Mykaella's POV
So ayun nga after kumain nagpababa lang kami ng kinain at pumunta na kami sa garahe nila. Parang kuminang ang mata ko ng makita ko yung kulay blue na mountain bike (*.*). Nilapitan ko agad yun at sinakyan at nakakatuwa kasi merong angkasan sa likod yung upuan tapos yung isa naman na kulay orange ay may angkasan din pero yung apakan lang.
"Ito gusto ko sino aangkas sakin?" Tanong ko sakanila nakatingin lang kasi sila sa akin ehhh.
"Ako/me/Mika ako" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.
Lumapit agad sakin si Spring at umupo sa likod ko at niyakap ako sa bewang. Pinabayaan ko na lang kasi wala talaga skyang kakapitan.
Pagtingin ko dun sa dalawa ang sama ng tingin kay Spring, habang itong isa pangisi-ngisi lang. Mukhang naisahan sila ni Spring ah.
Agad na sumakay si Wint dun sa orange na bike at agad din namang umangkas si Summ na nakabusangot ang mukha.
"Hoy Spring ako naman dyan mamaya ha nakakangalay dito tsaka iyo lang ba syang fiancée? Ha?"sabi ni Summ
"Owwwwkey"sabi naman ni Spring na halatang di nagsasabi ng totoo at nang-aasar lang.
Biglang pinaandar ni Wint yung bike kaya muntik pang tumaob si Summ pero buti na lang nakakapit agad siya sa balikat ni Wint haha. At ayun nauna na silang umalis.
"Problema non?" Tanong ko kay Spring na nagkibit balikat lang.
Umalis na din kami at sumunod dun sa dalawa.
Habang naglilibot napansin ko na sobrang lalaki pala talaga ng mga bahay dito.
Tapos maya-maya napansin ko na lang na wala na yung sinusundan namin ni Spring. Di ko napansin kung saan nagpunta o kung lumiko ba.
"Spring nasan na yung dalawang bugok?"tanong ko dito sa kaangkas ko na pangiti ngiti lang.
"Ano yung 'bugok'? Pero kung ang tinutukoy mo ay yung dalawa kong kapatid lumiko sila diyan sa kanto pakanan" sabi niya.
"Ahhh ok I see" langya san galing yung english ko hahahha.
So ayun since sa kanan sila nagpunta sa kaliwa ako nagpunta hahhaha ewan ba gusto ko humiwalay sa kanila ehh. May 15 minutes na din mula nung humiwalay kami dun sa dalawa pero tahimik lang kami ni Spring. Maya-maya bigla syang sumigaw kaya napahinto ako at nilngon sya.
Paglingon ko patuloy pa din sya sa pagsigaw na parang babae at may tinuturo siya kaya sinundan ko kung ano man yun. At ang bugok kala ko kung ano na, may nakita lang palang Ice cream parlor pero d lang sya basta ice cream parlor para din syang grocery pero di ganun kalaki at sweets lang ang tinda nila. Pagbasa ko sa taas ng store ang pangalan ay Sweet Queen Bee. Bubuyog amp.
Bigla na lang nagtatakbo si Spring sa loob kaya pinarada ko muna yung bike at sumunod sa kanya.
Pagdating ko sa loob aba nakain na ng ice cream na nakalagay sa isang napakalaking mangkok ang bugok at take note punong puno yung mangkok.
Nilapitan ko sya at umupo ako sa upuan sa tapat nya. Napatingin naman agad siya sakin.
May ideyang pumasok sa isip ko para namn mas makilala ko pa silang tatlo alam ko kasing madaldal tong isip bata na 'to.
"Ahmm Spring hehe.... puwede ka bang magkwento about sainyo?"alinlangang tanong ko.
"Yum...yum...yummmm... syempre...yum...naman...yumm...Mika" paputol putol nyang sabi kasi nakain sya ng ice cream, remember?
Nice! May mapapala din pala ko sa kadaldalan nito.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS
YOU ARE READING
My Triplet Husbands [On-Going]
General FictionIsang dalaga ang makakatagpo ng triplet na siyang magbabago ng buhay niya. At siyang pakakasalan niya. May mga matutuklasan siyang sikreto. Matatanggap niya ba ang mga ito? -Ang hirap magkaroon ng tatlong asawa. Kailangan maging fair ako sa kanila d...