Lexa's POV
Ang daldal talaga naman ng Xy na 'to oo! But viola! Alam ko na ngayon ang pangalan niya. John Xyrus Chua. Xy nalang daw for short pero sabi niya kung dead na dead naman siya sa akin eh Prince Xy daw ang itawag ko sa kanya. Medyo makapal ang mukha niya. Haha! Cute na eh kaso ang hangin!
"Single ka ba?" out of nowhere niyang tanong
Huh ano daw?
"Ha?!" halata mo naman sa akin ang pagkagulat
"Ah... I mean, single ka ba? Kasi double ako! He-he-he?" weirdo nitong si Xy
"Ha? Hahahahaha! In fairness, ha? Joker ka pala? First time ko ulit tumawa ng ganito simula ng.... ano uhm, hehe! So anong balak mo pagkatapos nito?
Napasobra yata ang pagsasalita ko. Kaya ayaw kong mapalapit sa ibang tao ulit eh at kung maaari ay wag sa mga lalaki.
Na-realize niya naman na nag-iba 'yung mood ko kaya iniba niya na 'yung topic. Ayun kwentuhan na lang kaming dalawa. Okay na din ito para makilala ko din siya.
"Bakit? Totoo naman ah!" sabay pout niya. Deym he's so cute when do that.
Pinagpipilitan niya kasing ang cute daw ng pangalan niya kasing cute niya. Hustisya po nasaan?
"Ewan ko sa'yo! Ang hangin----" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita, a very familiar voice.
"Lexa?"
What a surprise! Sabi ko na nga ba eh hindi ako nagkakamali. Siya 'yun. Ang galing nga naman ng tadhana oo.
"M-Mav?" utal kong sagot
"Kamusta ka na? Na-miss kita Lexa!" parang walang nangyari ah?
A guy standing in front of you asking how are you and telling him that he missed you even though that he hurts you a lot in the past. Does he even think I'm alright? Is he insane?
"Mav pwede ba? Xy teka lang ah." nagpaalam muna ako kay Xy
Isinama ko siya palayo para hindi marinig ni Xy ang pag-uusapan namin. Heto na naman eh, bumabalik na naman 'yung sakit na pinapahilom ko na eh. Kahit kailan napaiyakin mo talaga Lexa!
"Lexa look, let me explain first." he told me with his eyes pleading
"What do you want now? Another chance? Another chance to break my heart? Iyon ba ang gusto mo?" napupuno na ako ng halu-halong emosyon
"Lexa hindi, ano ba makinig ka muna kasi---"
"Makinig? Para saan pa? Tama na 'yong nakita kita noon. Sapat na sa akin na hindi ako sapat para sa'yo!" nagngingitngit kong sigaw kay Mav
"Pwede pa naman nating ayusin ito hindi ba? Wala ka pa namang pinapalit sa akin ah?" naiirita ako sa tono ng pananalita niya, parang siguradong-sigurado siya na hindi pa ako nakakamove-on. Pwes oo hindi pa nga! Pero hindi-hindi ko iyon aaminin sa'yo.
"Akala mo lang 'yon! Saka pwede? Nakamove-on na ako sa'yo Mav, so please lang 'wag ka ng manggulo. May boyfriend na ako!" pinagduduldulan ko talaga sa kanya ang word na boyfriend, kahit na alam kong hindi ako tatantanan nito.
"Sino? 'Yan ba ang pinagmamalaki mo sa'kin, ha?!" sabay turo niya kay Xy na walang kaalam-alam na siya ang pinag-uusapan
"Oo siya nga! It's not nice meeting you again. Goodbye, Mav." pagpapaalam ko sa kanya saka ko siya tinalikuran na at tinungi ko na ang daan papunta kay Xy
"Babawiin kita Lexa! Tandaan mo 'yan!" narinig ko pang sigaw niya.
"Xy, tara na!" yaya ko saka siya hinawakan sa kamay
