Chapter 1: New Neighbor

5 0 0
                                    

"Yes Ma?"

"Opo. Sa may kanto po ako binaba ni Manong."

"Oh sige. Bye Ma."

Jessie's POV

Hmm. Blue na gate. Blue na gate.

Ahh hello ^_^. Sorry medyo busy ako eh. Nandito kasi ako sa kalsada. Hinahanap ko yung bahay ng tita ko. I'm Zhel Jessie Santiago by the way. 14 years old.

Kanina kausap ko yung mama ko. Sabi nya kasi dito daw muna ako sa tita ko habang sembreak pa namin. Yung driver naman namin, sa may kanto lang ako binaba. Ang hirap pa naman maghanap dito.

Ayy teka. Tatawagan ko si tita. Hahalungkatin ko na sana yung cellphone ko sa bag ko nang biglang may sumulpot sa harapan ko na lalaking nakabike.

*BOOOG*

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo??!!"- sigaw ko.

Balak ata ako bungguin! >_< Nalaglag tuloy yung mga dala kong bag.

"Baka nga ikaw. Makasigaw toh."- sabi nung lalaki.

"Ang kapal din ng mukha mong magbintang eh!"- sigaw ko.

"Gwapo naman."- sabi nung lalaki sabay ngiti.

Tumalikod na ko at naglakad na papalayo. Baka lalo pa kong mabadtrip sa lalaking yun. Ang yabang yabang. Akala mo kung sino.

"Zhel!"

Nakita ko si Kuya JM. Anak ni Tita.

"Hi Kuya JM! Si tita?"- tanong ko.

"Nasa loob. Kanina ka pa nga hinihintay eh. Tara pumasok."- yaya nya.

"Lumaki na bahay nyo ah."- pagmamasid ko.

"Syempre naman."- pagmamayabang nya.

Nakita namin si tita sa may kusina at nagluluto. Sandali kami nagkwentuhan.

"Sige po tita. I'll go to my room na."- sabi ko at dinala na yung mga gamit ko sa kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto, pabagsak akong humiga sa kama.

"Haayy!"- sabi ko.

Nakakapagod magbyahe. -O- Makatulog nga muna.

ZzZzZzZzZzZz

*BOOOOOG*

O_____O Ano yun?

Napabangon ako at napatingin sa may bintana.

"Sino ka?! Magnana---"- balak ko na sana sumigaw nang bigla nyang takpan ang bibig ko.

"Wag kang sumigaw!"- sabi nito.

"Bakit ako hindi sisigaw eh nandito ka?! Malay ko ba kung magnanakaw ka!"- sabi ko nung naalis ko na yung kamay nya.

"Hindi ako magnanakaw. Nagtatago lang ako. May humahabol kasi sakin."- sabi nito.

"Siguro magnanakaw ka nga kaya may humahabol sayo."- sabi ko.

Nakalas ko yung pagkakahawak nya sakin at tumakbo.

"Ui sandali!!"- sigaw nito.

Bigla nya akong nahawakan sa braso at hinila ako. Kaso, napakalakas ng hila nya at napayakap ako sa kanya.

O_____O!!! WHAT THE?!

Agad akong humiwalay sa kanya.

"Bastos ka ah!"- sigaw ko at balak syang sampalin.

"Ui wag."- sabi nya sabay pigil sa kamay ko.

Teka... Kilala ko toh ah!

"Kilala kita ah! Ikaw yung lalaking nakabike na nanagasa sakin!"- sabi ko.

"Muntik lang naman."- sabi nya sabay ngiti.

Ang kapal talaga nito ah. Nakangiti pa ang loko. >_<

"Hanapin nyo yung g*gong yun!!!"

Nakarinig ako ng sigawan sa may kalsada.

"Yan yung mga humahabol sakin. Itago mo ko."- sabi nya.

Dumungaw ako sa may bintana. Ang dami nila. Kawawa naman si Kuya pag nakita sya.

Nagulat naman ako nang nakita ako nung isang lalaki.

"Hoy ikaw! Nakita mo ba yung lalaking hinahanap namin?"- sigaw nito.

"A-ahh... Nagtatakbo po dun eh."- sabi ko sabay turo dun sa malayo.

Nagtakbuhan naman yung mga lalaki.

"Salamat ha. Hindi mo ko tinuro."- sabi nung lalaki.

"Kawawa ka kasi pag nabugbog ka ng mga yun. Habulin pa ko ng konsensya ko."- sabi ko.

"Kaya ko naman sila eh."- pagmamayabang pa nito.

"Eh ba't ka tumatakbo?"

Natahimik naman sya at natawa na lang ako. Umupo ko sa kama habang sya nakatayo lang at nakatitig sakin.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?"- tanong ko.

"Ang ganda mo kasi."- seryoso nyang sabi.

O____O

Ewan ko ba kung maiinis ako o matutuwa eh. Maganda daw ako?

"Joke lang. Naniwala ka naman agad."- sabi nya sabay tawa.

>_< Papatayin ko na toh eh!! GRRR!!

"Ewan ko sayo!"- sabi ko.

"Ako nga pala si Xander. Ikaw?"

"Che! Who you?!"

"Ahh. Hi Who you. Nice meeting you."

"Hindi Who you name ko!"

Ang hirap kausap ng ganito. Kasura!

"Eh ano?"

"Zhel. Zhel Jessie!"

"Ahh buti sinabi mo."

"Ewan ko sayo."- sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ako si Cseen Xander. At your service."

"Duh?! Tinatanong ko ba?!"

"Para ma-inform ka. Haha! Babye new neighbor!"

Bigla syang tumalon sa bintana at umalis na. Dumungaw naman ako sa bintana at nakita syang naglalakad na papalayo.

Buti naman. Salamat at tahimik na din. Kakairita sya eh.

**********************

A/N:

Nakaw! Ito po ay slow update lang. Wala kasing internet or wifi dito samin. -____-

Buti na lang nandito tita kong may wifi.

Until The Last DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon