Chapter 5: There's no US

3 0 0
                                    

Jessie's POV

*yawn*

Gumulong-gulong lang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Maitext nga si Xander.

~~~

To: Xander

Oi Xander. Punta ka naman dito sa bahay.

~~~

Ewan ko din kung bakit ko sya tinext. Siguro namimiss ko lang talaga sya.

Makalipas ang ilang minuto, nagreply na din sa wakas si Xander.

~~~

From: Xander

Tinatamad ako Jessie eh. Next time na lang.

~~~

Himala! Tinamad ngayon si Xander. Baka naman lumala yung headache nya. Ano ba kasing ginawa nya? Hayy naku.

---
The Day after Tomorrow.. Friday

Haayy. Dalawang araw na ang nakalipas ng huli syang magtext sakin.

Nakakamiss din pala yung mga taong ganun. Yung tipong kahit kinukulit ka at inaasar, masaya ka pa din na kasama sila. Nakakamiss yung mga taong nasanay ka na na lagi silang nandyan sa tabi mo. Haayy.

Bukas na ang uwi ko. Ang bilis ng araw noh. Parang kahapon lang, kakadating ko lang dito. Tas ngayon, pauwi na agad ako. Hayy.

Puntahan ko kaya sya sa bahay nila. Para makapagpaalam na din ako. Panigurado, baka next year na kami magkita ulit.

Agad akong nagbihis at pinuntahan ang bahay nila Xander. Medyo tahimik.

Baka walang tao? Nakita ko naman na hindi naka-lock yung gate nila.

Sumilip ako sa gate at nakita ko si Xander na nakaupo sa balkon nila at naggigitara.

Bigla naman akong kinabahan. Ewan ko kung bakit. Tapos parang iba pa yung aura ni Xander ngayon. Parang hindi sya yung Xander na nakakasama ko. Basta, iba ang pakiramdam ko.

"Xander"- tawag ko.

Binuksan ko ang gate at pumasok.

Hindi nya pa din ako nililingon kaya nagtaka na ko. Anong problema nya?

Nakita ko syang papatayo at mukhang papasok sa loob.

"Xander, iniiwasan mo ba ako?"- tanong ko.

Hindi pa din sya humaharap sakin.

"Ahh hindi noh. Bakit ka ba nandito?"- nakatalikod nyang sabi.

"Kasi, aalis na ko bukas. Eh hindi pa tayo nagkikita."- sabi ko.

"Ano naman kung aalis ka? Paki ko."

Ouch. <////3 Ewan ko pero parang may kumurot bigla sa puso ko.

Gusto ko umiyak pero ayaw lumabas ng luha. Nakakainis naman!

"Alam mo, kung aalis ka, edi umalis ka. Bakit, ano mo ba ko para magpaalam ka sakin? Eh parang kelan lang tayo nagkakilala eh. Hindi ko na kailangan pang magpaalam sa isang taong wala naman akong pakialam. Kaya pwede, umalis ka na lang."

Double Kill. <//////3

Ang sakit naman nya magsalita. Talaga bang wala syang paki sakin?

"Bakit mo ba sinasabi yan? Di ba magkaibigan--"

Di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nagsalita ulit sya.

"Hindi tayo magkaibigan. Hindi tayo NAGING magkaibigan. Kaya pwede, umalis ka na lang."- sabi nya.

Di ko na napigilan. Tumulo na luha ko.

So, hindi pala kami naging magkaibigan. Eh yung ilang araw na yun? Wala lang ba yun? Yung pinagsamahan namin, balewala lang ba yun?

Tumalikod na lang ako at baka makita nya pa akong naiyak. Pero sa bagay, Wala naman syang PAKIALAM sakin eh. Para san pa di ba.

Patakbo akong umuwi at dumiretso sa kwarto ko at nagkulong. Iyak lang ako ng iyak.

Bakit ganun? Kung kailan gusto mo na yung tao, kung kailan malalaman mo na wala lang pala ikaw sa kanya.

Until The Last DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon