(A/N: Hey! Hey! You! You! Can you be my girlfriend. Hahaha kidding! Kumanta ba daw. So ayun hi sa mga nagbabasa nito, kung mayroon man :D lovelove ko kayo hihi. May bago po akong gagawin na story, another kabaliwan ni author. Aguy! Support niyo po siya guys :) Salamat ♥♥♥ Ang title niya is "Love at First Flight". O sige yun lang ^_^ Enjoy reading )
Lexa's POV
Jusme! Kabilis naman ng araw. Ilang linggo na mula ng mangyari 'yung kahindik-hindik na pangyayari na iyon sa akin. Iyon na yata ang pinaka-worst sa lahat ng worst. Nahuli na namin kung sino ang gumawa no'n sa akin. Ang peste kong ex! Mas lalo niya lang pinatunayan na hindi siya karapat-dapat balikan. At hindi siya karapat-dapat mahalin. Abnormal ba siya? Tsk! Hindi naman na namin siya kinasuhan dahil ang sabi din sa amin eh menor de edad pa daw ito. Saka hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa akin at kay Xy noon eh.
Pinagtalunan pa nga namin ni Trish ang bagay na iyon dahil sabi niya baka daw ulitin niya ulit iyon. At baka mapahamak na naman daw ako. Pero napilit ko siya na 'wag ng kasuhan si Mav. Ewan ko ba, wala rin namang maitutulong kung sakaling kasuhan ko pa siya eh.
Dahil ilang linggo na nga ang nakalipas mula ng mangyari iyon, ay syempre madami din ang nangyari at nagbago. Alam niyo ba na nagkakamabutihan na ang bestfriend ko na si Trish at ang bestfriend ni Xy na si Matthew? Kulang na lang eh langgamin sila dahil sa ka-sweetan. Ewan ko ba, noong nasa hospital naman kami parang aso't pusa kung magbangayan ang dalawa. Ngayon naman todo sa katamisan. Bagay naman sila eh, hindi ba?
Noong una nga nagulat ako kasi nakita ko na lang si Matthew na may hawak-hawak na tatlong rosas na fresh na fresh pa. Habang naglalakad kami ni Trish bigla ba naman humarang sa dadaanan namin kaya ayun at naging agaw atensyon kami sa nakararami. Isang sikat na basketball player na may hawak na roses at isang campus crush ba naman ang magkaharap eh. Feeling ko nga that time third wheel ako sa kanila kasi nasa gitna pa talaga nila ako.
Hinayaan ko na lang sila na maging sweet sa isa't isa. Minsan nga nakakaramdam ako ng inggit eh. Paano ba naman tuwing kasama ko sila nuknukan ng sweet. Hindi pa sila niyan ha? Kaya minsan tuwing lunch break mag-isa lang ako eh dahil ayaw ko silang makita na sweet sa isa't isa. Grr! Mamatay pa ako sa inggit eh, mahirap na.
Isa pa, alam niyo ba kung bakit palagi akong mag-isa? Bukod sa wala si Trish dahil kasama niya palagi si Matthew, si Xy naman na palaging nangungulit sa akin ayun bigla na lang hindi nagpaparamdam.
Hindi ako nalulungkot.
Hindi talaga.
Sabi ng hindi ako nalulungkot eh.
Nami-miss ko na yung pangungulit niya.
Hindi ko naman kasi sinasadya na sabihin sa kanya iyon eh.
Flashback
"Lexa! Lexa!" si Xy yan na ubod ng kulit kanina pa ako kinukulit
"Ano?" walang gana kong sagot
"Bakit ang sungit mo?" sabay pout niya na parang batang inagawan ng candy
"Bakit masama?!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao
"Hindi.. Uy hindi ba bawal ka pa diyan sabi ng doktor?" halata mo ang pagiging concern sa boses niya
"Tss. Ilang araw na iyon Xy saka magaling na ako oh. HIndi mo ba nakikita? Bulag ka ba?" pagtataray ko
"Eh kahit na." may halong tampo naman ngayon sa boses niya