17 | Auction

3.4K 238 27
                                    


› 17 ‹
Auction

Sumapit ang dilim at ang buong paligid ay nawalan na ng liwanag. Sa dulong bahagi ng Mosfelborg, si Fiure Grimoire at ang kaniyang mga kaibigan ay tinatahak ang kasunod nilang destinasyon, ang Avalon.

Nasa isang mahimbing na tulog ang mga kaibigan ni Fiure Grimoire na sina Pheliza Marves at Sivan Asturias. Habang ang binatang si Fiure ay taimtim na nakaupo sa unahang bahagi ng kalesa kung saan kinokontrol ang kabayo.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin nakaramdam ng antok ang binata. Ang kanyang kulay gintong mga mata ay kumikislap sa gitna ng madilim na kapaligiran. Ang kanyang kulay nyebeng buhok ay sumasayaw na animoy nadadala sa musika ng umiihip na hangin.

Sa edad na pito, namulat si Fiure sa katotohanang isa siyang cripple. Wala siyang kapangyarihan hindi gaya ng ibang kabataan. Sa edad na pito kasi nangyayari ang sinasabi nilang Awakening, pinupukaw nito ang natutulog na kapangyarihan ng bawat isang bata na mayroong kapangyarihan. Ngunit iba si Fiure, dahil walang nangyaring Awakening.

Subalit hindi naging hadlang ang lahat ng ito sa kanyang paglaki. Hinasa niya ang kanyang pisikal na lakas. Sa edad na labing-isa, ang kanyang pisikal na lakas ay hindi gaya sa mga katulad niyang bata. Malakas siya, ngunit wala siyang mana. Pero ang kanyang pagiging malakas sa pisikal ang katangian na wala ang mga bata sa Sefoir Town. Mayroon nga silang kapangyarihan ngunit mahina naman ang kanilang pisikal na lakas.

Kaya naman, umangat si Fiure sa lahat ng mga bata sa Sefoir. Lumaki si Fiure na tinitingala ng nakakarami. Ngunit alam niyang hindi pa sapat sa sapat ang kanyang tinataglay na lakas. Isa lamang siyang alikabok kung makakatapak siya Main Realm, dahil ang tunay mundo ay nandoon, doon ang tunay na laban na hindi nararanasan ng mga tao sa Forsaken Realm.

At dahil sa ideyang iyon, nais maging malakas ni Fiure. Maging mas malakas pa sa malakas. Kahit mahina man siya ngayon, natitiyak niyang malalampasan niya ito. Hindi siya mahina, dahil ang tunay na mahina ay yung walang nagagawa kahit na mayroon siyang kapangyarihang tinataglay.

Lumampas sa iyong limitasyon—Iyon ang dapat na gawin ng mga malalakas. At iyon ang pinaniniwalaan ni Fiure Grimoire.


Itinigil ni Fiure ang kalesa. Kailangan ng pahinga ang kabayo, medyo malayo ang Avalon at may tatawirin pa silang disyerto bago marating lugar na iyon. Kailngan ng kabayo ng pahinga, sa gayon ay hindi ito mawalan ng enerhiya para sa kinabukasan.

Nang maitigil ang kalesa sa tabi ng daan, tahimik na nilabas ni Fiure mula sa kanyang Spatial Ring ang Cursed Crimson Sword.

Ang itim na espada ay napapalibutan ng kulay pulang aura na nagliliwanag dito. Kung titingnan ito, kikilabutan ka talaga. Ngunit si Fiure ay iba, nabibighani siya sa anyo ng espada at nakakaramdam siyang enerhiya na kumikiliti sa pagitan ng kaniyang palad at ng espada. May koneksyon nga.

Naalala niya si Ana na nagbigay sakanya ng espadang ito. Hindi niya inaakalang ang pagtulong sa dilag na iyon ang magiging daan upang matagpuan ang espadang matagal na hinihintay siya. Pinapasalamatan niya si Ana, kung hindi dahil sakanya, wala siyang nagiging sandata at magiging tunay na cripple talaga siya sa buong paglalakbay.

Magkikita pa kaya kaming muli?

--

Sa hindi kalayuan isang nilalang na mayroong kulay abong balahibo ang taimtim na nagmamasid sa binatang nasa loob ng kalesa. Umiilaw ang kulay ginto nitong mga mata at sumasayaw din ang makapal nitong balahibo.

Mythical Hero 1: Age Of Wonder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon