Chapter 5

1K 25 4
                                    

Hi everyone! Sorry for the super duper late update. Busy kasi ako masyado sa school. Maikli lang tong update. Bawi ako sa next chapter, Thank you
~lovelots

CHAPTER 5

"Okay ka lang ba, Micoline?" Naaninaw ko ang pag-aalala at seryosong mukha ni Manong.

Hinahabol ko pa ang hininga ko. Masakit lumunok at pinag papawisan ako ng malamig.

"I'm okay Manong" sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka mukhang ayos" tugon niya.

Sumulyap ako sakanya at tumingin sa labas. "Okay lang po talaga ako. Tumakbo kasi ako papunta dito kakamadali kaya ayun po, napagod at hiningal ako.

Tumango lang siya at nag simula nang paandarin ang sasakyan.

Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyari kanina. Hindi matanggal sa isipan ko yung mga tingin ni Van. Yung mga kamay niyang nakahawak sa mga legs ni Bella. Yung pag hila ni Bella sakanya. Yung parang sabik na sabik silang dalawa sa isat isa.

WTF?

Ano ba tong mga iniisip ko!

Tinabunan ko ng unan ang mukha ko hanggang sa makatulog na ako.

Mabuti nalang at sabado na ngayon. During Saturday and Sunday, off to work na muna ako. It's like refreshing myself from the nakakapagod na weekdays. Updates nga pala doon sa pinapagawa ni Ms. Elijah na gown. Kalahati na yung natatapos ko. Saka pala nag bigay na rin sila nang full payment, sabi ko nga wag na munang mag bayad, pero sabi nila mas mabuti na raw yun para may dahilan daw ako na tapusin agad yung gown, duh? Anong akala nila sakin hindi ko yun tatapusin? LOL. Lahat nang nauumpisahan ko sa work man or personal I'll make sure na tinatapos ko.

Tinali ko na muna ang buhok ko at bumaba na habang humihikab.

Pumunta agad ako sa kitchen para tingnan kong may inihanda na si Manang na Breakfast. Kumuha ako ng tubig at ininom yon. Inaantok pa ako. Medyo blurry pa ang paningin ko.

Pag katapos kung kumain, bumalik na agad ako sa kwarto, wala naman akong gagawin ngayong araw. Nagulat ako nang biglang may nag vibrate.

Cellphone ko lang pala!

It was a message from Isiah.

Love: Magkita tayo mamaya, sa park. 9:00 am.

Yang yung laman ng text message niya so immediately reply.

Me: Okay love. See you, I love you.

Hit send.

---

It's already 9:00, andito na ako. Nag soot lang ako ng jeans and simple shirt, this is what I usually wear. Sabi kasi sakin ni Isiah mas bagay daw sakin yung mga simpleng damit lang, mas lumalabas daw yung ganda ko, though I have a lot of dresses in my closet. But I don't mind.

Habang nag hihintay kay Isiah, tinitingnan ko na muna yung mga bata na masayang naglalaro, I remember nong bata pa ako, meron akong kalaro na lalaki, hindi ko alam kung ano ba talaga yung real name niya pero ang natatandaan ko lang yung tawag sakanya ng mama niya ay Leyley. Hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon, lumipat na kasi sila dahil nag migrate yung family niya sa isang bansa. I hope makita ko ulit siya.

"Micoline?" Tawag saakin nang nasa likod ko.

Lumingon ako, si Isiah pala. "Bakit ka nakatayo diyan? Upo ka na dito" sabi ko habang tinututo yung space dito sa tabi ko. Pero na bigla ako ng hahawakan ko sana ang kamay niya ng bigla niya itong hinawi.

"Isiah? May problema ba?" Tanong ko dito. Kinakabahan ako. May iba sa mga mata niya, at ayoko nun.

"I'm breaking up with you" sagot niya.

Nakakabingi ang katahimikan ng lahat, o nakatuon ang buong sistema ko kay Isiah kaya akala ko tumigil ang pag ikot ng mundo ko, at sa unang pag kakataon tinalikuran na niya ko. Hinabol ko siya, gusto kong isigaw ang pangalan niya pero hindi ko magawa dahil hindi ko namalayan ns humihikbi na pala ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil sakanya. Yung mga mata kong kanina pa nag iinit dahil sa nag babadiyang pag tulo ng luha ko, tumulo na. Sunod sunod na punas ang ginawa ko dahil ayaw kong mawala siya sa paningin ko. Ayokong mawala siya sa mata ko, sa kahit anong sulok ng mata ko, dahil alam kong magiging kulang ako without him.

Kaya ko tong ayusin, kung ano man yung problema namin alam kung maayos namin yon.

"Isiah, sandali lang!" Kusang pumiyok ang boses ko dahil sa impit na pag hikbing pinakawalan ko.

Hinila ko yung braso niya. Humarap siya, nakikita ko yung mga mata niyang walang expresyon, ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

"Micoline, naman eh! Tama na nga di ba? Ayoko na!" Sabi niya habang sumisigaw.

"Ano bang nagawa ko? Sabihin mo! Ginagawa ko naman ang lahat ah! Ano pa bang kulang? Please naman Isiah, wag naman ganito. Nasasaktan ako" pag susumano ko sakanya.

"Wag munang ipilit yung sarili mo sakin Micoline, ayoko na nga di ba? Matalino ka, alam ko. Kaya please lang let me go" sabi niya na parang nawawalan na siya ng pasensiya at sa pangalawang pag kakataon tinalikuran na niya ako.

Pinunasan ko yung luha ko na walang tigil sa pag agos. "Akala ko ba walang iwanan? Nag promise ka sa akin Isiah di ba? Ayos naman tayo nung mga nakaraang araw ah. Pero I will respect your decision." Tumigil siya sa pag lalakad. "Natatandaan mo pa ba yung sinasabi ko sayo na I will never give up on you kapag na fefeel kong nabobored ako sayo dahil that's normal. Hindi naman kasi araw araw kikiligin ako sayo, hahaha yun kasi ang definition ng mga teenagers ngayon, instead of nakaka kalma ng kalooban. Kalmado ako pag andiyan ka, comfortable ako, pang matagalan. Kaya pag nabobored ako hindi mo yun kasalanan malungkot lang ako in that day, pero I still love you for sure. Breaking up is a bad idea just because you are sad." sabi ko sakanya habang patuloy na humihikbi.

I already did my part. Mahal na mahal ko siya pero hindi na tamang habulin ko pa siya kung una palang siya na yung sumuko sa aming dalawa.

Damang dama ko yung paninikip ng dibdib ko. Kapag nag mahal ka wag na wag mong kalimutang ihanda yung sarili mo sa possibility na masaktan. Sa una mo lang mararamdaman na nanalo ka pero sa oras na masaktan ka doon mo lang malalaman na talo ka pala talaga.

"Hindi na kita ipaglalaban Isiah. Unang una wala naman na akong karapatan pa. Kahit na mahal na mahal pa kita. Ikaw yung unang sumuko eh. Ano pa bang magagawa ko? Thank you sa 2 years, 3 months, 4  days, 9 hours, 15 minutes at 45 seconds na masasayang memories na binuo nating dalawa na mag kasama. Mahal na mahal kita" hindi ko na hinintay pa yung sasabihin niya. Tumakbo na ako, hindi ko inalintala yung mga taong tinitingnan ako. Ang sakit. Ang sakit sakit.

WE LOVE EACH OTHER,
BUT WE'RE NOT DESTINED.

Dahil sa pag mamadali ko at walang tigil na pag buhis ng luha ko hindi ko namalayan na may nag bangga pala ako.

--------------------------------

Don't Forget to Vote, Comment and Share! Thank you very much.

~greenppy

Until I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon