Sana ikaw na ang una't huling maling tao na mamahalin ko
Sapagka't ayoko nang masaktan ng ganito
Ngunit kahit anong pigil ko
Wala pa ring araw na hindi ka naalis sa isip ko
Minsan naiisip ko, paano kung ako'y malaya?
Malayang nasasabi na mahal kita
At naipaparamdam sa pamamagitan ng mga yakap
Ngunit malinaw na ito lamang ay pangarap
Walang magawa kundi tanggapin
Sapagka't lalo lamang masasaktan ang damdamin
Kung patuloy na pipilitin
Kaya ang nararamdamang sakit ngayon ay kailangan tiisin
Hiling ko'y huwag ka muna makita
Dahil kapag nakikita ka
Lalo lamang akong nangungulila
At aasa na naman ang aking pusong tanga
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoesíaAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.