Kailan lang ako'y may napagtanto
Maaari pa lang mangulila sa taong 'di malapit sa'yo
Ngunit kinakabahan kapag malapit na sa'yo
Ang mapangiti sa segundong makita siya
At kiligin kapag napapatingin siya
Kaya't sa iyong panaginip laging nando'n siya
Sa kalaunan man damdamin ay itanggi mo
Paulit-ulit na magsusumigaw ang puso mo
Hanggang sa maamin mong mahalaga na siya sa'yo
Himalang magkatugma ang damdamin ng dalawang tao
At nang mabatid mong hindi magkatugma ang inyo
Nanaisin mong 'di na lang naramdaman ang lahat ng 'to
Darating ang araw na tutulo ang iyong luha
Sapagka't 'di mo maipakita kung ga'no siya kahalaga
Hindi mo masabing gustong-gusto mo siya
Mahihiling mong sana'y 'wag na maulit 'to
Ang magkagusto sa maling tao
Sapagka't nakakadurog lamang ng puso
Ngunit alam mong 'di niya kasalanan 'to
Kusang nahulog ang damdamin mo
Kay sakit nga lang isipin na walang patutunguhan 'to
Paano nangyari 'to?
Bakit kailangang mangyari 'to?
'Yan ang mga tanong maiiwan sa'yo
Mga tanong na mahirap sagutin
Kahit sarili ay pilitin
Misteryong pag-ibig, palaisipang damdamin
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoésieAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.