Lexa's POV
Berteleber teleber! Harujusme! Ano ba namang sitwasyon ang pinasok ko ngayon? Huhu! Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao sa buong mundo bakit sa akin pa napunta ang ganoong sakit? Bakit?! Ang dami-dami ko pang gustong mangyari sa buhay. Gusto ko pa makapagtapos sa isang sikat na unibersidad pagka-graduate ko ng highschool sa Trinity Academy. Gusto ko pang maging tanyag na Businesswoman. How can I be able to pursue my dreams if I am sick?
**Tok tok tok!**
Biglang may kumatok sa aking silid. Isang nurse ang pumasok.
"Ah doc? Excuse me lang po, akala ko po nandoon ka na sa room 123. Kanina ka pa po kasi hinihintay ng pasyente." saad ng nurse na pumasok sa aking silid
"Huh?" gulat na tanong ng doktor
"Ang sabi ko po sa room 123 po kanina ka pa po hinihintay ng pasyente mo. Kaya ang tanong ko po ay anong ginagawa mo dito?" mahinahong tanong ng nurse na mukhang iritado
"Ay? So ibig sabihin hindi ka si Lexa?" baling sa akin ng doktor
"Ako po si Lexa. Alexa Buenaventura po doc." sagot ko naman
"Ayy! Buenaventura ba kamo hija? Naku mali nga yata ako ng napuntahang pasyente!" napasapo naman ng noo ang doktor
Ibig ba sabihin wala akong sakit?
Hindi ako mamamatay?
Makakapagtapos pa ako ng pag-aaral at makakapunta sa iba't ibang sulok ng mundo?
Oh my jolly cow! Hooray! Mabuhay ang lechon de leche na niluto! Pero teka, ibig sabihin din ba niyan eh sayang ang pagdadrama ko kanina dahil mali ang napuntahang silid ng doktor na ito? Tss.
"Opo dok. Alexa or Lexa Buenaventura po." magalang ko namang sagot
"Naku naman si doc, room 123 ka po dapat pupunta sa tapat lang ng room na ito. Room 143 po kasi ito at mukhang malabo na po yata ang mata mo doc. Hehe!" pagbibiro naman ng nurse
"I'm so sorry hija. I'm so stupid I entered your room at sinabing may sakit ka yun pala naman sa katapat na kwarto mo dapat ako pupunta." pagpaumanhin ng doktor
Tumango na lang ako bilang sagot at saka sila tumungo palabas ng aking silid.
"Haay! Ano ba naman yon bff?! Akala ko talaga katapusan mo na!" panimula ni Trish pagkalabas ng nurse at ng doktor
"Hoy bff grabe ka naman katapusan kaagad?" pasigaw kong sabi kay Trish. Lokang to makasabi naman eh katapusan kaagad?
"Buti na lang at hindi ka iyong tinutukoy ng doktor Lexa. Kung hindi baka nagwala na si---" bigla naman naputol ang sasabihin ni Matthew ng pumasok sa loob si Xy.
Ako eh nagtataka na, ha? Bakit sa tuwing may sasabihin si Matthew eh palaging umeeksena itong si Xy? Wrong timing siya parati kaya hindi natutuloy ni Matthew yung sasabihin niya. Tsk!
"Ano nangyari dito? Bakit parang dinaanan kayo ng sampung elepante?" walang emosyong sinabi ni Xy
"Haha! G*go ka talaga Xy! Anong sampung elepante ang sinasabi mo diyan? Sa tingin mo ba zoo itong hospital para magkaroon ng mga hayop?" natatawang sabi ni Matthew, ang babaw talaga ng kaligayahan nitong lalaki na 'to
"Pffft-- pffft- Hahaha!" pigil tawa naman ni Trish, isa rin iyan na mababaw ang kaligayahan eh. Bagay talaga sila ni Matthew parehong mga baliw. Haha!
"Oh eh kung kayong dalawa eh tapos ng tumawa, maaari ko na bang malamang kung bakit nga mga seryoso ang mga mukha niyo nung pumasok ako?" seryosong sabi naman nito, anong problema nitong lalaki na 'to? Siguro mayroon siya ngayon haha!
