Chapter 6

1.3K 12 4
                                    

CHAPTER 6

*VAN'S POV*

Apat na oras na akong nag lalakad, kung saan ako pupunta? hindi ko alam. Wala na ako sa sarili ko dahil sa sobrang pag iisip ko sakanya. Kahit anong gawin ko, siya at siya lang yung naiisip ko.

Nabalot na lang ako ng kalungkutan nang mapansin ko na nasa isang park na pala ako. Yung palaging pinupuntahan ko. Pag masaya at malungkot ako. At dito ko rin siya unang nakita.

Natigilan ako sa pag lalakad ng biglang may bumangga saakin.

Yung babaeng hindi mawala sa isip ko si 'Micoline'.

Bakit siya umiiyak?

Hinawakan ko na lang yung kamay niya tsaka ko siya hinila pa layo. Habang papalayo na kami, tiningnan ko siya. Patuloy lang ang pag hikbi niya.

Parang tinutusok yung puso ko sa nakikita ko.

Nung malayo na kami, huminto na ako sa pag hila sakanya. Umiiyak pa din siya. Sobra akong na aawa sa kanya. Alam kong sobra siyang nasasaktan siya.

"Van."

Kusa na lang gumalaw yung katawan ko. Hinila ko siya papalapit sakin tapos niyakap ko siya.

"Tahanan na Micoline.."

"Ang sakit sobrang sakit halos lahat ng pag mamahal ibinigay ko sakanya, tapos ngayon sasabihin niyang break na raw kami dahil ayaw na daw niya!"

Niyakap ko lang siya. Eto naman talaga yung kailangan niya eh. Kailangan niya ng mag co-comport sakanya. Kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na.

"Putangina sobrang sakit, napapamura na lang ako."

Mararamdaman mong sobra talaga siyang nasasaktan sa pag iyak pa lang niya.

"Sabi niya mahal niya ako eh pero bakit ngayon iniwan niya ako?"

Humagulgol na siya sa pag iyak. Ang sakit, ang sakit pag nakikita na nasasaktan siya ng ganito. Isiah sana nakikita mo si Micoline ngayon, sana nakikita mo kung gaano siya nasasaktan ngayon.

"Ang sakit eh, ang sakit sakit"

Nasasaktan ako taena. Ang sakit makita na nasasaktan yung babaeng gusto mo.

"Hindi to kayang gawin sakin ni Isiah, yung Isiah na kilala ko, hindi niya ako kayang saktan. Hindi niya to gagawin sakin diba Van? Hindi ako sasaktan ni Isiah" sabi niya na sa sobrang lakas ng pag iyak niya ay boses lang niya ang nangingibabaw.

"Tapos na ba ang lahat sa amin? Ganon na lang ba talaga yon? tanong niya.

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam Micoline.

"Micoline, kung ano man yung nangyari sainyo ni Isiah. Andito lang ako, andito lang kami para sayo kaya 'kayanin mo'."

"Kaya ko bang wala siya sa buhay ko?"

Hinarap ko siya sakin, hinawakan ko yung mukha niya. Pinatid ko yung mga luha.

"Kayanin mo" bulong ko sakanya.

"Hindi eh.." huminto siya sa pag sasalita dahil sa sobrang pag iyak niya. "Hindi ko kaya....ang hirap..."

"Alam kong mahihirapan ka pero nandito lang naman ako. Pwede mo akong sandalan.

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon