***
November 3, 2013-SundayFirst time akong magsusulat sa diary. Masyadong corney nga eh. Syempre lalaki ako. Pero nagsulat pa din ako para kahit papano, may maiwan man lang akong ala-ala o remembrance.
Badtrip nga eh. Kagagaling lang kasi namin sa hospital. At ang sabi ng doctor, may cancer daw pala ako. Stage 4. At sabi pa ng doctor, hindi na daw kaya gamutin. Malala na eh. Binigyan na nga ng taning buhay ko eh. Hanggang 2 weeks na lang daw ako. Ang ikli noh. Nung una nainis ako. Bakit? Ang doctor ba ang Diyos para sabihin kung hanggang saan tatagal ang buhay ko. Pero unti-unti ko na din natatanggap. Kaya habang buhay pa, gagawin ko na lahat ng gusto ko. Habang buhay pa ko.
***
***
November 8, 2013-FridayAno ba yan. Ngayon lang ulit ako nakapagsulat dito. Ngayon lang kasi ako sinipag.
Alam mo ba, may nakilala akong babae. Unang tingin ko pa lang, nagandahan agad ako sa kanya. Kaso masama ang first meet namin. Muntik ko na kasi syang masagasaan ng bike. Inis na inis nga sya sakin nun eh. Pero lalo syang gumaganda. Tapos nakapasok pa ko sa kwarto nya kasi may humahabol sakin. Malay ko ba na dun sa nakatira. Dun ko sya natitigan ng matagal. Nalaman ko din na Jessie pangalan nya. Ang saya saya ko nga nun eh. Ewan ko. Para bang na-Love at First Sight ako sa kanya. Eto na ba yung tinatawag na LOVE? Hayy..
***
***
November 9, 2013-SaturdayMaaga akong lumabas at pumunta dun sa malaking puno katapat ng bahay nila Jessie. Nakita ko syang nag-iinat kaya binati ko sya. Nagulat pa nga sya at tinanong kung bakit ako nasa puno. Nag-isip ako ng palusot at sinabi kong dun ang tambayan ko kahit hindi naman. Syempre di ba, pag taong mahal mo, gagawin mo lahat para sa kanya. Oo. Mahal ko na agad sya. Bilis noh. Sulitin na. Habang buhay pa.
Lagi ko na sya kinukulit at pinupuntahan sa bahay nila. Masaya kasi ako kapag nakikita ko sya. Tapos niyaya ko sya pumunta sa park. Akala nya, tour yun pero para sakin, date namin yun. FIRST DATE namin. Ayy mali pala. FIRST AND LAST DATE namin. Pero hindi ko pa din nasabi nararamdaman ko sa kanya. Kinakabahan ako eh. Hayy. Pero kahit papano, nahalikan ko sya sa noo. Remembrance ko sa kanya.
***
***
November 11, 2013Masama ang gising ko ngayon. Sobrang putla ko at ang sama ng pakiramdam ko.
Tapos nagtext si Jessie. Kung pwede daw kami maggala. Gustong-gusto ko sya puntahan pero hindi ko kaya. Mahina ang katawan ko ngayon. Hapon ko na nga sya nareplayan eh. Bakit pa kasi ako nagkasakit? Bakit ko nararanasan toh? Bakit yung kasiyahang nararamdaman ko, panandalian lang? Bakit?
***
***
November 13, 2013Bibili sana ako ng gamot sa butika nang makita ako ni Jessie. Wala naman akong nagawa kundi hayaan sya. Napansin nya pang maputla ako. Di ko na lang sinabi yung totoo kasi ayoko nyang malaman na may sakit ako. Ayokong malaman nya na may taning na ang buhay ko. Dahil baka pag sinabi ko sa kanya, mawala sya sakin. Di ko yun kaya. O kaya naman, mahalin nya ko kasi naawa sya sa kalagayan ko. Gusto ko makilala nya ko bilang normal. Yung walang sakit at walang taning ang buhay. Kahit ilang araw lang kami magkakilala, minahal ko na sya. Di ko na kailangan na kilalanin pa sya. Kasi kahit tingnan ko lang sya, nagkakaron na ko ng dahilan na mahalin pa sya lalo.
***
***
November 15, 2013Bukas na ang alis ni Jessie. Pero hindi pa din ako nakakapagpaalam sa kanya. Ayoko kasing makita nya ang kalagayan ko. Ayokong makita nya kong mahina. Gusto ko, ang kilala nyang Xander ay yung masayahin, makulit at masigla. Hindi na din ako nagpapakita sa kanya. Ayokong makita nya kong mahina at unti-unting namamatay.
Di ko nga alam na pupunta sya sa bahay namin eh. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumalikod sa kanya at iwasan sya.*Flashback*
"Xander."
Nakarinig ako ng boses sa may gate namin. At sigutadong-sigurado ako na si Jessie yun. Bakit pa sya pumunta dito?
Tumayo na agad ako at papasok na sana sa pintuan nang magsalita sya ulit.
"Xander. Iniiwasan mo ba ako?"- tanong nya.
Hindi sa ganun Jessie. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na yakapin ka.
"Ahh hindi noh. Bakit ka ba nandito?"- tanong ko.
"Kasi, aalis na ko bukas. Eh hindi pa tayo nagkikita."- sagot nya.
"Ano naman kung aalis ka? Paki ko."Napapikit na lang ako sa sinabi ko. Ito lang ang tanging paraan para hindi ko sya lalong masaktan.
Ayokong maabutan nya ako na natutulog sa isang kahon na puti.
Ayokong makita syang umiiyak sa harap ko at hindi ko man lang magawang punasan yung mga luha nya.
"Alam mo, kung aalis ka, edi umalis ka. Bakit, ano mo ba ko para magpaalam ka sakin? Eh parang kelan lang tayo nagkita eh. Hindi ko na kailangan pang magpaalam sa isang taong wala naman akong pakialam. Kaya pwede, umalis ka na lang."
Pinipigilan ko ang mga luha ko para hindi sya makahalata na nasasaktan din ako sa mga sinabi ko.
Sorry Jessie. Sorry.
"Bakit mo ba sinasabi yan? Di ba magkaibigan---"
Pinutol ko na agad ang sinabi nya.
"Hindi tayo magkaibigan. Hindi tayo NAGING magkaibigan. Kaya pwede, umalis ka na lang."
Narinig ko na lang na umalis sya at mukhang umiiyak.
"Mahal kita Jessie. Pero hindi na pwede."- sabi ko sa sarili ko.
*End of Flashback*
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya. Pero huli na. Hindi na pwede.
Kung sakali man na ito na ang huli kong sulat sa diary na ito, may ibibigay ako kay Jessie.
♥♥♥
Dear Jessie,Hi Jessie. Kumusta ka? Ok ka lang ba? Baka naman umiiyak ka ha. Sige ka, mumultuhin kita.
Naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita? Yung muntik na kitang masagasaan. Alam mo, yun na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Sorry kung medyo makulit ako sayo ha. Natamaan ako ng Love at First Sight eh.
Alam mo, ikaw ang pinakaunang babaeng nagpatibok ng puso ko. Tuwing nakikita kita, sumasaya ako. Pero di man lang ako nagkaron ng lakas ng loob na sabihin sayo na mahal na mahal kita. Kasi hindi pwede. May sakit kasi ako eh. Cancer. Stage 4 na at 2 weeks na lang itatagal ko.
Bakit kasi ngayon ka lang dumating? Parang ewan lang ang tadhana. Kung kelan tayo nagkakilala, kung kelan naman bilang na ang mga araw ko sa mundo. Pero masaya pa din ako na nakilala kita.
Sorry nga pala kasi itinaboy kita. Yun na lang kasi ang tanging paraan para di mo ako maabutan na nakaburol. Ayaw ko pa namang nakikita kang umiiyak. Lalo na kung dahil sakin.
Sana kahit papano, napasaya kita. Kahit sandali lang, naparamdam ko sayo na laging may nasa tabi mo. Kahit na wala na ako, lagi mong tatandaan na lagi akong nasa tabi mo. Lagi akong sumusubaybay sayo at binabantayan ka. Kasi ikaw lang ang tanging babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko. Di ako mawawala sa tabi mo. Wag mo akong kakalimutan ha.
Oo nga pala, wag ka ng pumunta sa burol ko ha. Kasi di ba nga, ayaw kitang nakikitang umiiyak. Lalo na kung ako ang dahilan. Wala ako dun para punasan yung mga luha mo. Di ko magagalaw kamay ko.
Kaya Jessie, kahit wala na ako, mahal na mahal pa din kita. Lagi mong dadalawin puntod ko ha. Gusto ko, ang bulaklak ko, blue rose, tapos blue na kandila. Hehe. Sige. Pagod na ko eh. Magpapahinga na ko. Ng matagal na matagal. Para sa susunod nating pagkikita, gwapo pa din ako. Haha! I LOVE YOU JESSIE! Babye! ^_^
Still loving you,
Xander
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop
Short StoryIlang araw pa lang kayong nagkakakilala pero nahulog ka na agad sa kanya. Pero pano pag huli na pala ang lahat? Na hindi na pala kayo pwede ng lalaking minahal mo, in the perfect place but in the wrong time.