Chapter 13: Unpredictable hug

289 12 5
                                    


Matthew's POV


Ang daming ganap ngayong weekend na 'to ah? Si Lexa nawawala. Tapos 'yung babaeng nakita ko before sa campus nakita ko kahapon, and I got her name, it's Trish. How come na hindi ko siya nakikita sa room namin? O.o Ang weird lang. Tsaka ko na lang siya tatanungin kung bakit. Uunahin muna namin ngayon 'yung problema ni Xy.

Tinawagan ako ni Xy para sabihing tumawag daw sa kanya si Lexa. And I don't fcking know how. Basta ang sabi ko pupunta ko sa kanila kaya dali-dali akong umalis sa bahay namin para dumiretso sa bahay nila.

Akmang pipindutin ko na ang doorbell nila Xy ng may makasabay naman akong maliliit ngunit kutis porselana sa ganda na kamay. Tinignan ko kung kaninong mga kamay 'yon at nakita kong kay Trish. She's so beautiful.


"Ahh hi.. ano, bakit ka nandito? I mean.." malumanay kong tanong kay Trish

"Tinawagan kasi ako ni Xy, ang sabi niya tumawag daw si Lexa kaya dali-dali akong pumunta dito. Ikaw?" paliwanag niya sa akin na siyang nakapagpatulala sa akin. Deym!

"Ah ano, oo tinawagan din ako ni Xy. Mag-doorbell na ako ha?" sagot ko naman sa tanong niya at saka pinindot ang doorbell nila Xy

Agad ko naman nakita ang kasambahay nila Xy. At tinanong kung nasaan si siya at sabi niya nasa loob daw. Sumigaw siya na nandito na kami at narinig namin ang boses niya na papasukin kami sa loob.

Naunang pumasok sa loob si Trish at ako naman ay parang buntot niya na nakasunod sa kanya. Grabe, hindi ko akalain na may ganito kagandang babae akong classmate. I mean, bukod kay Lexa, yeah she's beautiful too. Pero iba ang dating sakin ni Trish, ewan ko ba? Siguro na-love at first sight ako sa kanya.

Habang nag-uusap sila ni Xy hindi ako makaimik, natameme ako. Sht! Ang bading! >_< Hanggang sa nagpasya na kami na pupuntahan na namin si Lexa. Ang kulit nga nito ni Trish dahil sasama daw siya sa pagsugod, paano kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko yata mapapatawad ang kung sinong nilalang ang magbalak ng masama sa kanya. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

"Hoy Matthew! Parang kang siraulo!" sigaw ni Xy sakin kaya napakunot ako ng noo

"ANO?!" galit na sigaw ko naman sa kanya

"Sabi ko para kang tanga diyan. Kulang na lang tumulo laway mo kakatitig kay Trish ah?" panunukso niya

 "Manahimik ka nga diyan!-__-"

"HAHAHA! Inlove ka ano?" tanong ng mapang-asar kong bestfriend. Paano ko nga ba 'to naging bestfriend? =__=

Tumigil naman siya sa pagtawa dahil sinamaan ko siya ng tingin. Hay naku, wala na talagang ititino pa ang isang ito. Hindi naman kami pinansin ni Trish ng sabihin 'yon ni Xy pero napansin ko nag-blush siya. Ugh! Ang kyut niya mag-blush, nakaka.. inlove.

"Trish, alam mo ba kung saan 'yung sinasabi ni Lexa na abandonadong lugar?" biglang itinanog Xy si Trish

"Ahm.. oo doon sa may bandang dulo pa." Trish answered with an angelic voice

"Ah sige. Bibilisan ko na ang pagpapatakbo" sagot naman ni Xy. Ang arrangement kasi ng upuan namin, si Xy sa driver seat dahil syempre siya ang nagda-drive tapos si Trish naman sa may tabi niya dahil tinuturo niya yung lugar at ako nasa may likuran.

Huminto kami sa isang abandonadong lugar. Ngayon lang ako nakapunta dito. Mukhang delikado para sa aming tatlo ang sumugod na walang mga pulis na nakapalibot. Mabuti pa siguro kung tumawag kami ng mga pulis baka kasi mamaya madami sila, ano magiging laban namin sa kanila?

"Xy! Tumawag muna tayo ng mga pulis. Baka mamaya madami pala sila baka kung mapaano pa tayo." suhestiyon ko kay Xy na mukha namang sasang-ayon

"Hmm. Mabuti pa nga. Trish ikaw na kaya ang tumawag sa mga pulis at kami na lang ni Matthew ang magbabantay muna sa paligid." sagot ni Xy sabay baling kay Trish na tumatango-tango

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon