Chapter 21: Pogi Problems

248 11 9
                                    

Xy's POV

Tanga ka talaga Xyrus! Wala na nasisiraan na talaga ako ng bait dahil kay Lexa. Lexa, Lexa, puro na lang Lexa! Punyemas naman. Ilang beses ko sinabi sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya papansinin pero ano ang nangyayari? Pesteng tadhana kasi na to eh pinagtatagpo pa din ang landas namin. Magugulat naman ako kung hindi kami magkita eh sa iisang school lang kami pumapasok and take note classmate ko pa siya, di lang classmate seatmate pa.

Nung araw na matapos ang practice namin sa basketball, naisipan kong pumunta sa tagong lugar dito sa loob ng campus. Madadaanan ko muna ang isang garden bago makapunta sa tagong lugar na iyon. Pero syempre iilan lang ang nakakaalam nun. Tagong lugar nga di ba?

Hawak-hawak ko ang bola ko habang naglalakad, pinaglalaruan ko ito ng biglang tumalbog palayo sa akin. Hinabol ko kung saang direksyon ito patungo. Naku patay! May natamaan akong tao. Magso-sorry na lang ako at sasabihing hindi ko iyon sinadya.

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang lumingon at bumungad sa akin si... Lexa. Shit naman! Hanggang dito ba naman Lexa pa rin? Kupido naman, baka gusto niyong pagbuhulin ko kayo ng tadhana? Makisama kayo! Ano gusto niyo yung nasasaktan ako ng pinung-pino? Aba! Kotang-kota na ako.

Sabi niya mag-usap daw kami. Kahit saglit lang. Pero ang totoo gustong-gusto ko na mag-usap talaga kami. Wala, martyr na kung martyr, mahal ko yung tao eh! Pero imbes na pumayag ako na makipag-usap sa kanya, sinungitan ko na lang siya. Tumalikod ako para hindi makita ang reaksyon niya dahil paniguradong bibigay lang ako sa maamong mukha niya kapag kaharap ko siya.

Naglakad na ako palayo pero hindi ko siya iniwan dun ng mag-isa. Mula sa malayo tinititigan ko lang siya, umiiyak. Doble pala ang sakit na mararamdaman mo kapag nakita mong umiyak ang taong mahal mo. Parang may kung anong mumunting karayom na tumutusok sa puso ko.

Relax Xy. Tatahan din siya. Nagmo-move on ka di ba? Kalma. Titigil din siya. Bumaling ako sa ibang direksyon para di ako ma-tempt na lumapit at punasan ang luha niya.

Napalingon ako bigla ng may marinig akong boses ng lalaki. Umigting ang panga ko ng makitang si Blake iyon. Blake Trinidad, isang peste sa buhay ko. Siya lang naman ang mortal enemy ko sa Trinity Academy. Kahit sabihin pa na anak siya ng may-ari ng school, wala akong pakialam basta hindi ko siya gusto. Mabait naman daw siya pero hindi ko talaga siya feel na kaibiganin.

Hindi ko dinig ang pinag-uusapan nila pero nakikita ko naman ang mga galaw nila. Nag-init ang ulo ko ng makita kong hinahalikan niya si Lexa. Nakatulog kasi si Lexa sa balikat niya. Hindi na ako nakapagpigil at lumapit na ako sa kanya at sinuntok siya.

Hanggang sa pigilan ni Lexa ang gulo namin ni Blake, hindi naman daw pala niya hinalikan si Lexa, sinisilip lang daw niya kung nakatulog na. Pero hindi pa din ako naniniwala.

Gumuho lalo ang mundo ko ng sumama siya pauwi kay Blake. Grabe ka naman mang-torture Lexa. Gusto mo talaga pinahihirapan ako eh. Pasalamat ka mahal kita!

Kinagabihan ng araw na yun, hindi ako makatulog. Ewan ko ba, para kasing may kung ano akong nararamdaman. Narinig ko pa ngang sabi ng isa kong ka-schoolmate na kapag hindi ka daw makatulog o di kaya ay kapag nakagat mo ang labi mo ibig sabihin daw ay may nakaalala o nag-iisip sayo.

Sino naman kayang mag-iisip sa akin? Matutuwa pa ako kung si Lexa yun. Hay!

Tawagan ko kaya siya? Xy, akala ko ba nagmo-move on ka?

Ugh! Wala namang masama kung susugal ako kahit ngayon lang di ba?

Kapag tinawagan ko siya ngayon ibig sabihin iniisip niya ako, mahal niya ako, may pag-asa ako sa kanya. Pero kapag tinawagan ko siya at hindi niya sinagot, susuko na ako.

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon