Chapter 23: Click!

135 8 4
                                    

Trish's POV

"BFF! Anong gagawin ko!? Isang malaking kahihiyan yung sinabi ko sa harap nila!" sino ang nagsabi nyan? Hindi ko alam, dejoke lang. Edi sino pa? Ang magaling kong bff na si Lexa lang naman.

"Bakit mo ba naman kasi sinabi yun? Sa dinami-dami ng pwede mong sabihin yun pa?"

"Masisisi mo ba ako? Eh sa tatanga-tanga tong puso at isip ko dahil ang bwiset na John Xyrus Chua na yun pa ang minahal!" And you see? Umamin din ang bruha. Haha!

"So ngayon inaamin mo na na mahal mo na din siya? Hay naku. Gaya nga sa kasabihan, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."

"Heh bff tumigil ka nga dyan! Namomroblema na nga ako eh kung paano ko haharapin ang Xy na yun tapos inaasar mo pa ko." Ayan kasi. Alam niyo bang ang aga-aga niyang pumunta dito sa bahay namin para mambulabog dahil lang sa sinabi niya kay Xy?

"Ano balak mo? Magmumukmok ka dito sa bahay namin buong araw? Di ba may practice kayo mamaya?"

"Ayoko magpractice bff! Dito na lang muna ako."

"Engot ka ba? Gusto mong mapagalitan ni Ma'am Clemente?"

"Eh.. Bff naman kasi! Makikita ko lang pagmunukha ni Xy dun eh!"

"Eh malamang makikita mo, partner mo kaya siya!" May pagkaengot din talaga tong bff ko e. Malamang makikita niya yun, partner sila sa U.N. eh.

"Sige na umuwi ka na, maligo ka, magbihis ng maganda, magbeauty rest kung kinakailangan para mabihag mo lalo ang puso ni Xy. Haha!"

"Ayoko nga kasi! Dito na lang ako. Di ako magpapractice." Kulit ng lahi ng babaeng to eh

"Uy si Xy oh!"

"Ha?! Nasaan? Nasaan?" Huli ka balbon! Haha.

"Hahaha! Edi ayan, ikaw na mismo nagsabing miss mo siya at gustong-gusto mong makita, though di mo sinabi, inaksyon mo lang. Haha!"

"Gora na nga! Labas na sa house namin. Maglilinis pa ako. Bye bff! Mwa!"

"Bff naman!" Paano tinulak ko na palabas ng bahay namin. Haha, sorry di ako mean. Gusto ko lang talaga siya na magpractice.

Hay salamat lumabas din ang bruha. Haha.

*kring* *kring*

Sino naman kaya tong tumatawag?

Unknown number.

"Hello? Sino to?"

"So sumasagot ka na ng tawag mula sa unknown numbers?" Ah si Matthew lang pala.

"So?"

"Anong so? Paano kung rapist yung tumawag? O di kaya masamang tao? O di kaya humingi ng ransom?" Sunud-sunod niyang tanong

"Oy over ka na! Paano kung importanteng tawag yun? Di ko pa din sasagutin? Saka anong ransom sinasabi mo dyan? Hibang ka na talaga sa ganda ko 'no? Hahaha!"

"Kahit na! Di ka talaga marunong mag-ingat sa sarili mo." Napakasweet talaga naman ng taong ito haha!

"Opo sorry na. Di na mauulit."

"Good. Ay siya nga pala, nandyan na ba si Xy sa inyo?" pag-iiba niya ng usapan

"Xy? Anong gagawin naman niya—"

"WAAAAAAAH!! AYOKO NGA KASI! WAG KANG MAKULIT!" naputol yung sasabihin ko dahil sa sigaw na iyon mula sa labas ng bahay namin

Sumilip ako sa bintana at nakita ang magaling kong bff na sigaw ng sigaw habang hawak siya pabaliktad ni Xy. Gets nyo ba? Haha! Okay ganito. Si Lexa nakalagay yung ulo niya sa malapad na likod ni Xy. Yung parang buhat kidnapper hahaha!

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon