9:DORAEMON

691 20 0
                                    

Mykaella's POV

Katatapos lang namin kumain at nandito kaming tatlo ngayon sa living room habang nanonood ng doraemon. Ewan ko ba sa dalawang ito yun daw gusto nilang panoodin ehh TV nila 'to ehh anong laban ko diba? haha.

"Huy Summ"tawag ko kay Summ with matching kulbit pa, focus na focus kasi sa pinapanood nya eh hahaha.

"Hmmm" tumingin lang sya sakin ng konti then balik ang tingin sa TV.

"San pala punta nung Kuya mo?"

"Company" ang tipid sumagot.

"Ehh bakit kayo andito?" Tanong ko ulit.

"Tinatamad ako pumasok ngayon ehh. Tapos yang si Spring gaya-gaya lang. Mamaya ka na nga magtanong ng magtanong nanonood ako eh"may halo nang inis na sabi niya kaya nanahimik na ko baka mabugahan pa ko ng apoy nito.

Tatanong ko lang naman sana kung bakit doraemon ang pinapanood nila.

***

Sa wakas tapos na ang pinapanood nila.

"Hoy bakit ba Doraemon ang pinanood nyo? Para kayong mga bata haha"natatawang sabi ko.

"Gusto mo talagang malaman?"seryosong tanong ni Summ. Napalunok naman muna ako bago tumango. Ang seryoso niya eh"Gusto lang namin hahahahahaha"tatawa-tawang sabi nya. Nabatukan ko naman agad sya kaya tumigil.

"Akala ko pa naman kung ano na tss"inis na sabi ko kasi pati si Spring tawa na ng tawa.

Mabilis lumipas ang oras.

***
"I'm home"sabi ni Wint na di ko malaman kung bulong ba o normal na boses nya ang hina ehh. Pero hindi ba dapat pag sinasabi yung I'm home pasigaw? Ahh bahala siya jusko ano pa aasahan ko dyan eh ganyan naman talaga yan.

Napatingin naman kaming tatlo sa kanya. By the way andito pa din kami sa living room pero di na kami nanonood, nakain lang kami ng kung ano-ano habang nagkukwentuhan. Tapos na din kami maghapunan hindi na namin nahintay si Wint gusto ng kumain nung dalwa eh.

"Ow andyan ka na pala Wint, Evening! kain ka na dun sa kusina. Umuna na kaming kumain eh gawa nitong dalawa gutom na daw sorry ahh fried chicken lang naluto ko. Medyo tinatamad akong magkikilos ngayon eh."mahaba kong sabi. Tapos si Wint naman tumingin lang sakin tapos umalis na at pumuntang kusina. Kahit actually ano pa bang lulutuin prito lang naman talaga haha.

Kinabukasan...
*
*
*
*yaaaawn*
*unat**unat*

Hehe inaantok pa ko haha. But I don't have a choice I need to cook breakfast for my triplet fiancée, ganyan ata talaga pag inaantok pa napapaenglish tss tinatamad akong magkikilos ngayon ewan ko kung bakit.

After 20 minutes natapos na kong magluto. Saglit lang kasi nagprito lang naman ako ng ham and bacon tapos nagtoast lang bread then kuha ng butter. Tinapay na lang muna ngayon tamad na tamad talaga ko magkikilos ehh.

Maya-maya dumating na yung tatlo. Tulad kahapon naka-business suit si Wint. Mukhang papasok na naman sa opisina. Pero ang nakakapagtaka si Spring nakabihis din ng pang-alis pero iba yung porma eh hindi formal yung porma nya parang panggala, pang may date ganon. Tapos ito namang si Summ nakaboxer lang, porket may abs eh.

Oo, sa napatingin na naman ako sa may tyan nya hh. Ahh basta yae na.

Feeling ko magkakaroon ako ngayon kaya siguro tamad na tamad ako kumilos tss. Di ko kasi kalkulado kung kailan ako magkakaroon eh irregular kasi yung sakin.[A/N:ang tinutukoy dyan ay ang pagkakaroon ng regla ng isang babae, just to be sure na alam nyo baka kasi may lalaking reader na di alam haha,baka lang]

"Guys punta lang muna ko diyan lang sa may convenient store sa labas ng village"paalam ko dun sa tatlo.

"Samahan na kita Mika ano ba bibilhin mo? O kaya kung gusto mo ako na lang bibili" sabi ni Spring na ngayon ay patayo na sana pero pinigilan ko sya.

"No,wag na dyan lang naman.  Thanks na lang, tuloy niyo na lang pagkain niyo dyan."

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYS 😘

My Triplet Husbands [On-Going]Where stories live. Discover now