› 35 ‹
Sneak InIsang halakhak ang umalingawngaw sa buong kulungan. Natigilan naman ang mga bilanggo na gutom na gutom na kumakain. Ang lahat ay napatingin sa tumatawa. Pati si Fiure na tahimik lamang na nakatungo ay napatingin sa matandang nasa harapan ng bartolinang kinalalagyan niya.
"Hoy tanda. Ang ingay mo naman, nababaliw ka na ba?!" Inis na wika ng isang bilanggo.
"Nababaliw na siya, tumatawang mag-isa!" Dagdag pa ng isang bilanggo at saka humalakhak ng malakas.
"Sa ilang taon ba namang pagkakulong dito, sinong hindi mababaliw? Tss."
Napuno ng ingay ang buong kulungan dahil sa halakhak ng matanda. Doon lamang natahimik ang lahat nang sinita sila ng kawal na namamahagi ng tinapay sa iba pang bilanggo.
"Hindi ba't sinabi ko na manahimik kayo?! Ang mga nag-ingay ay hindi mabibigyan ng hapunan!" Asik ng kawal.
Nang tuluyan na ngang tumahimik ang mga bilanggo ay saka naman nagsalita ang matandang nasa harapan ng selda ni Fiure. Mababa ang tono ng boses nito.
"Hijo, sumusuko ka na sa iyong mga misyon at pangarap sa buhay? Isa lamang itong simula ng mga pagsubok na iyong kakaharapin, hindi mo pa naaabot ang gitna-"
"Ano ho bang masama sa pag-uwi sa aking bayan? Sa katunayan nga ay nakatadhana akong umuwi sa pagsapit ng ikatlong buwan. Pangako ko iyon, maraming naghihintay sa akin." Pagpapaliwanag ni Fiure.
Natuod naman sa kanyang kinauupan ang matanda at napakamot sa ulo, napasobra yata ang kanyang mga pangaral sa binata.
"At kapag nakabalik na ako rito sa Main Realm mula sa bayan ng Sefoir, doon ko na sisimulan ang ikalawang hakbang patungo sa aking mga pangarap, ito ay ang libutin ang buong kontinente ng Luxembourg. Naniniwala akong ang karanasan ang pinakamahusay na guro, matuturuan ako nito ng maraming mga bagay." Makabuluhang sabi ni Fiure.
Napag-isip-isipan niya na ang mga alaalang sumiklab sa kanyang isipan patungkol noong musmos pa lamang siya ay nagsilbing pantulak sa kanya upang tumigil siya sa mga negatibong naisip niya. Balang araw ay maaabot niya ang kanyang mga minimithi, mabibigyan niya ng karangalan ang kanyang bayan—ang Sefoir Town at maging ang buong Forsaken Realm. Balang araw ay magiging isa rin siya sa mga Maalamat na Bayani sa buong kasaysayan.
At balang araw, maipapakita niya-hindi lang sa Arslann at sa kontinente ng Luxembourg-kundi sa buong mundo na siya si Fiure Grimoire ang Bayani na nagmula sa Forsaken Realm.
Maya-maya, isa sa mga bilanggo ang umalik-ik. Napalingon si Fiure sa gilid ng selda ng matandang kausap niya, at doon niya nakita ang isang madungis na bilanggo, nakangisi ito na tila nang-iinsulto. Sa limang araw niya rito sa kulungang ay ngayon lamang niya napansin ang lalaki.
"Hmf, matagal na kong nakikinig sa usapan sa pagitan niyo ng matandang ito." Komento ng madungis na lalaki, ilang sandali pa ay nagsalita itong muli, "Ika'y nauulapan ng mga walang kabuluhan mong 'pangarap', bata. Baka dumating ang panahon at mapagtanto mong ang lahat ng iyong mga nagawa ay walang kabuluhan din, maaari ngang hindi ka na makakawala pa sa kulungang ito."
Tahimik na humagikgik ang lalaki habang nakaturo ang hintuturo nito kay Fiure. Nang marinig din ng iba pang mga bilanggo ang hagikgik nito ay nagpalitan sila ng mga salitang 'baliw' at 'siraulo'.
Ngunit sa kabila ng sinabi ng lalaki ay hindi man lang nagalit o nagpakita ng masidhing emosyon si Fiure, sa halip ay makabuluhang ngumisi ito at marahan ng umiling.
Positibo siya, walang hahadlang sa kanyang mga mithiin.
--
Kinabukasan
BINABASA MO ANG
Mythical Hero 1: Age Of Wonder
AdventureCOMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng prebilihiyo, karangalan at papuri, at ang mga mahihina ay isinasantabi at kinakaawaan, isang binatang...