13 | Vikings

3.4K 317 11
                                    


› 13 ‹
Vikings
______________

Happy 1.16K reads mga boss! Nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa diyan, sana mag vote din kayo xD. De joke lang, di ko kayo pinipilit ah hahahaa. Welp, enjoy reading everyone.
_______________


Northen Highlands, Mosfelborg Boundary

Tila umiikot ang paligid nang maaninag ng tatlo ang isang lugar na may maraming puno. Hawak pa rin nila ang kamay ng isa't-isa.

Bumitiw si Lord Heras at matiim na tiningnan ang tatlo. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa kanila.

Nanghihinayang siya sa tatlong ito dahil napaka bata pa nila. Marami pa silang lalakbayin at nagsisimula palang ang kanilang paglalakbay bilang mga Manlalakbay. May mga bagay pa silang dapat matutunan, kaya naman nang malaman niya na hindi pangkaraniwang binata si Fiure, napagtanto niyang kailangan niyang paalisin ang binata pati na ang mga kasama nito. Hangga't hindi pa nahuhuli ang lahat. Wala pang nagtangkang pumasok sa bayan ng Pinefield dahil sa takot ng mga tao sa Midnight Howl na gumagala sa boundary ng Voirell at Pinefield.

"May sasabihin ho ba kayo?" Tanong ni Pheliza sakanya.

"Ang nais ko lamang sabihin ay kailangan niyong mag-ingat sa inyong paglalakbay. Mga bata pa lamang kayo at alam kong nagsisimula pa lamang kayo. Ingatan niyo ang inyong mga sarili." Wika nito. Tumango ang tatlo. Natutuwa si Lord Heras na naiintindihan nila ang nais nitong iparating, gusto niyang iparating na maraming bagay ang tumatakbo sa mundo ng mahika. Hindi pangkaraniwan ang nangyayari, at may mga bagay na hindi maipapaliwanag ng siyensya. Mahika ang sentro sa mundong ito, at lahat ng bagay ay may kinalaman sa mahika kaya Napaka-mapanganib ito para sa mga katulad ng tatlo na kasisimula palang sa paglalakbay.

"Aha. Muntik ko nang makalimutan." Wika ng matanda. Nagtaka ang tatlo kung ano ang tinutukoy nito. Maya-maya, umilaw ang palad ng matanda at bigla na lamang may sumulpot na karwahe o kalesa sa kanilang harapan. Napatilapon tuloy sila dahil sa pwersa.

"Lintek, ansakit." Reklamo ni Sivan na ikinatawa ng matanda.

Napagtanto nilang iyong napanalunan pala nilang karwahe ang biglang lumitaw sa kanilang harapan kasama ang kabayo.

"Miri!" Sigaw ng dalaga at tumakbo papunta sa kulay puting kabayo.

Kumunot naman ang noo ni Sivan.

"Miri?" Tanong nito.

"Pinangalanan ko siya 'no! Bakit, masama ba?" Wika ng dalaga at inirapan si Sivan. Napakamot nalang sa ulo ang binata. Nagtatanong lang naman kasi siya, sinusungitan at tinatarayan na agad siya ni Pheliza. At dapat, si Fiure ang nagbigay ng pangalan sa kabayo kasi siya ang nakapanalo nito!

"Ako'y hindi na magtatagal dahil kailangan ako ng aking bayan. Hanggang sa muli."

Aktong may sasabihin sana si Fiure Grimoire nang bigla na lamang naglaho ang matanda, nag-iwan lamang ito ng kulay asul na usok. Napailing nalang siya.

Namayani naman ang katahimikan sa pag-alis ni Lord Heras. Ang bumasag lamang sa katahimikan ay si Pheliza na nauna nang maglakad papunta sa kalesa.

"Tatayo na lang kayo?" Giit nito sa dalawang binata. Nagkatinginan naman ang dalawa, wala kasi silang ideya sa kanilang destinasyon ngayon.

"Ayaw niyong sumakay? Sige ako nalang ang pupunta sa Mosfelborg." Ngumiti ang dalaga at tinaas ang kanyang kamay. Nanlaki naman ang mata ni Sivan ngunit bago pa man siya makakilos ay pinaharurot na ni Pheliza ang kalesa gamit ang mahika nito.

Mythical Hero 1: Age Of Wonder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon