Mali

147 4 0
                                    

Maling magkagusto sa'yo

Kaya't kailangang pigilin ko

Ngunit paano nga ba?

Gayong laging hanap-hanap ka

Kahit anong gawin ko

Hindi ka maalis sa isip ko

Napapangiti pa rin ng 'di sinasadya

Pagkadurog ng puso ay tila nagbabadya

Pagka't 'pag ang nadarama'y 'di na napigil

Darating ang panahong puso'y makikitil

'Pag ika'y nakikitang masaya sa piling ng iba

May kirot na nadarama

Ayoko nang maulit pa

Ang magkagusto sa taong iba ang nadarama

Tunay na nakakatanga

"Sana hindi na lang kita nakilala!"

Mga salitang sana kaya kong sabihin

Ngunit alam kong 'di ko kakayanin

Sapagka't walang dapat sisihin

Na kusang naging mahalaga ka sa'kin

'Di alam kung pagkakataon ay namilit

Dahil kailan ma'y 'di piniling lumapit

Ngunit nang maamin sa sarili ang tunay na damdamin

Ayoko nang malayo ka sa'kin

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon