› 03 ‹
Into The WoodsNakatingin lang ng direcho si Fiure sa dalagang nasa kanyang harapan na si Ana. Naiilang na umiwas ng tingin ang dalaga dahil sa mapanuring tingin ng binata.
Halo-halo ngayon ang nasa isip ni Fiure dahil sa sinabing 'yon ni Ana. Hindi siya makapaniwalang babalaan siya ng mga taong magbibigay sakanya ng armas.
"Naluto ko na ang kakainin niyo, kumain na kayo." Boses ng Ama ni Ana ang nagputol sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa ni Fiure.
Dahil sa pagkailang, nagsalita si Ana, "Sige Tay! Susunod po kami." Sabi nito sa kanyang Ama.
"Bibilhin ko na 'to." Wika ni Fiure at may kinuha sa suot-suot nitong bag, agad naman siyang pinigilan ni Ana.
"Wag mo ng bilhin, sa'yo na yan. Tsaka hindi naman namin binibenta yang espadang 'yan, hindi nga mahawakan ng na sino 'yan eh." Nakangiting sambit ni Ana.
"Kung ganoon, maraming salamat." Sabi ni Fiure ng walang ka-emosyon-emosyon.
"Walang ano man, tara na, kumain na tayo." Pag-aaya ni Ana at nagsimula ng maglakad pabalik sa kusina ng kanilang munting tahanan. Sumunod naman si Fiure ng walang imik. Inilagay nito ang bagong espada sa Spatial Ring nito.
"Kumain ka na Hijo! Itong Curry na ito ang paborito ni Ana. Siguradong magugustuhan mo rin 'yan." Nakangiting wika ng matanda. Tumango naman si Fiure at nagsimulang kumain ng Curry na hinanda ng matanda.
"Sobrang maanghang 'yan, baka di mo—" napahinto ang dalaga sa pagsasalita, napansin niya kasing walang reaksyon ang binata sa pagkain ng Curry. "Kaya mong kainin ang pagkaing 'yan ng walang reaksyon?" Malumanay na tanong ni Ana. Hindi naman umimik si Fiure at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Tatlumpung minuto na tayong magkakakilala ngunit hindi pa namin ang alam ang iyong pangalan, Hijo. Maaari ba naming malaman ang iyong pangalan?" Tanong ng Ama ni Ana. Natigilan naman si Fiure sa pagkain dahil nakalimutan niyang magpakilala.
"Fiure Grimoire po." Magalang ngunit walang emosyong sambit ng binata. Tumango ang matanda sa kanya.
"Napaka-gandang pangalan, nagmula ka ba sa isang maharlikang pamilya?" Tanong ni Ana sa kanya. Agad naman siyang umiling, medyo nagulat ang mag-ama dahil doon.
"Nakatira ako sa Sefoir and doon na rin ako lumaki." Sabi nito.
"Hindi halatang lumaki ka sa Bayang iyon." Komento ni Ana. Lumaki nga si Fiure sa Sefoir ngunit hindi naman siya pinanganak sa bayang 'yon. Hindi din naman niya alam kung saan siya nagmula, kaya naman isa yon sa dahilan kung bakit siya naglalakbay ngayon. Nais niyang makilala ang kanyang tunay na pamilya at maging malakas.
Hindi na niya ikwinento ang tungkol sa pagkatao niya. Ngayon niya lang nakilala ang mag-ama at hindi pa nakukuha ng mga ito ang tiwala niya.
"Nagagalak akong nagustuhan mo ang Curry, Fiure." Ngiting wika ng matanda.
"Masarap." Komento nito nang maubos ang kanyang pagkain.
"Nasasarapan ka sa maanghang na kasumpa-sumpang pagkain na 'yan?!" Gulat na tanong ni Ana. Halos hindi pa siya nakakakalahati sa kinakain niya ngunit hindi na niya kayang kumain.
BINABASA MO ANG
Mythical Hero 1: Age Of Wonder
AdventureCOMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng prebilihiyo, karangalan at papuri, at ang mga mahihina ay isinasantabi at kinakaawaan, isang binatang...