Jessie's POV
Saturday...
Sinara ko na ang maleta ko. Handa na ang gamit ko. Wala na ba akong naiwan?
Naku meron ata. Yung puso ko. Na kay Xander pa ata. Hayy naku Jessie. Ang corney mo talaga!
Ngayon na ang araw ng pag-uwi ko. Pero malungkot pa din ako.
Nakakainis naman! Dati naman hindi ako ganito eh. Pag magbabakasyon ako sa ibang lugar, gustong-gusto ko na agad umuwi. Pero bakit ngayon, nahihirapan ako umalis?
~~~
To: Xander
Aalis na ako Xander. Salamat kasi kahit sa sandaling araw na nakasama kita, naging masaya ako. Babye Xander.
~~~
Inilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko at inilabas na ang mga bagahe ko sa kwarto.
"Ingat ka Zhel ha. Kung ako lang sana masusunod hindi muna kita papauwiin eh."- sabi ni Tita.
"Babalik naman ako dito Tita eh."- sabi ko.
Niyakap ko naman si Tita.
"Ingat Zhel ha. Mamimiss kita."- sabi ni Kuya JM.
"Ako din Kuya JM. Sa susunod na balik ko dapat may asawa ka na ha."- sabi ko.
Niyakap ko din sya at inilabas na ang mga bagahe ko sa bahay.
Bago umalis, tumingin muna ako sa direksyon papunta sa bahay nila Xander.
Puntahan ko kaya sya. Pero pano kung galit pa sya sakin? Pano kung paalisin nya lang ulit ako tulad ng ginawa nya sakin kahapon?
Ah! Yaan na nga! Magpapaalam lang naman ako sa kanya. Maggugoodbye lang ako pagkatapos, aalis na agad ako.
Nagsimula na kong tumakbo papunta sa bahay nila Xander. Hindi naman kalayuan eh.
Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay nila, unti-unti akong kinakabahan.
Teka, bakit may tent na puti? Ang daming tao ata? May birthday ba? Hindi kaya birthday ni Xander?
Binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makarating na ko sa tapat ng bahay nila.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Sinong......
Sinong namatay?
Dahan dahan akong pumasok sa loob hanggang sa makita ko na yung... kabaong.
Kabaong kung saan nakapatong yung picture ni...
ni...
ni...
"X-xander?"- sambit ko.
Lahat ng tao sa loob, tahimik lang. Yung babaeng nasa tabi ng kabaong, umiiyak.
Dahan dahan akong lumapit sa kabaong. At nakita ko si Xander. Payapang natutulog.
Nanlalambot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihirapan akong tanggapin ang nakikita ko.
Di ko na napigilan ang sarili ko. Napaiyak na lang ako at napaluhod.
"Xander."- umiiyak kong sabi.
Hindi! Hindi yan si Xander! Baka naman kakambal nya yan?! Baka naman iba yang tao?! Baka kamukha nya lang! Hindi yan si Xander! Hindi pa patay si Xander! HINDI!
May lumapit saking babae. Yung kaninang umiiyak na parang nanay ni Xander.
"Hija. Umupo ka muna."- sabi nya at pinaupo ako.
"Hindi po sya si Xander di ba? Umalis sya di ba? Hindi yan si Xander!"- pagpipilit ko.
"Hija"- pagpapakalma nya.
Pati ang babae ay napaiyak na din. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang sa may inabot sakin ang nanay ni Xander.
Isang blue na notebook.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop
KurzgeschichtenIlang araw pa lang kayong nagkakakilala pero nahulog ka na agad sa kanya. Pero pano pag huli na pala ang lahat? Na hindi na pala kayo pwede ng lalaking minahal mo, in the perfect place but in the wrong time.