Paki play po ng video sa itaas for better reading experience
› 32 ‹
Magic KnightsCity of Leidenn, Main Realm, Arslann
Sa isang magara at malawak na silid, isang lalaking mayroong matipunong pangangatawan ang nakaupo sa isang kulay gintong upuan. Ang kanyang mga mata ay nakapikit habang ang kanyang ulo naman ay nakasandal sa kanyang kamay.
Siya si Askelad von Cassius ang kinikilalang pinuno ng Magic Knights. Siya ay tinatawag na Grand Magic Knight, siya ang namumuno at tumatayong heneral ng nasabing hukbo.
Maya-maya'y nakarinig siya ng tatlong katok sa malaking pintuan ng silid. Minulat niya ang kanyang mga mata at tumikhim.
"Pumasok ka." Sabi nito. May malalim itong boses na nakaka-intimida sa makakarinig.
Pumasok naman ang isang Magic Knight. Yumuko ito sa lalaki upang magbigay galang bago nagsalita.
"Grand Magic Knight Askelad, mayroong pinadalang mensahe ang Duke Siraius. Narito ang isa sa kanyang mga apprentice." Giit nito.
"Galing sa Duke..." Napangisi naman ito at tumango ng marahan. "Papasukin mo." Aniya.
Yumuko uli ang magic knight at tumalikod upang tawagin ang pinadalang messenger ni Duke Siraius. Ilang sandali naman ay pumasok ang binatang mayroong balingkinitang pangangatawan, nakasuot ito ng kulay abong roba na may pendant sa kaliwang bahagi ng kasuotan.
"Grand Magic Knight, Askelad von Cassius. Ako'y narito upang ipadala ang mensahe ni Lord Siraius. Isang kagimbal gimbal na pangyayari ang nagaganap, ang langit ay tila dugo at ang pinakamalawak na kagubatan ng Arslann ay nanganganib." Giit ng apprentice.
"Ano ang ibig mong ipahatid." Wika ni Askelad. Hindi ito tanong kundi isang utos.
Bumuntong hininga ang apprentice, umipon siya ng lakas ng loob bago nagsalita.
"S-Seros. Gustong ipaalam sa inyo ni Lord Siraius ang sinasabi niyang 'Seros'."
Sa mga sandaling iyon, nagbago ang ekspresyon ni Askelad. Nanlaki ang kanyang mga mata, ngunit nakabawi naman siya at bumalik ang kanyang seryoso at nakaka-intimida na ekspresyon.Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at tumungo sa malaking pintuan ng silid. Lumabas siya doon at hinarap ang Magic Knight na tumawag sakanya kanina.
"Marius. Nais kong tawagin mo ang dalawang Senior Magic Knight na sina Lycan at Xeref. Sabihin mong mayroon akong ibibigay na mahalagang misyon." Ma-awtoridad na wika ni Askelad. Ngunit hindi pa man nakakaisang hakbang ang Magic Knight na si Marius ay umalingawngaw na ang halakhak ng isang binata sa buong pasilyo.
"Grand Magic Knight Askelad... Ano ang sinasabi mong mahalagang misyon?" Wika ng nakangising binatang may kulay bughaw na buhok. Sa gilid naman nito ay ang isang lalaking may balingkinitang pangangatawan, kulay itim ang buhok nito.
"Hindi ito oras sa pakikipaglaro, Lycan. May ipinadalang mensahe si Lord Siraius. Kailangan nating magtungo sa Levoire sa lalong madaling panahon." Giit ni Askelad.
"Ipaliwanag mo sa amin captain upang aming maunawaan." Walang kabuhay buhay na wika ng binatang mayroong kulay itim na buhok.
"Ito ay mahalagang misyon. Malalaman niyo na ito sa ating pagdating. Ang alam ko lamang ay may kinalaman ang misyon na ito sa isa deadly curses ng Ancestral World, ang Seros." Mariing wika ni Askelad.
Nang masabi niya ang mga katagang iyon ay agad na nabigla ang dalawang Senior Magic Knight sa kanyang harapan. Inaasahan niya ang kanilang mga reaksyon. Ngunit wala na silang oras upang mag-aksaya.
BINABASA MO ANG
Mythical Hero 1: Age Of Wonder
AdventureCOMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng prebilihiyo, karangalan at papuri, at ang mga mahihina ay isinasantabi at kinakaawaan, isang binatang...