Chapter 2: New Friend

3 0 0
                                    

Jessie's POV

*yawn*

Good morning! -O- Medyo tanghali na ko nagising ah. 9am na pala. Nasanay ako ng 6am eh.

Pumunta ko sa may bintana para buksan yon. Syempre ni-lock ko. Baka makapasok na naman yung Xander na yun dito eh.

"Good morning Jessie!"

"Ayy putek!"

Nagulat ako nang may bumati sakin. Luminga-linga ako at napatingin sa may puno na malaki sa may labas at nakita ko si Xander.

"Anong ginagawa mo jan?"- tanong ko.

"Dito tambayan ko eh."- sagot nya.

"Ahh ok."

"Teka, parang di kasi pamilyar mukha mo dito. Bagong lipat ka?"- tanong nya.

"Hindi. Nagbabakasyon lang ako sa tita ko. Sembreak kasi namin."- sagot ko.

"Ahh."- tumango-tango lang sya.

Umalis na ko para bumaba at magbreakfast.

"Good morning tita."- bati ko.

"Good morning. Upo ka na."- sabi nya.

Hmm. Sarap naman ng ulam. Tapsilog. ^o^

Habang kumakain, naisip kong magtanong.

"Ahh tita, kilala nyo po ba yung Xander dito?"- tanong ko.

"Xander? Cseen Xander?"- paglilinaw nya.

"Opo."- sagot ko.

"Oo. Sya yung binata jan sa malapit. Nakilala mo na pala sya."- sabi ni tita.

"Opo. Adik po ba yun?"- bigla kong tanong.

Napatawa naman bigla si tita sa tanong ko.

"Haha. Hindi ah. Ang bait bait nun. Mabuting anak."- sabi nya.

"Ilang taon na po ba sya?"

"Ahmm. Siguro mga 15 na yata."

"Ahh. So 4th year na pala sya."

Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin.

"Ayy. Wala na pala tayong ketsup. Bili ka nga muna jan sa tindahan Zhel."- utos ni tita.

Nautusan pa nga. -_____-

Pagkabigay nya ng pera, lumabas na agad ako.

Hala! Ang layo pa ng tindahan. Tsk! Maglalakad pa ng malayo. >_<

"San ka pupunta?"

Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita si Xander na nakabike.

"Jan lang sa tindahan. Bibili ng ketsup."- sagot ko.

"Samahan na kita."- sabi nya.

"Naku. Wag na. Malapit lang naman."- pagtanggi ko.

"Ok lang. Hindi naman ako mapapagod kasi nakabike ako."- sabi nya.

"Ok. Bahala ka."- sabi ko.

Habang naglalakad, naisipan kong magtanong.

"Wala ka bang pasok? Tuesday ngayon eh. Sembreak nyo rin ba?"- tanong ko.

"Ha?? A-ahh.. E-ehh.. Oo. Tama! Sembreak din namin. Oo. Hehe."- sagot nya.

Kelangan pautal-utal magsalita. Labo nya.

Maya-maya, nakarating na kami sa tindahan.

"Pabili nga pong ketsup."- sabi ko sa tindera.

Habang hinihintay yung binibili ko, kinausap ako ni Xander.

"Ilang weeks ka dito?"- tanong nya.

"Ahh, mga 2 weeks siguro. Bakit?"- sagot ko.

"Wala lang. Masama magtanong?"

"Hindi naman."- sagot ko.

"Ahh miss, eto na yung ketsup."- sabi ni Ate.

"Salamat po."- sabi ko sabay abot ng bayad.

Nagsimula na ulit kami maglakad. Tahimik kasi walang nagsasalita samin.

Nang makarating na kami sa bahay, nagsalita sya.

"Ahh babye. See you around. ^_^"- sabi nya.

Nagulat ako nang ngumiti sya. Ang gwapo pala nya. Ngayon ko lang napansin. :'''''>

---

*yawn*

Hayy. Inaantok na ko. 8:30 na din kasi. Sanay pa naman ako na maagang natutulog.

Pahiga na sana ako sa kama ko nang may marinig ako.

"Psst."

"Psst."

"Jessie."

Hala. Kilala ako. Sino ba yun?

"Sino ka?!"- takot kong sabi.

Bakit hindi sinabi nila Kuya JM na may multo pala dito. >_<

"Wag kang matakot. Ako toh. Si Xander."

Agad kong binuksan ang ilaw at nakita ko si Xander sa labas ng bintana. Agad ko naman tong binuksan.

"Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo dito?"- tanong ko.

"Wala. Naggagala."- sabi nya at umupo sya sa bubungan.

Hala! Sa bubungan ba daw tumambay. Buti hindi maingay bubong nila tita. Tumaas ako ng bintana para sundan sya at umupo sa tabi nya.

"Kung makapunta ka dito, parang ang tagal nating magkakilala eh noh."- sabi ko.

"Ok lang yun."- sabi nya sabay tawa.

Tiningnan ko lang sya ng may pagtataka sa mukha.

"Hindi ka ba hinahanap ng parents mo?"- tanong ko.

"Pinapayagan naman nila ako eh. Ok lang sa kanila. Sabi nila, sulitin ko na lang habang---"- bigla na lang syang napatigil kaya napataas ang kilay ko.

"Habang ano? Habang sembreak pa?"- dugtong ko.

"Oo. Tama. Habang sembreak pa."- sabi nya at hindi na naman mapakali at kung san san tumitingin.

Ano bang nangyayari sa lalaking toh? -____-"

"Wag kang magpokerface. Lalo kang pumapanget. Hahaha!"- sabi nya at tumawa pa.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Kainis toh! >_<

"Ahh, gusto mo bukas gala tayo? Madaming magagandang puntahan dito."- yaya nya.

"Talaga? Sige ba. Game ako jan."- natutuwa kong sabi.

Mahilig kasi akong gumala kaya lagi akong game sa mga road trip. Lagi kong kasama dyan ang mga classmate at friends ko.

"Sige. Sunduin kita senyo ng 4pm."- sabi nya at bumaba na ng bubong.

Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto ko at humiga na sa kama.

Makakagala na naman bukas. ^_^

Until The Last DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon