5:GETTING TO KNOW EACH OTHER PART 2

806 23 0
                                    

Mykaella's POV

Nice nice nice sabi na eh magkukwento itong isip bata na 'to wuahhahah. Itinabi niya muna yung ice cream niya at tumikhim. Mukhang uumpisahan na niya ang pagkukwento.

"So yun Mika obvious naman na triplets kami hahahah. Si Kuya Wint ang panganay ganun talaga yun laging cold hahahah shhh ka lang lagot ako don hahaha. Sunod naman ay si Kuya Summ ayun naman napakaplayboy hahahaha at ako ang bunso kaya ako ang pinakacute hahhaha."

"Ikaw cute?? Hmmm isipin ko lang ha."

Bigla naman syang sumimangot at nagpout hahahahha.

"Mika naman....(>3<)"Spring.

"Hahhahah oona cute ka na...pero ihhhh alam ko na yang kinukwento mo ehh. Ikwento mo naman yung about sa family niyo sa parents nyo."

Biglang lumungkot ang mukha ni Spring. Bad mouth Mykaella hayyysss.

"Ahhh sige Spring okay lang kahit huwag na yung about---"

"Naghiwalay yung parents namin nung 12 years old kami, iniwan kami ng papa namin at isinama nya si Kuya Wint tapos nang 15 years old na kami namatay yung mom namin dahil sa isang car accident. Nung burol na ni mom dumating si Dad at Kuya.Tapos after nung burol bumalik na si Dad sa States at nagpaiwan si Kuya at non lang din namin nalaman na may bagong family na si Dad at sa States sila natira. Tapos after 3 months nung libing ni Mom nabalitaan na lang namin na patay na si Dad may pumatay daw sakanya at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung sino"

"*sob**sob* Huhuhhuh (T,T)"naiyak na lang ako sa kwento nya.

"Mika bakit ka naiyak?"nagpapanic na tanong ni Spring.

"Ehh kasi..kasi nakakaiyak yung kwento nyo T,T. Akala ko ang sakit na ng kuwento ng buhay mas masakit pala yung sa inyo. Kasi ang babata niyo pa tapos nawalan na kayo ng magulang"maluha-luhang sabi ko.

"Iba na nga lang ikukwento ko tungkol na lang sa love life naming tatlo"excited na sabi niya kaya naexcite din ako. Nahawa ata ako sa excitement niya at kusa na lang din akong tumigil sa pagluha.

"So uunahin ko na yung kay Kuya Summ alam mo na naman siguro na playboy siya kaya nga di ko na mabilang kung ilan naging girl friend niya hahahahahaha...Wala pa nga yung sineseryoso ehhh"

"Halata nga hahahaha"at sabay naman kaming natawa.

"Ako naman maraming nanliligaw sakin kasi ang cute ko daw pero wala akong sinasagot choosy yata 'to"natatawa pero mayabang na sabi ni Spring.

Natawa na lang ako sa kayabangan nya.

"Pero seryoso yun mga babae talaga nanliligaw sa akin I mean SA AMIN hahaha wala eh Falcon hahaha."

"Ehh si Wint nagkalove life ba yun kasi para namang walang magkakagusto dun, lagi kasing nakasimangot hahhaha."

"Nagkaron siya ng isang girl friend nung 16 kami at isang fiancée noong 19 kami" bigla tuloy akong naging interesado.

"Oh anyare nakipaghiwalay siguro sakanya noh kasi sinabihan nya siguro ng idiot hahahah"ako.

Sumeryoso si Spring kaya natigil ako sa pagtawa."Bale isa lang ang babaeng dumaan sa buhay niya. Kasi yung naging girlfriend niya yun din ang naging fiancé niya tumagal sila ng almost 4 years." Huminto sya kaya nagtanong ako.

"Oh eh bakit nga di na sila ngayon?"

"Ka-ka-kasi na-namatay si Irene"putol putol na sabi niya at kita ko ang pangingilid ng luha nya sa di ko maintindahan na dahilan. Di pa ko nakakapagreact ng may biglang sumigaw.

"Hoyyy ang dadaya nyo di niyo kami sinabihan hinanap pa namin kayo tapos nakain lang pala kayo ng ice---"di na tinapos ni Summ ang sasabihin niya nang mapansing wala man lang umiimik sa amin ni Spring nakatitig lang kami sa kanya.

"Hehe uwi na tayo mga kuya."naiilang na sabi ni Spring.

Since malapit na rin namang mag tanghalian umuwi na kami at nanatili kaming tahimik. Bago yun kay Spring kasi alam nyo naman yan napakahyper lagi. Kaya malamang na magtaka 'tong dalawa. Pero buti na din at hindi sila nagtatanong.

DON'T FORGET YO VOTE AND COMMENT😘

My Triplet Husbands [On-Going]Where stories live. Discover now