The Plan

83 4 0
                                    

Gray's POV

"Huy, Gray, makinig ka nga sa akin..." sabi ni Josh habang kinakalawit ako sa likod.

"H-a? A-no nga ulit yung sinasabi mo?"

"GRABE?? kanina pa ako nagsasalita pero ni isang salita wala kang pinakinggan? Ano bang nangyayari sayo? ilang araw ka nang ganyan ah." pagtataka niyang tanong habang mahigpit akong hinahawakan sa braso.

Ilang araw. . . . ilang araw na nga pala ang nakalipas pero absent parin siya. . . I want to help her

I REALLY do. kailangan ko na yatang mag take action.

"S-Sooryy Josh pero pwede ipagpatuloy nalang natin yan some time? Kailangan ko na munang umuwi, ingat. BYE." pagmamadali kong takbo papunta sa bike ko.

"Pe--Per-o! Wai---" hindi ko na pinatuloy si Josh siya pagsasalita dahil sa kamamadali ko... NUBAYAANNNNN.... ba't ba nga ba ako ganito ka affected??

Binilisan ko ang pagba-bike ko wala na kasi akong time para tawagin and P.D ko #Personal Driver.

Dali-dali akong pumunta sa bahay pero napansin kong wala na ang mga gamit ni ate. . . . Umalis na pala siya.

Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nagimpake, nang may makita akong isang envelope sa desk ko :

Dear Gray, :)

Gray, sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo personally, ang aga-aga kasi ng flight eh atsaka ang himbing-himbing pa ng tulog mo. By the way, ang daya-daya mo, sabi ko sayo na ipakilala mo si Kim sa akin pero hindi mo man lang ako nilapitan kagabi sa party. Sige nalang, basta, mag-iingat ka lagi ha? Nandyan naman si Manong Pol at si Ate Nene para alalayan ka, may iniwan na rin ako na pera dyan sa envelope, you can have as much as you want sa credit card mo, naglagay rin kasi ako ng pera dun as a present. Iwubyouuu baby brother ♥paki regards nalang ako sa GIRLFRIEND MONG SI KIM ^_^

Love,
Ate

-----------------------------------------------------------------

"Thank you ate"

Tiningnan ko yung envelope, at yun nga may pera sa loob, maybe I should give this to Kim.

Kim's POV

"Kim, tanggapin mo na nga to"

"Ayoko nga, nakakahiya sayo Liah ayoko."

Itong si Liah talaga oh, namimilit, nakakahiya. Bigla kasi siyang dumating sa ospital daladala ang tatlong plastic ng groceries kasama ang mama niya.

Nakakahiya. Nakaabala pa ako sa kanila. Mula dito palihim ko ring tinitingnan ang inay kong iyak ng iyak habang kinakausap siya ng mama ni Liah.

"Bess, kilala mo 'ko, bahala ka, hindi ko yan dadalhin pauwi noh? Kaya tanggapin mo na yan as a gift okay??"

Ano ba yann nakakaiyak T^T

"S-salamat Liah" sabi habang pinipigil ang iyak ko, instead niyakap ko nalang siya para mabawasan ang pag-eemote ko sa harap niya.

"Oo nga pala, kumusta na kayo ni Gray?" Biglang tanong niya sa akin.

Teka ano ba yan, biglaan. Eh hindi naman rin kami eh bat pa niya ako tatanungin tungkol dun.

"Ni G-Gray? Ba't mo tanong? Wala namang nagbago." Plain kong sagot sa kanya.

Tinitry kong pigilan ang sarili ko na itago ang pagkabigla ko. Ayaw ko kasing makahalata siya -.- napaka transparent ko pa naman.

"Ganun bah?" Sagot niya sabay pat sa likod ko.

Ba't niya ba yun natanong? Hindi naman kami ni Gray eh.

*knock knock

Napansin kong may kumakatok sa likod

Bubuksan ko sana pero si Liah na ang bumukas kasi uuwi na rin daw sila nga mama niya.

Pagbukas niya ng pinto ay napatingin siya sa akin.. GULAT NA GULAT pero NAKANGITI -.- ano nanaman kaya ang nakita neto.

"Bessss! May bisita ka! Sige! Mauna na kami byyeee!!" Pangiting asong sambit ni Liah.

Sino ba kasi y--?? O.O

" Uhmm, Kim. . . "

GRAY?!

Gray's POV

Kinakatok ko yung pinto ng room pero hindi agad bumukas, nakita ko nalang binuksan ni Liah yung pinto. Bumisita rin pala sila. Gulat na gulat si Liah nang makita ako, nginitian ko lang siya at ganun rin siya sa akin.

"Bessss! May bisita ka! Sige! Mauna na kami byyeee!!"

Napatawa ako ng kaunti sa sinabi ni Liah.

Paglabas nila, dahan-dahan akong pumasok sa pinto. . . .

" Uhmm, Kim. . . "

As usual, gulat rin siya. School time kasi dapat namin ngayon eh.

"G-gray? B-Bakit ka nandito??" Mahina niyang bulong sa akin kasi nandoon pala yung mama niya sa loob.

"Ah.. Eh, hello po tita!" bati ko sa ina niya para hindi siya mahiya.

"Oh, Gray, nandyan ka pala. ." pangiting sabi ng mama niya.

Hiyang-hiyang hinila ako ni Kim palabas ng room at dinala sa lugar kung saan wala masyadong tao.

"ANONG GINAGAWA MO DITO??"

"Bumibisita, obvious ba?"

Napa (face palm) siya matapos nun.

"Oh? Bakit? Nahihiya ka nanaman??"

Hindi siya sumagot matapos nun. Yumuko lang siya sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin sa di malamang dahilan pero gusto ko ring pigilan ang sarili ko.

"Kim sabi ko huwag kang mahiya... Tutulunga---"

Napaputol ako sa pagsasalita nang makita kong niyakap niya ako ng mahigpit. Umiiyak.

"(Sniff) s-si-si Papa. . . . "

Iyak lang siya ng iyak, niyakap ko siya, napakasakit rin siguro sa kanya ang mga nangyayari.

"Shhh, shhh iiyak mo lang yan."

Hayaan mo, babawi ako sayo Kim. I promise.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na rin ang The Plan XD sorry po sa late na mga updates, wala na po kasi akong phone kaya hindi po ako maka-update agad pasensya na po talaga. Sana po magustuhan niyo yung story kahit medyo CLICHE XD hahaha.

Salamat nga po ulit sa mga nagbabasa at naglike :D

Next part: One week

First Kiss Accident (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon