Chapter 20: Two Hotties

291 9 4
                                    

(A/N: Oha! :D Aloha! Ang pagkakaalam ko dapat next year na ang next update nito e. Kaso kinilig kasi ako sa comment ng isang reader ko XD sorry mababaw kasi ako. Yung caller ni Lexa sa sunod na chapter ko ibubuko. Sana mag-enjoy din kayo sa chapter na ito. At ide-dedicate ko sya kay TheGorgeousWriter__  dahil pinakilig niya ko sa comment nya :"> ❤ yun lang so babayooooo ❤)

===============================================

Lexa's POV

Nag-uunat akong bumaba sa hagdan ng marinig ko si ManangYaya. Grabe napuyat ako.

"BENG! BENG! BOOGSH!" Ano ba ang mayroon sa mga action movies? At wiling-wili si ManangYaya doon?

"Sige! Suntukin mo. Sipain mo. Kaladkarin mo. Bugbugin mo. Sige lang! Go push!" Wag na kayo magulat kung sino 'yan.

Hindi ko na lang pinansin si ManangYaya at dumiretso na lang ako sa kusina para kumain. Maaga pa naman kaya okay lang kahit bagalan ko ang kilos ko.

After kong mag-ayos at maghanda para pumasok, naisipan kong titigan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala?

Omyg! Nagiging mahangin na din ako. Biro lang po 'yon haha! Nagmamaganda pwede pa! Isipin ko pa lang ang sarili kong sinasabi na maganda ako ay nasusura na ako. Pwe! Haha.

Ay teka? Nasabi ko na ba sa inyong late na ako?! Oo late na ako! Pesteng pagmamaganda kasi yan.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko. At kung may mas maganda pa sa umaga ko syempre ang number one kong sakit na iyon. Edi ano pa? Natalisod lang naman ako sa huling baitang ng hagdan. Boploks ka Lexa! Naramdaman ko na lang ang sarili kong mukha sa sahig.

"Hija! Ay jusko po ka namang bata ka! Bakit hindi ka naman nag-iingat?" Natatarantang sabi ni ManangYaya

"Sus ManangYaya naman parang bago pa po sa inyo ang sakit kong ito. Alam nyo naman po na paborito ako ng sakit kong ito! Hehehe." Nakangiting sabi ko kay ManangYaya habang pinupulot ang mga libro ko, tinutulungan naman ako ni ManangYaya

"Hija may mga naghihintay nga pala sayo sa sala." mga? Ibig sabihin hindi lang isa ang naghihintay sa akin?

"Sino po?" Magalang kong sagot

Ngumuso naman si ManangYaya na parang kinikilig-kilig. Si ManangYaya pumi-PBB TEENS? Haha!

"Ikaw ha? Hindi mo naman sinabi sa akin na may mga manliligaw ka na! Naku ang gagwapo pa. Baka pwedeng ibigay mo na sa akin ang isa. Haha!" Pagbibiro ni ManangYaya

"ManangYaya naman!"

"Biro lang hehehe! Peaceyow!" Sabay peace sign ni ManangYaya. Ay? Nagdadalaga si ManangYaya ah.

Kailangan mo pa kasing umikot para makapunta ng sala, hindi kasi kita mula dito sa kinatatayuan namin ang sala namin kaya hindi ko makita kung sino ba ang mga bwisita, ay este bisita ko.

Sige, pwede niyo na akong kainggitan girls. Ang haba ng hair ko! Sige bigyan ko kayo ng clue kung sino ang mga bisita ko.

First clue, tao sila.

Second clue, may mata, bibig, ilong, pisngi, tainga, at humihinga.

Third clue, gwapo sila.

Haha biro lang! So eto na nga, seryoso na. Literal na napanganga ako dahil sa gulat ng makita kung sino ang mga bwisita ko. Isang ultimate heartthrob ng campus at isang.. ahm, ano bang bansag sa kanya sa campus? Arg!

Isang John Xyrus Chua at isang Blake Trinidad lang naman ang nasa sala namin. Two hotties. Ang agang blessing naman nito.

Ano naman kung nandyan ang dalawang gwapong nilalang na 'yan? Haha! Joke! Asus kung alam nyo lang naiihi na ako sa kilig. Ang ga-gwapo naman kasi.

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon