Puso'y may sinisigaw
'Di inakalang magiging ikaw
Ang totoo'y nalilito
Hindi alam kung anong itatawag dito
'Di mabatid kung paghanga lamang
Sana nga'y 'yun lamang
Hindi ko inasahan
Lagi ka nang napagmamasdan
Pinipilit mang itanggi sa sarili
Puso't isip ay nagsasarili
Sa sarili ay 'di maamin
Ang tunay na damdamin
Nangyari na ang kinatatakutan
Ang magkaroon ng pagtingin sa taong hindi inilaan
Nais ko nang lumisan
Bakit kailangang masaktan?
Ito ang unang pagkakataon
Ngunit nais nang ibaon
Nasaktan agad ang puso
Paano pa mababago?
Bago pa man magkaroon ng pagtingin
Aking nang nasasalamin
Ang pagkatakot na ito'y dumating
Nakikita'y 'di na matutupad ang hiling
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
ПоэзияAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.