Second Chance

157 13 1
                                    

By: Iamdhags 


Maine's pov


"Maine, goodluck sa pag pasok mo Finding you Reality show." Sabi sa'kin ni Anna. "Enjoy mo lang kapag nasa loob kana ng camp, wag kang ma-pressure, and just be yourself always." Dagdag niya bago ako niyakap.
"Thank you Anna, I'm going to miss you." I hugged her tight.
Ngayon kasi ang alis ko papunta sa Manila para pumasok sa isang Reality dating contest.
Yes, it's reality dating show. Hindi naman ako desperada maka hanap ng boyfriend, honestly aksidente lang ang pag kakasali ko dito, dapat kasi si Anna ang sasali, pero kailagan niyang umalis papuntang amerika sa makalawa, kaya naman ako ang ni rekomenda niya na papalit sa kanya, ayoko pa sana, dahil wala akong hilig sa mga ganyan bagay. At para sa'kin ang pag ibig hindi hinahanap, kusang dumarating yan.
But since Anna is my bestfriend at mag kakaruon siya ng malaking problema ka pag di siya nakahanap ng papalit sa kanya, pumayag na ako.
"Maraming salamat talaga Maine sa pag payag. Wala lang talaga akong choice, staka ikaw lang ang kilala kong single pa sa mga kaibigan natin." Anya.
Napataas ako ng kilay sa kanya. "Wow ah, okay na sana yung thank you eh, pero kailagan talagang isampal sa'kin na single pa rin ako." Sarkastiko kong sabi sa kanya.
She laughed and hugged me. "Para naman magising ka na hindi kana bumabata." She fired back. "It's been two years since nag break kayo ng manlolokong boyfriend mo, kaya it's time na mag karuon ka ng boyfriend no. Para hindi ka laging bitter Jan." Napairap na lang ako sa kanya.
Inayos ko ang akin nga gamit sa mesa, para tantanan niya na ako, pero Mali pa rin ako dahil sumunod siya sa'kin at patuloy akong inasar.
I looked at her with dagger. "Ano mag hahanap ako ng bagong boyfriend, kahit sino na lang tapos sasaktan na naman ako? Yan ba ang gusto mo nangyare sa'kin?" Ang pait sa'kin boses Ay di nakaligtas.
Bumuntong hininga siya at sumandal sa'kin mesa. "Maine hindi lahat ng lalaki manloloko, lagi mong tatandaan yan. Hindi porket nag hanap ka eh, Mali na ang makikita mong lalaki." She explained. "Naiintindihan kita kung bakit ka ganyan dahil nag mahal ka at nasaktan ng sobra sobra, pero Malay mo naman this time si Mr. Right na ang mahanap mo?" Anya.
"May Mr. Right pa ba?" Nakataas kilay kong tanong. "Mr. Right sa mga unang linggo o buwan niyo, pero kalaunan Mr. Right na ng buong kababaihan."
Napailing na lang siya sa'kin.
Pero wala rin naman akong nagawa, napapayag niya pa rin ako makasali sa Reality show na yan. Kaya ito ako ngayon sa airport ng Davao papuntang Manila para harapin ang sakit ng ulo ko. Kung di lang malalagay sa alanganin ang bestfriend ko, matagal na akong nag back out.
Halos mag aalas dos na ako ng hapon nakarating sa Maynila, sa airport pa lang sinalubong na ako ng staff ng Finding you.
Agad nila akong diniretso sa hotel.
"Miss. Maine, Bali sa isang room tatlo po makakasama niyo." Paliwanag ng staff. "Staka pagkarating natin ng hotel, makakaruon ng lunch para makilala niyo ibang contestant and after that meron kayong media conference." Dagdag niya.
At ganun nga ang nangyare, wala kaming naging pahinga sa araw na yung dahil sa mga activities na ginawa namin. Kaya naman pagkatapos namin ng alas otso ng Gabi agad akong bumalik sa room hotel at agad naligo, pagkatapos ng akin orasyon sa katawan agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan maaga ang naging call time namin, alas singko pa lang ng madaling araw nasa kalsada na kami para pumunta na sa tagaytay kung saan matatagpuan ang camp na titirhan namin sa buong show.
Kahapon nakilala ko na ang limang babae na makakasama ko, yung limang lalaki ang sabi sa loob ng camp namin sila makikilala.
"Excited na ba kayo makilala yung mga boys?" Tanong ni Sheena samin. "Ano kayang mga itsura nila, gwapo kaya sila or hunky?" She said dreamingly
Ofcourse, mawawala ba sa quality ng isang babae ang itsura, kung ang lalaki, ang preference nila sa mga babae Ay maganda, siempre kailagan malaki ang boobs.
Kaya minsan kakahabap nila ng maganda at gwapo, nasasaktan sila. Paano sa sobrang ganda at gwapo dami naman side chic at side boy.
"Sana nga." Maarteng pag sangayon ni Eve.
"Ikaw maine, anong gusto mo sa isang lalaki?" Tanong ni Tina sa'kin.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Yung di manloloko." Simpleng sagot ko. "Pero wala na yatang ganun ngayon." Dagdag ko.
Taka silang tumingin sa'kin, iniisip nila siguro na lukaret ako. Well yun naman talaga ang gusto ko at alam kong mahihirapan ako, bilang na lang ang loyal and faithfull ngayon, minsan taken pa.
Kaya naman imbis na makinig at makisali sa kwentuhan nila at plano sa buong show, natulog na lang ako. I'm not interested sa mga lalaking pinag kwentuhan nila.
Nagising na lang ako ng ginising ako ni Eve. Nasa tapat na pala kami ng camp.
Cabin style ng bahay, gawa ito sa bamboo at bato. Sa tapat nito Ay isang lake na sobrang ganda.
Excited pumasok sila Sheena, habang ako sinusuri pa ang bahay.
Naagaw ang akin atensyon pagkapasok ko sa loob ang linis nito, at kitang kita mula sa sala ang maliit na swimming pool.
Lalong na excite ang mga kasama, siempre ako rin. Dahil kahit papano, maganda naman ang bahay na titirhan namin ng isang buong isang buwan.
Nag simula na kaming ayusan, para sa opening mamaya, isa isa kasi kaming ipapakilala mamaya at Lima pang kasama, Aaminin ko kinakabahan ako sa mangyayare. Hindi naman mawawala siguro yun.
Kaya ng dumating ang tamang oras, halos di na ako mapakali sa loob ng bahay, halos mag pabalik balik ako kakalakad, ang aking itim na backless na gown ay halos matapakan ko na dahil sa kakalakad.
"Girls." Tawag sa amin ng staff. "Lumapit muna kayo dito para ipakilala ko sa inyo ang host ng Finding you." Lumapit kami isa isa sa kanya.
Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko ng pumasok siya sa pinto. Wearing a black suit, and his famous style halos di ko na marinig ang bulungan at kinikilig na usapan ng mga kasama ko. Ang tangin alam ko lang, my heartbeat past, halos parang may kabayong nag kakarerahan sa kin dibdib at parang mawawasak ang dibdib ko sa kalabog nito. Kasabay ng pag huhurumintado ng akin puso Ay ang pag buhos ng akin alala na parang isang malakas na ulan. Ang sakit na binaon ko ay isa isang kumawala. Ang dalawang taon na pag hihirap ko na kalimutan siya ay ganun kadali na lang nagising.
"Meet Richard Faulkerson ang host ng Finding you." Pakilala sa kanya ng staff.
He smiled to us, pero ng nagtagpo ang amin Mata, nawala ang ngiti niya. Sa sandaling yun, guilt pass to his eyes. Pero mabilis siyang nakabawi. At isa isa kaming kinamayan.
"H-hi!" Bati niya gamit ang nanantyang boses. Sabay lahad ng kamay.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kanyang kamay o dedmahin ko na lang ito. But one thing for sure gusto ko siyang kamayan at ibalibag o baliin ang kamay niya. Sa huli tinggap ko ito at kinamayan siya.
Kung pinag sisihan ko ang pag sali dito sa show, ngayon mas lalo akong nag sisi. Bakit naman kasi sa dami raming kukunin na host siya pa. Ang lalaking nanloko at nanakit sa'kin. Ang lalaking pinag palit ako sa iba.
"Maine, it not you it me." He said. "Look, hindi ko inaakala na maiinlove ako sa kanya kahit tayo pa. Alam kong Mali ako, na Sana naki pag hiwalay muna ako sayo bago ako pumasok sa isang relasyon, pero hindi ko alam kung paano sasabihin sayo ng di ka nasasaktan." Napahawa siya sa kanyang pisngi ng dumapo ang palad ko dito.
"Eh gago ka pala Richard eh!" Sigaw ko sa kanya. "Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan sa second choice mo na mag two timer, kesa makipag hiwalay sa'kin bago ka lumandi sa iba?" Sarkatiko akong tumawa. "Wag mo nga akong gawin tanga Jan sa excuse mo, ang sabihin mo, manloloko ka lang talaga!"
"I guy like you, hindi makukuntento sa iisang babae. Hindi kana mag babago, manloloko kitang nakilala, manloloko ka rin mamatay." Sabi ko sa kanya. "Ang tanga ko lang dahil kahit alam kong gago ka minahal pa rin kita, pero ito tandaan mo, itong pag mamahal ko sayo mawawala at nag babago pero ang ugali mo hindi!"
Hindi ako nakapag concentrate sa buong show, sa araw araw na ginawa ng Dios, lagi kaming nag kikita, hindi ko alam kung sinasadya ba ni tadhana na pag tagpuin kami sa loob ng camp o sadyang inaasar niya lang ako.
"Maine, may nagpapa bigay nito sayo." Sabay abot sa'kin ng bulaklak.
"Wow, kanino galing yan Maine?" Bakas sa boses ni eve ang kilig.
Nag kibit balikat ako.
"Ayan may card oh." Sabay turo niya. "Bilis kunin mo ng malaman natin." Sabi naman ni Sheena.
Agad ko tong kinuwa at binasa kung kanino nang galing.
Richard:
Ang ganda ko pa rin.
Halos malukot ko ang card sa nabasa.
Buti pa ang panahon nag babago, siya bolero pa rin hanggang ngayon.
Nag lakad ako papuntang kusina. "Oh bakit mo tinapon? Sayang ang ganda pa naman." Nanghihiyang na sabi ni Sheena. "Kanino ba galing yan?" Dagdag niya.
"Sa manloloko." Mataray kong sagot.
Dumaan ang mga araw walang pina lagpas sa pagpapa pansin si Richard. Kung ano anong pakulo ang ginawa niya para mapansin ko. Actually lahat yan ginawa niya noon nanliligaw pa siya sa'kin.
Hindi tuloy ako naka focus sa sa contest, dahil na didivert ang isip ko sa kanya, na hindi healthy para sakin.
Dahil sa pagpapansin niya di ko rin napapansin ang mga lalaking contestants, hindi ko alam kung sinasadya ba ni Richard na gawin yun o sadyang wala sa kanila ang atensyon ko.
Tahimik akong lumabas ng cabin at nag punta sa lake, habang pinapanuod ang nagkikislapan na bituin sa kalangitan.
Lagi ko itong ginagawa tuwing sasapit ang Gabi, parang ito na ang personal time ko sa'kin sarili, yung walabg camera at walang drama.
Niyakap ko ang akin tuhod at tumingala sa kalangitan.
"Mag isa ka yata dito." Boses pa lang alam ko na kung sino ang katabi ko.
Hindi ko siya pinansin dahil pag tibok ng akin puso.
"Napapansin ko lagi kang nagpupunta dito, ayaw mo ba sa mga kasama mo? Specially sa mga lalaki na kasama niyo? Kasi pansin ko ikaw lang ang walang interest sa kanila, hindi katulad ng iba mong kasama na babae, halos may mga kaparehas na sila o may mga gusto ikaw wala pa rin." Napatingin ako sa kanya.
"Kailan ka pa naging pakielamero?" Tanong ko sa kanya. "Ano bang pakielam mo at wala akong interest sa kanila. At teka nga bakit ka ba andito? Tapos na trabaho mo di ba? Bakit di kapa umuwi o makipag kita sa girlfriend mo kesa ako ang binu bwisit mo dito?" Bakit kong sunod sunod na tanong sa kanya. "At oo nga pala, pwede ba tigilan mo na yung mga ginagawa mong pag papansin sa'kin kasi di na bebenta sa'kin yan. Lahat yan ginawa mo na noon, galawan manloloko." Inirapan ko siya at muling tinignan ang nga bituin.
He sighed. "Andito ako para kausapin ka." Anya. "At wala na kami ni Andi matagal na, nakipag hiwalay din siya sa'kin noon, I found out after one month na engaged na siya." Kwento niya.
"Kita mo nga naman ang bilis manampal ni karma." I chuckled. "Masarap bang gawin sayo ang ginawa mo sa'kin?" Tanong ko.

"Looked, I'm sorry sa ginawa ko, pag katapos ng panloloko sa'kin ni Andi, dun ko na realized na ang tanga at gago para lokohin ka at ipag palit sa babaeng manloloko. Sabi ko nga ito yata yung napapala ko dahil hindi ako nakuntento sa pag mamahal mo, hindi ako nakuntento sa pinadadama at pinakikita mong pag mamahal sa'kin, nag hanap pa rin ako ng iba, yun lang yung nahanap ko, sasaktan lang ako, pag tatawanan, at mamaliitin." Malungkot niya kwento.
Nakaramdam naman ako ng lungkot sa nangyare sa kanya, ang lungkot na nagpa ningas sa akin nararamdamab sa kanya, ang pag tibok ng puso ko at nararamdaman sakit ay pakikisimpatya sa kanyang pinag daanan niya.
Ano ka ba Maine, di ka pa rin ba nadadala, nag papadala ka pa rin sa mabubulaklak niyang salita.
Pagalit ko sa'kin sariki, munit sadyang marupok talaga ang akin puso. Dahil ang sa loob ng dalawang taon siya pa rin ang tinitibok nito.
"Richard, kasalanan mo yan dahil hindi ka marunong makuntento sa iisang babae. Mas inuuna mo yung kati ng katawan mo, kesa ang damdamin ng taong sinasaktan mo." Sabi ko sa kanya. "Binigay ko sayo ang lahat, minahal kita ng buong puso ko, sumugal ako sayo dahil umaasa ako na mag babago ka, yun pala umasa lang ako sa wala. Sa huli mas nanaig ang kakatihan mo." Hindi maiwasan mamuo ang akin luha dahil naalala ko ang nangyare."Walang araw na hindi ko tinanong ang sarili ko, kung saan ako nag kulang, kung anong ginawa ko kung bakit mo ako sinaktan. Pero naisip ko wala akong pagkukulang sayo, dahil alam ko sa sarili ko na binigay ko lahat ng pag mamahal sayo, but you chose her, dahil mas maganda siya sa'kin." Pinunasan ko ang akin luha na kumawala sa'kin mga Mata.
"I'm sorry Maine. Sorry kung nasaktan kita, pero kung alam mo lang kung gaano ko pinag sisihan ang ginawa ko sayo. Hinanap kita sa dati niyong bahay pero lumipat na Daw kayo, binago mo yung numero ng cellphone mo, binura mo lahat ng social media accounts mo, kahit ang mga kaibigan natin hinanap kita pero di nila ibinigay sa'kin ang numero mo o kung saan ka makikita." Ramdam mo ang sinseredad sa kanyang boses.
Ang bawal salita na binibitiwan niya ay parang isa bulldozer na gumigiba sa mataas na bakod na akin tinayo, ang bawat rebelasyon niya ang tuluyan nag papatunaw sa galit at sakit na bumalot sakin puso.
Humarap siya sakin at kinuwa ang akin kamay. "Ganun pala yun no, kapag huli na ang lahat, kapag nasaktan ka, dun mo lang ma re-realized ang kahalagahan ng taong sinaktan mo, ng taon pinag palit mo sa iba. That time I've realized na ikaw pa rin pala ang mahal ko, ang nararamdama ko Kay andi ay pag hangga lang dahil maganda siya. Pero sayo yung nararamdaman ko simula noon hanggang ngayon are genuine and pure love." Halos matunaw ako sa kanyang mga tingin na punong puno ng pag susumamo. "Maine, kakapalan ko na ang mukha ko, kahit alam kong malabo, kahit alam kong maliit ang chance ko na mapatawad mo ako." Marahan niyang hinaplos ang akin kamay. "Please give me second chance to probe to you kung gaano ako nag sisise sa ginawa ko sayo. Give me second chance to probe to you how much I love you. Give me second chance para itama ang lahat ng pag kakamali ko sayo, iparamdam sayo araw araw kung gaano ako nag sisise sa pananakit ko sayo." He wiped my tears using his thumb.
Tuluyan ng nalusaw ang galit ko, ang natutulog kong nararamdaman at pag mamahal sa kanya ay biglang gumising.
Sa bawat salita niya ay parang isang gamot na nag pahilom sakin sugat. Alam ko na nasaktan niya ako, at kung pabibigyan ko ulit ang puso ko at sarili na mahalin siyang muli, baka masaktan akong muli. Kakayanin ko pa kayang masktan muli?
Nag tatalo ang puso't isipan ko. Pero iisa lang ang sinisigaw ng puso ko.
Na okay lang sumugal, na okay lang nasaktan muli dahil kasama na yan sa kapag nag mahal ka.
He deserved a second chance, lahat naman ng tao nag kakamali at nasasaktan. Sino ba naman ako para di ko pag bigyan ang puso ko.
"Richard, hindi madali ang pinag daanan ko, hindi madaling kalimutan ka at itapon ang pagmamahal ko sayo. Ang hirap hirap. Pero kahit anong gawin ko sa loob ng dalawang taon nagawa ko man itago at isantabi ang nararamdaman ko, deep inside ikaw pa rin ang mahal ko, sabihin ko man na, na galit ako sayo, ilang beses ko man itatak sa isip ko ang ginawa mo sakin. Alam ko sa sarili ko na kapag lumapit ka lang ulit sakin at mag sorry papatawarin kita, ganyan ako karupok pag dating sayo." Pag amin ko sa kanya. "Pero sana Richard ang wag mong sayangin ang pangalawang taon na hinihingi mo sakin, at ibibigay ko sayo. Dahil kapag sinaktan mo ako ulit kakalimutan ko na may isang Richard Faulkerson akong kilala." Kitang kita ko ang saya sa kanyang mukha.
Marahan niyang hinaplos ang akin mukha. "Hindi ako mangangako sayo na hindi kita papaiyakin pero ito lang ang masasabi ko, kung papaiyakin man kita ay iyak ng tuwa, kung masasaktan man kita ay ito ang sakit ng kaligayahan at pag mamahal na ipaparamdam ko sayo." Anya. "Ito ang tandaan mo, araw araw kong ipapadama sayo, kung gaano ako nag sisise sa ginawa ko sayo." Tuloy tuloy ang pag agos ng akin luha sa kanyang mga sinabi.
"I love you Baby." Anya staka pinatakan ako ng halik sa labi.

One Shots: An ADNBookClub Writing ChallengeWhere stories live. Discover now