Hanggang ngayon naiisip pa rin kita
Kahit anong gawin ay 'di mawala
Ngunit kapag nalaman mo
Tiyak na pagtatawanan mo
Kapag tinanong mo 'ko
Kung bakit kita gusto
At kung gaano kalalim 'to
Walang maisasagot sa'yo
Alam kong magagandang katangian mo
Ngunit magkaiba ang ating mundo
Kaya't suntok sa buwan ang gustuhin mo 'ko
Maaaring ako'y baliw para maramdaman 'to
Pinilit mang lumayo
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko
Pagkakataon ay hihintayin ko
Upang masilayan ka kahit sa malayo
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoesíaAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.