by NightCat/Ela
''Ano ba Foreman, ang ingay nyo parin!''
''Ano ba ka rin no! Anong akala mo sa construction, walang ingay palagi?? Edi mag earplugs ka!''
''Di pwede kasi wala akong maririnig kung gawin ko yan! ''
''Lord, pwede ba nyo ba iblock out ang ingay ng construction at ang mahanging foreman nato?''
''Narinig ko yan ha! Kung alam ko lang na isang gaya mong parang pusa mangaaway ang maabutan ko dito, di ko na tinanggap magtrabaho sa site nato''
''Kung pwede lang kita hambalusin ng hammer ginawa ko na...'' *timpi mode*
''Ano tinitingnan nyo dyan? *tingin sa workers na nakita ang dalawa* Back to work!''
''Kung pwede lang kita batuhin ng deselected books ginawa ko na.....'' *timpi mode*
Mga isang buwan na ang lumipas since nagsimula ang construction sa bagong Wing ng EyDeeEn University at malapit ito sa isa sa mga library nito kaya grabe ang mga hinga ni Maine sa ingay ng site at sa foreman nito, si Alden. Eto naman kasi tong si Alden, normally siya ang King Of Chill pero pagdating kay Maine aba if stares can kill mapapatay nya si Maine ng 41 million times. Si Maine naman, nagtatrabaho sa library bilang assistant librarian dahil kahit Business Ad ang tinapos nya, mahilig sya sa mga aklat kaya sumabak para malaman kung gusto nya talaga kunin ang Library Science bilang masters degree. At oo di nya rin kaya tiisin si Alden, kung mag-away sila na halos 3 times a week eh parang mga aso't pusa, leon at dragon. Katakot.Lunchtime na, kasama nya kumain si Ms. Minchin, isa sa mga full-time librarian dito.
''Maine! Bakit di mo kayang iignore nalang yang foreman nayan? Sayang ang beauty mo kung mamamatay ka lang dahil sa stress na dala nya sayo''
''Sinusubukan ko pa Ms. Minchin pero ah ewan ko, feeling ko forever ako maiinis sa kanya. Kasi feeling pogi at mahangin sya!''
''Pero diba may kasabihang 'the more you hate the more you love'? yiieehieeeeeee kayo''
''Ms. Minchin! *nag-blush*''
''Hay naku Maine kung ayaw mo talaga sa kanya aba akin nalang sya. Kegwapong nilalang, saying naman''
''Oh sige sayo na sya signed sealed and delivered. Invited ako sa kasal nyo ha''
That afternoon napaisip si Maine sa lunchtime convo habang nasa library duty :
*hmm may point nga sya, sayang naman kung mamatay ako dahil sa stress at kunsuminsyon ko sa isang lalaki. Ano kaya kung bigayan ko sya ng peace offering?*
The following day:
Bago pumasok sa library para simulant ang workday, pumunta muna sya sa site at nakita si Alden
''Hoy good morning foreman! Pwede kita makausap saglit?"
*Hmm may dala syang maliit na kahon, ano kaya ang laman? Bomba para patayin ako? Pambihira wala pa akong last will at testament*
*...sige na nga kakausapin ko sya.....*
Lumapit si Alden kay Maine
''Naisip ko lang na mainit ng nga dito sa Pinas tapos halos araw-araw iinit rin ang ulo ko dahil sayo. Kaya para matapos natong away na isang buwan nang on, tangappin mo ito *binigay ang kahon kay Alden*
''Wow ang mature mo naman ngayong araw, sana araw-araw''
*Lord tulungan nyo ako pls ,bigyan nyo po ako ng pasyensya kasi ayoko pang makulong dahil nakapatay ako ng tao'*
''Buksan mo nalang ang kahon pag umalis nako dito. So ok na tayo?''
''Hmm sige. Salamat sa regalo. Pero di ako magugulat kung isang araw bumalik ka dito na parang dragona''
*Hay naku!*
''You're welcome foreman'' tapos umalis si Maine sa site
Pagkaalis ni Maine, kinalog ni Alden ng beri light ang maliit na kahon
*Maliit pero medyo may bigat, mabuksan nga*
Tumunbad kay Alden ang isang maliit na cake covered in white icing at noong hiniwa nya ito para tingnan ang loob, rainbow colors pala! Tumikim sya ng isang slice at nagustuhan ito.
''In fairness sa kanya, kung peace offering to edi ayos lang sakin. Pero aabangan ko parin kung pupunta ulit sya dito sa site''
YOU ARE READING
One Shots: An ADNBookClub Writing Challenge
FanfictionThis book presents the submissions for the 7-Prompt One Shots Writing Challenge for ADN Book Club Members on the month of June.