baka makasira ako ng gamit sa kwarto ni Tito.
Pagkatapos kumain ay nagkamustahan ang lahat. Samantalang iginugol ko naman ang oras ko sa pakikipagkulitan sa mga pinsan ko. Kahit kasi iisang school lang pinapasukan namin madalang lang din kami nagkikita. Nakita ko si Daddy na naguusap kasama sila Tito sa sa sala.Sa iksing panahon na magkasama silang tatlong magkapatid simula noong dumating sila dito sa probinsiya ay hindi mo sila halos mapaghiwalay. Marahil ay sinusulit ang mga panahong hindi sila nagkakitaan. Maingay silang nagbibiruan, bagay na ikinatuwa ng lola ko. Seryoso ko silang pinagmasdan habang nasa sala na nakahiga sa kandungan ni lola.
BINABASA MO ANG
Confessions
RomancePaano ka makakatakas sa bangungot ng nakalipas? Paano mo lalabanan ang iyong kasalukuyan kung paulit-ulit ka lang dinadala ng mga paa mo sa nakaraan. Tunghayan natin kung paano haharapin ni Red ang magulong mundo ng pag-ibig at pagnanasa sa buhay n...