CHAPTER 1: NIGHTMARE

347 12 0
                                    

[Natalie's POV]

"KENNETH!!!"

Napabangon ako sa kama ko habang hinihingal pa na para bang nakipagmarathon ako.

“Panaginip lang pala.”Pabulong na sabi ko sa sarili ko. Parang totoo yung panaginip ko at sa totoo lang nararamdaman ko pa rin yung kaba at takot. 

Tumingin ako sa orasan, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga. Mukhang hindi ako makakabalik pa ulit sa pagtulog nito dahil sa napaginipan ko. Inabot ko sa may bedside table yung Iphone 6 plus ko at dinial yung number ni Mine.

[Hmmm….Good Morning Mine.]

“Good morning too Mine.”

[Excited ka yata Mine para mamaya?]

“Nah…Dahil ito sa weird dream.”Hindi naman kasi talaga ako excited para sa mangyayari mamaya pero excited ako ulit makita si Mine. Ewan ko ba, mahigit dalawang taon na kami pero hindi yata ako magsasawa na makasama siya palagi. Hindi na nga daw kami mapaghiwalay na dalawa.

[Bakit Mine? Ano ba napaginipan mo?]

“Iniwan mo daw ako.”Malungkot na pagkakasabi ko sa kanya.

[Hahahaha…dahil ba dun kaya napatawag ka agad sa akin Mine?]

Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Narinig kong mas lalo pa siyang tumawa dahil dun.

“Sige pa. Pagtawanan mo pa ako.”Nakapout na sabi ko sa kanya.

[Kasi naman Mine, napagusapan na natin ito di ba? Wala kang dapat ikatakot dahil hinding hindi kita iiwan.]

Seryoso na yung boses niya sa kabilang linya. Alam ko namang hindi niya ako iiwan eh. Napatunayan na niya yun maraming beses sa loob ng mahigit dalawang taon na naging kami. Iwan lang niya ako kundi humanda talaga siya sa akin.

“Para kasing totoo Mine eh.”Sa totoo lang kinabahan at natakot talaga ako sa panaginip na yun dahil parang totoo at kung sakalimang totoo yun hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

[Mine, sabi nga ng mga matatanda. Kabaligtaran yung panaginip, ibig sabihin sa totoo hindi kita iiwan.]

“May ganon pala?”Sana nga totoong kabaligtaran lang ang panaginip.

[Oo naman Mine. Kaya matulog ka na para hindi tayo malate mamaya.]

“I miss you already Mine.”Paglalambing ko sa kanya. Kakahatid lang niya sa akin kanina dito sa condo ko pero para bang ang tagal na naming hindi magkasama.

[Me too Mine. Gusto mo punta na ako diyan?]

“Pwede ba Mine?”

[Why not? Gusto ko din naman. Sige na, wait mo na lang ako diyan ah? I love you very much Mine. Mwaahhh.]

“I love you more Mine. Take care sa pagdadrive.”Yun lang ay inend ko na yung call. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko at tumitig sa kisame. 

Sa mahigit dalawang taon ang dami na ding nangyari, graduate na kaming lahat sa mga profession na kinuha namin. Kaya nga ang graduation gift sa akin ni Dad ay isang Boutique na pagmamayari ko at grand opening nun mamaya. 

Aaminin ko na umaasa ako na sana ay magpropose na sa akin si Mine ng kasal dahil sabi niya dati kapag nakagraduate na kami ay nun lang niya ako aayain magpakasal. Pero isang buwan na mula ng makagraduate kami ay hindi pa rin siya nagpopropose sa akin. Siguro naghahanda lang siya. Kung pwede nga lang ako na unang magpropose sa aming dalawa ay ginawa ko na. Kasi naman ayaw ko na talaga magkahiwalay kami at gusto ko pag gising ko sa umaga ay yung mukha niya ang una kong makikita.

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon