Chapter 2

2K 63 5
                                    

Hi to persemeow thanks sa paggawa mo ng cover I really appreciate it. Sa uulitin po ulit. Thank You❤️.

CHAPTER 2

Maaga akong nagising nang mag Sabado. Naligo at nag bihis ako sa aking kwarto. Hindi pa nakakapag almusal ay inayos ko na itinerary nina Luther dahil mag pipicnic daw sila dito, which is I can't go with them dahil may schedule ako ngayon with Mr. Arcega.

Inayos ko na ang denim longsleeve polo ko at bumaba na para tingnan kung maayos na ba ang mga pinahanda ko kay Manang.

"Manang?" sigaw ko habang bumaba patungo sa kusina.

"Micoline, akala ko hindi ka na baba. Halika na dito."

Pag pasok ko sa kitchen ay bumungad kaagad sa akin ang isang lalaki. Nasasalin siya ng tubig sa baso at ibinalik sa ref.

"Who are you?" tanong ko dito.

"I'm Toti, nakalimutan muna agad ako mag kausap pa lang tayo kagabi" ani niya.

"Mga babae nga naman" bulong niya pa, akala mo naman ay hindi ko narining.

Bumaling si Manang kay Toti, pag katapos sa akin. Anong ginagawa niya dito, I mean may usapan kaming pupunta siya ngayon dito sa bahay for that reason na sasamahan niya ako sa bahay ng pinsan niya, pero bakit sobrang aga niya naman.

"Good morning!" ani niya at inilapag ang baso sa lababo. "

"Good morning" nag aalinlangan kong tugon.

"Maagang umalis ang Mommy mo. Naabutan niya itong si Toti sa labas ng gate kanina at pinaliwag nitong si Toti kung anong ginagawa niya dito at dahil nag mamadali ang Mommy mo, pinapasok niya na ito sa bahay" sabi ni Manang. "Micoline, sabi pa pala ng Mommy itreat mo daw ng maayos itong si Toti dahil business partner niya raw ang mga magulang nito" dagdag pa ni Manang at tumingin kay Toti na ngingiti lang.

Dahan dahan akong tunango. Tumikhim si Toti at unti unti lumapit kay Manang. Nilingon siya ng matanda.

"May maitutulong po ba ako dito Manang?" tanong ni Toti.

Umiling si Manang at ngumiti. " Naku, salamat iho pero tapos na ito. Ang bait mo naman. O, Micoline! Ano na? Tingnan mo na ito!" biglang nag iba ang tono niya ng baggitin niya ako.

Unti unti akong lumapit sa mesa para makita ang laman ng basket. Nakita kong kompleto naman iyon kasama ang banig na gagamitin nina Luther.

"Ayos na po yan Manang, baka po mamaya maya ay nandito na sila Luther pakisabi po na may pupuntahan lang po ako at susundo na lang po ako sakanila."

"Sige po Manang, Alis na po kami" sabi ko habang nagkatinginan kami ni Toti.

Mabilis ko siyang tinalikuran. Nanlamig ang tiyan ko, hindi ko alam kung bakit.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso na sa kotse na nasa harap. Hinintay ko na lang siyang lumabas.

"Saan tayo?" tanong ko.

Nilingon niya lang ako at pumasok na sa kotse. He is so Arrogant hindi man ako pinagbuksan ng pinto. As if I have a choice, ako na lang ang nag bukas ng front seat.

Pag pasok ko sa loob umalingasaw agad ang bango. He smells so nice. As the time passed away, walang nagsalita sa amin sumulyap ako sakanya, nakita kong naka focused lang siya sa daan. Hindi ko maiiwasang titigan ang mga mata niya para akong hinihigop nito ng biglang humarap siya agad akong tumingin sa windows ng sasakyan.

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon