24 | Escape

2.5K 156 7
                                    


› 24 ‹
Escape


Tahimik lamang na nakayuko si Fiure sa isang maliit na silid habang hawak ang mapang nakuha niya sa lugar ng mga Vikings. Ang silid na ito ay napapalibutan ng mga matitibay na kahoy bilang pader.

Mag-dadalawang oras na simula nang makarating ang binata sa silid kasama ang mga kawal ng Common Realm. Sila ang mga nagpapatrolya sa bawat bayan ng Common Realm at sumaktong ang bayan ng Terraria ang susunod nilang babantayan dahil na nga sa Fire Sunset Celebration nito.

Napaisip si Fiure dahil sa sinabi ng mga kawal na sila lamang ang mga dayong pumasok sa teritoryo ng Terraria. Ibig sabihin ay hindi naramdaman ng mga kawal na iyon ang presensya ng limang tao. Hindi rin niya nakompirma ang tungkol doon kina Pheliza at Sivan kaya maaaring siya lamang ang nakakaalam.

At ngayon, dapat may gawin na siya upang makatakas sa 'kulungan' na ito kung tawagin pa niya.

Maya-maya ay may narinig si Fiure na pag-uusap na sa tingin niya ay galing sa isa sa mga kawal na nagbabantay sakanya.

"Pinalitan na si Lord Heras bilang Duke ng Common Realm?"

"Oo, nasa kritikal daw na lagay ang Pinefield at ang apo niya ay bigla nalang nagkasakit. Nagbitiw siya bilang Duke at nais niyang magpokus sa kanyang bayan."

Nagulat si Fiure dahil sa narinig, nabitawan niya pa ang hawak hawak niyang mapa. Agad siyang tumungo sa pader ng silid na mayroong maliit na butas.

"Kaawa-awa si Lord Heras. Ilang tao na ang nagdaan ngunit hindi pa rin nagbago ang lagay ng kanyang bayan." Giit ng isang kawal.

"Napakabuti niya at magaling mamuno sa buong Common Realm." Wika ng kausap nito.

Napayuko si Fiure at napakuyom ang kamao nito. Nasa kritikal na lagay ang bayan ng Pinefield at ang apo ni Lord Heras na tanging nakaligtas ay ngayon may sakit na naman. Hindi alam ni Fiure kung malala ba ang sakit nito ngunit hindi maiwasan ni Fiure na mapaisip. Nais niyang pumunta sa Pinefield sa lalong madaling panahon, ngunit hindi pa siya malakas upang makatulong sa bayan na iyon. Magiging balakid lamang siya. Wala siyang mahika o ano mang kapangyarihan. Mayroon lamang siyang espadang hindi niya maintindihan.

"Napaka-lala ng pag-atake ng grupo ng Koilos sa bawat bayan ng Common Realm, maaaring kasapi nila ang binatang nahuli natin. Nasira ang bayan ng Piersreign dahil sa rebeldeng grupong iyon." Giit ng isang kawal. Mahina ang boses nito habang nagsasalita ngunit dinig na dinig parin ni Fiure ang sinasabi nito.

"Posible ang sinasabi mo, Isaak. Kapag napatunayang isa nga ang binatang ito sa Koilos, tataas ang ranggo natin sa hukbo."

"Kailangan nating bantayan ang bantayan ang binatang ito."

Napakunot ang noo ni Fiure dahil sa narinig.

Koilos. Rebeldeng grupo.

Maaari kayang... Maaari kayang ang misteryosong limang tao na naramdaman ni Fiure noong kagabi ay ang Koilos na sinasabi ng mga kawal?

Maraming gumugulo sa isip ni Fiure, ngunit isa lamang ang alam niyang dapat na gawin sa ngayon, ang makatakas sa silid na ito na nagsisilbing kulungan niya.

Wala siyang nagawang masama. Alam niya ang nangyari at kung sino ang nasa likod ng paglitaw ng nilalang na Ignis Draco mula sa lupa. Maaaring ang rebeldeng grupong Koilos ang may gawa noon. Kaya nararapat na andito sa lugar niya ang mga taong iyon, sila ang dapat na tinutugis hindi siya at ang mga kaibigan niya.

Kailangang mag-isip siya ng plano. Oras na para lumabas sa nakakaumay na silid na ito.

Tumayo si Fiure at nakapamulsang pinagmasdan ang matitibay na pader ng silid. Nalaman ng binata na mayroong anti-magic spell ang nakapalibot sa kabuuan nitong silid. Matibay ang mahika, kung isa kang simpleng mage, hindi mo talaga makakayang gamitin ang sarili mong mahika. Ngunit sa lagay ng binata, wala siyang magagamit na mahika dahil wala naman talaga siyang tinataglay na mahika.

Mythical Hero 1: Age Of Wonder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon