Nahihirapan nang itago
Parang sasabog na ang puso
Itong damdamin ko para sa'yo
Habang tumatagal lalo lamang nag-iibayo
Alam ko man na ako'y tanga
'Di ko pa rin mapigilang gustuhin ka
Ilang beses ko nang sinubukan
Gumawa ng iba't ibang paraan
Ngunit sabik pa rin na makita ka
Kaya sa isip ko'y yakap kita
Nakakahiya man aminin
Anong magagawa kung 'yun ang damdamin?
Naiinis sa mga tumutulong luha
Dulot ng laging pangungulila
Sa puso'y may bigat na nadarama
Hanggang kailan magdurusa?
Alam ko man na hindi pwede
At ito'y imposible
Pero sana'y makita kang muli
Kahit 'yun na ang huli

BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoésieAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.