by Zoe
"Sir, this video will prove that that woman scratched my car! Now, if you please, I have to go now for an important appointment. Which papers should I sign? I need several copies of the police blotter report for my car insurance."
"Mr. Police Officer Sir, don't you dare let that 'hambog' man leave just like that! Aber? Patingin ng video mo? Ako ba yan? Ha? Makabintang ka akala mo ikaw na ang magaling sa English!"
"Mga MamSer, kalma lang po tayo. Andami nyo nang audience pati mga preso pinagpupustahan na kayo. Pwede naman pong madala ito sa mabuting usapan ano ho? Mam, ikaw po kasi itong nakatalikod sa video na kuha ni Sir. At Sir, hindi naman ho kalakihan ang damage sa sasakyan nyo. Mas masakit, malalim at mahaba pa dyan ang peklat na dulot ng bigong pag-ibig," si Mamang Pulis at ang malakas nyang pagtipa sa lumang makinilya.
"May hugot ka?" May sabayang pagbigkas ang complainant (si Ey) at accused (si Em) na sya namang ikinatawa ng mga nanonood na inmates at naglalako ng banana cue sa presinto.
"Lack of communication. Yan po ang karaniwang dahilan ng di pagkakaunawaan kaya sana po pag-usapan nyo na lang ito nang mabuti?" Sabat ni Police Officer.
"I badly need to go now. Miss, whatever your motives are, you are at fault here. Talk to my lawyer. Or, you can come with me and let's talk this out. Hindi naman ako masamang tao."
"Wait, pagbabayarin mo ako? Saan mo ako dadalhin, hindi ako kaladkarin!"
"I did not say that. What I want is to know why you did that. At tansan pa talaga ang ginamit mo!"
"Pasalamat ka tansan lang," murmur ni Em na dinig naman ni Ey.
"At ano pala balak mo? Look, can we just go for now?"
"Sasama ako sa yo in one condition. Ipasok mo si Athena sa next qualifying round ng Quiz Bee."
"What Quiz Bee? Ahhh, ikaw yung mother nung last contestant na nadisqualify... No, not gonna do that; that's not fair."
"Eh kung hindi mo kasi nilito ang anak ko sa 'bass' na yan. It should be 'bas' for sea bass, not 'base' na musical instrument. Science quiz bee yun hindi concert!"
"I corrected naman ah. It was a minor slip on my part. Sorry if that caused your daughter to lose points. Now can we go?"
At habang nagsasalitan ang dalawa sa pagsasalita, aliw na aliw naman ang mga preso, pulis at ibang tambay na nakatingin sa dalawa sa loob ng presinto,
Nag-isip si Em kung sasama ba sya o hindi, wala nga naman syang sasakyan. At baka mapakiusapan pa si quizmaster pogi na isalang sa next round si Athena. Sayang naman ang dalawang buwang review nila ng anak. Dream come true pa naman ni Em na makaakyat ng stage si Athena at masabitan ng medalya. Things she never experienced as a student.
Si Ey naman ang talim ng titig sa leeg ni Em, animo'y may dumapong kuto. Ang mga tsuwariwap sa paligid may naramdamang tensyon sa pagitan ng dalawa, tension na may halong kilig at nauwi sa kantyawan.
"I-date mo na yan!"
"Pupusta ako, bente, bukas sila na!"
"Miss, pakipot ka ng konti ah. Singkwenta sa akin!"
"Mga MamSer, salamat naman po at naayos nyo na ang gusot. So ikacancel ko na ang blotter nito ha."
"Let's go." Tila may sumabog na kuryente sa pagitan ng dalawa pagkahawak ng kanilang mga kamay nang hinila ni Ey si Em. Sinundan ng slow mo tinginan. Matagal, mabagal na tinginan. May sumipol sa likod at nagkantwayan.
Nagmamadali nilang nilisan ang presinto na binalot na ng hiwayan at labasan ng barya sa pustahan. Pagkaupo ng dalawa sa sasakya ni Ey, nagkatinginan uli, may gumuhit na ngiti sa mga labi. Pinaandar agad ang aircon ng sasakyan.
"I'm sorry." Ayun, sabayang pagbigkas na naman sila.
"Sorry for the scratch in your car. I was too angry kanina. Gusto ko lang naman manalo ang anak ko sa quiz bee," confession ni Em na may kasamang paghikbi.
"Sorry for unintentionally causing your daughter to lose in the contest. Perhaps I can make it up to you both by helping her review? Ops, sorry, baka magalit ang asawa mo. Or need mo magpaalam?
"No need. I'm a single mom."
"Oh, cool... So, ahhmm,.. where to? Pwede kita ano, ihatid, or we can drop by sa cake shop tapos ano, para pasalubong kay Athena, yeah, Athena, right?" Nagsastammer na sabi ni Ey.
"Don't bother na. I don't want her eating lots of sweets. She gets too hyper kasi. Ahhmm, ikaw, aren't you going to a meeting pa?" Aruy, nagpabebe na si Em.
"Wait, let me make a call first. I'll cancel it."
YOU ARE READING
One Shots: An ADNBookClub Writing Challenge
FanfictionThis book presents the submissions for the 7-Prompt One Shots Writing Challenge for ADN Book Club Members on the month of June.