A/n :
Eyooowww kylleee! :D hahah thank you sa imong comment and vote!
Have a nice daaaayyy ! :D lamat kaayo
-------------------------------------------------------------
Kim's POV
"Uhmm, ma, kamusta na si papa?"
Tanong ko kay mama nang lumabas siya mula sa room ni papa, pinahintay pa kasi muna niya ako labas nun.
Tiningnan ko yung phone ko at 7:00 pm na pala.
Sana mapatawad ako ni Gray neto. Hindi kasi ako makakapunta sa party niya eh.
"O-okay naman siya nak, sabi ng doktor kailangan daw muna niya mag-stay dito hanggang sa makuha yung results at medication." Panginig na sabi ni mama, umiyak ata. Masakit isipin na nakikita no yung mga magulang mong ganito. Gusto ko ring maiyak sa lungkot pero gusto kong ipakita kay mama na matatag parin ako sa kabila ng mga nangyayari.
"N-nak,p-pwede bang ikaw muna ang magbantay sa iyong papa for ilang days, alam kong mahirap pero kailangan ko kasing mag-overtime at magtrabaho para makakuha ng panggastos sa ospital. Aabsent ka lang naman muna. ""Ok lang yun ma, naiintindihan ko naman." Tugon ko kay mama, alam kong napakahirap sa part na ngayon na medyo nagkakaroon na siya ng sakit sa kanyang mga tuhod.
Pumasok ako sa kwarto ni papa, nakita ko siyang nakapikit. Natutulog na ata siya.
"Ako muna ang mag-aalaga sayo pa ha?" Bulong ko habang nakatabi sa higaan niya.
Kinuha ko ulit yung cellphone ko sa bag at nabigla ako sa nakita ko...
33 misscalls?! Galing kay Gray?!
Pati siguro siya nabigla rin.
Magtetext na sana ako pero....
Lintek, wala na akong load.
Gray's POV
Kim. . . saan ka na ba? kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. naka 33 calls na yata ako eh.
"Gray! Whoo! akala ko kung saan ka na napunta! Kanina ka pa hinahanap ng ate mo doon sa loob, kaya ayun ako tuloy yung pinahanap niya, ano ba kasi yang pinoproblema mo?" panghihingal na tanong ni Josh habang nakasuot pa ng tux
"Josh, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung nasan si Kim ngayon, baka kung ano na ang nangyari dun, Dude. . . I gotta find her."
"psssh, love na yata ang tawag dyan pre ha? Hahaha! wait. Why don't you call her bestfriend instead. . si Liah, maybe she knows something."
teka may point siya dun ha, KAINNEEESSS!! ba't di' ko pa yun naisip kanina.
Dialing. . . . . .
" Hello? Gray? "
"Liah! alam mo ba kung nasan si Kim ngayon??"
" Si Kim? Gray, wala ba siyang sinabi sayo?"
"Sinabi? ha? what do you mean?"
"Gray, hindi mo ba alam na naospital yung papa ni Kim at kasulukuyang naka-confine yung papa niya doon sa Saint Charles Hospital. Muntik daw kasi atakihin sa puso kaya tumawag sila agad ng ambulansya."
"H-HA?! P-ppero ba't hindi ko alam ang tungkol dyan?"
" Gray, kilala ko yan si Kim, hindi siya yung tipo ng tao na gustong kumuha ng simpatiya ng iba. Malay mo may mas importante pa siyang gagawin. Besides alam ko na ayaw ka rin niya abalahin lalo na't party ng ate mo."
M-May point rin siya pero. . naospital?! Mas lalo pa tuloy akong kinabahan, I want to help her. I really do.
" Thank you n-nga p-pala Liah. Bye"
End call.
Maghintay ka muna Kim, I'm coming for you.
Tumakbo na ako papunta sa loob, maingay at medyo elegant ang mga bisita sa party. Alam kong nandoon si Sheena ngayon. Hindi ko na pinansin kung nasan na si Josh pero sa pagkakaalam ko nandoon parin siya sa mini garden.
Papunta na ako sa room ko para kunin yung car keys nang mapansin kong nasa tapat ng kwarto ko si Sheena na kumakatok sa pinto.
"S-Sheena? What are you doing here?"
"G-Gray! I-Ikaw pala, Gray gusto kong mag-usap tayo"
ayan nanaman siya. . . Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung ginawa niya kay Kim noong contest namin. Grabeh. . masasabi kong napaka-selfish niya para gawin yun.
"Sorry Sheena pero wala akong time para sa ganyan. Pwede bang next time nalang?"
sabi ko sabay diretso sa pinto ng kwarto ko, pero nabigla naman ako nang bigla niya akong harangan.
"Gray PLEASE!!" pagmamakaawa niya habang hinahawakan yung shoulders ko.
Actually, gusto ko ring makipag-usap sa kanya para matapos na ang lahat, pero sadly I have better things to do.
"Sheena, I also would like to talk pero right now?? Hindi pa ata ngayon ang tamang oras. You see? I'm in a hurry. So please. . get out of my way."
napansin ko na ring unti-unti niya na akong binitawan at hinayaan akong makapasok.
hayy salamat.
After getting the car keys ay dumiretso na ako sa kotse ko.
Kim's POV
MWaAAAAH, T-Teka! nakatulog pala ako?
hay nako talaga Kim oh.
tiningnan ko yung paligid, pati na rin si papa
"Hmmm, mukhang ang himbing ng tulog mo pa ah, hehe sige teka lang po bibili lang ako ng kape para hindi na ako antukin ulit :)" inayos ko yung sarili ko, kinuha yung bag binuksan yung pinto.
pumunta ako sa pinaka malapit na vending machine para bumili ng kape, hhmm Hot Mocha nalang para maiba.
hahah! oo na oo na! pagbigyan niyo na ako, ayaw ko pa kasi munang mag-kape.
Bumalik ulit ako sa room ni papa. . . pagbukas ko ng pinto,
"GRAY?!" p-paano niya nalaman na nandito ako?!
napatingin naman siya sa akin, napansin kong galit na galit yung mukha niya. Mukhang alam ko na kung ano ang ibig sabihin neto.
Hinila niya yung kamay ko palabas ng room at dinala ako sa lugar kung saan wala masyadong tao ang dumadaan. Yumuko nalang ako at sinundan siya, mukha kasing bad mood siya eh.
"What do you think you're doing?! Ba't hindi mo agad sinabi sa akin? alam mo bang tawag ako ng tawag pero hindi ka man lang sumagot. You could've answered me once Kim!"
"Sorry, Pero G-Gray! ayoko naman kasing masira yang party ng ate mo dahil lang sa akin at ayaw ko ring makaabala ng tao, kaya please intindihin mo naman ako."
"KIm, have you lost your mind? alam mo bang hindi ko pa ito malalaman kung hindi dahil kay Liah?!" pag-aalalang sagot niya habang hinahawakan ako sa shoulders. Mula dito nakikita ko yung sincerity sa mga mata niya, yung mukha kung saan mo makikita ang totoong pag-aalala bilang kaibigan, I could also see his hazel brown eyes ang brownish hair habang nakasuot parin ng formal attire.
hindi ko siya matingnan sa mga mata, yumuko ako--
O.O A-anong ginagawa niya?!!
hindi ko inasahan ang sunod na nangyari... nabigla ako nang malaman kong--- Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang mga braso niyang tila nakapalupot sa akin at ayaw ng bumitaw..
dug.dug.dugdug.DUG.dug.DuG.dUg.DUG.Dug. UGH! ano ba tong nararamdaman ko? feeling ko sasabog na itong dibdib ko EH! PLease tama na Gray maawa ka sa heart ko, ayoko pang magka-heart attttaaaaaaccckkk T^T
"Hindi ako bibitaw unless you promise me na hahayaan mo akong tumulong"
uggghh, sige,SIGE NA NGAAA!! kaines naman oh! nakakahiya. Mula dito naaamoy ko yung mabango niyang perfume, sighss. Seryoso natatakot na talaga ako.
BINABASA MO ANG
First Kiss Accident (Ongoing)
Teen FictionNinakaw niya ang first ko, siya rin ba ang last? find out on First Kiss Accident P.S: The picture is not mine, I downloaded it from Facebook and to whoever knows where it came from I owe this to them. Big thanks! ♡