Mykaella's POV
Kinabukasan hindi yun naging normal na araw kasi nga tamad na tamad ako kumilos. Hindi ako nagluto at nakatambay lang ako sa sala. At since meron nga ako angbilis ko mainis. Mood swings ika nga.
Ngayong araw nagpadeliver lang yung tatlo ng breakfast nila. At ngayon ang papasok sa opisina ay si Wint at Summ. Naiwan dito si Spring na walang tigil na nangungulit sakin.
"Mika!Huy Mika!Mika!"with matching kulbit pa."Mika ano bang nangyayari sayo ayaw mo na ba sa amin?galit ka ba samin?" sabay pout. "MIKKAAAAAAA!!!"sigaw nya. Putek sa tenga ko pa.
"ANO BA!?"napasigaw na din ako sa inis."Tigilan mo nga ako" sabay akyat sa guest room at nahiga na lang ako sa kama at nag cellphone. Kabadtrip kasi ang ingay na nga ang kulit pa.
Ang boring tsk.
Maglalakad-lakad muna kaya ako tsk ang boring ehh. Walang magawa dito.
Nagbihis muna ako ng short yung hanggang tuhod at isang maluwang na shirt.
Nung palabas na ko napansin ko si Spring na nakaupo pa rin sa sofa at nakayuko tapos nataas-taas pa ang balikat. Mukhang naiyak ang isip bata.No choice nilapitan ko.
"Huy Spring!"
Tumingala sya sakin at shocks yung itsura nya yung uhog nya sa mukha hays isip bata talaga.
"Mikaaa...!"sabi nya habang nahikbi.
"Tsk sorry na alam mo naman kasing may mood swings ako ngayon tapos kinukulit mo ko. Ayusin mo na yang sarili mo sumama ka na lang sa akin maglalakad lakad ako."
Nagtatakbo naman ang isip bata sa kwarto nya. Pagbaba niya nakashorts sya tapos polo shirt.
"Tara na!"yaya nya.
Naglakad na lang ako palabas at sumunod naman siya.
Habang naglalakad-lakad sa buong subdivision may nakita kaming isang basketball court. Di naman sya ganun kalakihan pero hindi rin maliit tama lang.
Napatigil ako sandali at may naalala ako. Hays tinuruan kasi ako dati ng Kuya ko ng basketball pero ngayon wala na siya. Matagal-tagal na rin pala siyang wala nasa Paris kasi siya eh. Nag aaral sya don at scholar siya.
"Ohh Mika bakit?" nagtatakang tanong ni Spring habang nakahinto din.
"Ah wala wala punta muna tayong convenient store"kaya naman naglakad na kami palabas ng subdivision.
Pagpasok namimili-mili lang ako ng maiinom at makakain pinaplano ko kasing kumain ng kung ano man.
Nahagip ng paningin ko yung napkinan tsk naalala ko yung lalaki.
Sino kaya yung M.C'ng yon. Argh nakakahiya yung nangyari sa totoo lang.
Iniwas ko na don ang tingin at kumuha na lang ako ng Dalawang malaking piattos at isang softdrink.
"Huy Spring kumuha k----"napatigil ako sa pagsasalita dahil paglingon ko ang isip bata ang dami-dami nang hawak at puro candy, chocolate at yung iba pang tinda na may laruan, isip bata talaga. At aba meron na ding nginunguyang trolli (yung candy na parang jelly). "Huy tara na nga sa counter"sabi ko na lang.
"Mika ako na ang magbabayad" hinayaan ko naman siya.
"₱572.50 po Sir"sabi nung cashier. Kinapa naman ni Spring yung pitaka niya tapos dahan dahan syang tumingin sa akin habang nakapeace sign at nakangiti ng alangan.
"Ahmmm Mika hehe nagpalit nga pala ko ng short at naiwan ko yung pitaka ko hehe peace" habang naka peace sign pa din.
"Tabi nga, ako na ang magbabayad."
Pagkatapos namin magbayad nagsimula na ulit kaming maglakad pauwi.
"Ahmm Mika bakit ka pumayag na magpakasal sa amin? Hindi ba parang ang pangit lang tignan na nagpapakasal ang iisang babae sa tatlong lalaki" biglang salita ni Spring.
"Ha!" sabi ko ng pasinghal. "Ang tanong ay kung pumayag ba ko? Nung araw na papunta kami dito sa inyo hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta at halata naman sa reaksyon ko diba na wala akong kaalam alam" dugtong ko pa.
"Eh bakit parang ang bait mo naman sa amin kung ganon pala?"
"Eh kasi bukod sa teritoryo niyo 'to. Ano pa bang magagawa ko diba? Kung magmamatigas ako wala din namang mangyayari. Kaya ako, kung anong mangyari o mangyayari then so be it" sabi ko habang nakatingin sa malayo.
"Eh an---"
"Tama na ang tanong yan na ang bahay oh. Movie marathon na lang tayo."
***
Nanood kami ng isang comedy movie. Natural tawa kami ng tawa hahahaha kaya ayun medyo nawala na yung pagkabadmood ko.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT 😘
YOU ARE READING
My Triplet Husbands [On-Going]
Fiction généraleIsang dalaga ang makakatagpo ng triplet na siyang magbabago ng buhay niya. At siyang pakakasalan niya. May mga matutuklasan siyang sikreto. Matatanggap niya ba ang mga ito? -Ang hirap magkaroon ng tatlong asawa. Kailangan maging fair ako sa kanila d...