Mykaella's POV
Nagising ako ng maaga kasi sa totoo lang di naman talaga ako nakatulog kakaisip.
Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina para magluto ng kakainin ko.
Madamihan na nga ang luto para dun sa tatlo kong fiancée kuno.
Habang kumakain ako bigla silang dumating na tatlo.
"Good Morning"sabi nilang tatlo
"Good morning din" sagot ko.
"Kain na kayo nagluto ako ng hotdog, bacon, and egg tsaka pala fried rice. Sorry pala ha pinakialaman ko ang kusina niyo."dugtong ko pa."Thanks Baby / Wife / Mika Love"sabay-sabay na sabi nilang tatlo. Saan naman galing yung tawag nila sa akin? Ano yun endearment? Yae na nga.
"Tsaka okay lang yun iyo na din naman tong bahay na to kaya iyo na din tong kusina Baby"sabi ni Summ.
"Ohhhh OK"sabi ko na lang at umupo na sila sa may dining table ganito puwesto namin.
Ako
----------------Table-----------------------
Summ Winter SpringHabang kumakain...
"Ahmmm Mika pag-uusapan nga pala natin yung tungkol dun sa wedding"sabi ni Spring.
Nga pala pano yun tatlo sila? Di ba labag yun sa simbahan?
"Pano pala yun tatlo kayong pakakasalan ko?"may halong pagtatakang tanong ko.
"Wag kang mag alala may ninong kaming tatlo na pari siya yung magkakasal satin"sabi naman ni Summ.
"Saan mo tayo gustong ikasal? Saang simbahan? Sa abroad o dito na lang?"cold na pagtatanong ng sunod-sunod ni Winter.
"Bukas pupunta tayo doon sa shop na pag mamay ari ng tita namin papasukatan na namin ikaw ng wedding gown mo"sabi ni Spring.Nakikinig lang ako sa mga pinagsasasabi nila.
"Bakit parang ang aga naman ata? Bukas agad?"takang tanong ko.
"Magpapakasal kasi tayo next month"sabi ni Winter.
"WHAT?"gulat na gulat na tanong ko. Napatayo na nga ako sa sobrang gulat ehhh.
"Oh easy lang Baby"lumapit sa akin si Summ at inalalayan akong umupo ulit. Umupo din naman ako agad ng mag sink in sa akin yung sinabi ni Winter.
Pagkaupo ko nagtanong kaagad ako sa kanila "Teka bakit next month na agad hindi ba parang ang bilis naman? Di pa nga tayo ganun ka magkakakilala."
"Actually kasi next next month na ang birthday namin at ayon na rin sa conditions sa last will and testament ng magulang namin dapat kasal na kami bago pa kami mag debut" paliwanag ni Spring habang ngiting-ngiti.
"Ahh ok?"hindi sure na sagot ko. Para kasing masyado silang nagmamadali. "May magagawa pa ba ko?"tanong ko ulit.
"Wala hehe"Spring.
"Teka may bike ba kayo?"bigla ko kasing naisip wala naman na kong iba pang gagawin ngayon kaya mag iikot-ikot ako dito sa subdivision nila, exercise na din.
"Oo pero dalawa lang yon ehh di kasi nagbabike yang si Wint" sagot ni Summ.
"Tss" sino pa ba edi si Wint nagsabi nyan.
"Bakit pala Mika?" Tanong ni Spring.
"Ahhh mag iikot-ikot sana ako dito sa subdivision niyo excersise na din" sabi ko.
"Samahan na kita" sabay na sabi nung dalawa.
"Ako na sasama sayo" cold pa ring sabi ni Wint. Kailan ba 'to hindi magiging cold?
"Sumama na kayong tatlo angkas angkas na lang ok? Ohhhh wala ng aangal" ako.
Wala na rin silang nagawa kaya nanahimik na lang sila at ipinagpatuloy ang pagkain.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT😘
YOU ARE READING
My Triplet Husbands [On-Going]
Ficción GeneralIsang dalaga ang makakatagpo ng triplet na siyang magbabago ng buhay niya. At siyang pakakasalan niya. May mga matutuklasan siyang sikreto. Matatanggap niya ba ang mga ito? -Ang hirap magkaroon ng tatlong asawa. Kailangan maging fair ako sa kanila d...