Prologue

543 16 1
                                    

Prologue

Anong lugar ito? Bakit puro puti lang ang nakikita ko? Nasaan ba ako ngayon? Ano ang ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?

Naglakad lang ako ng naglakad pero wala akong makita kundi puro puti lang at kawalan. Napahinto ako ng biglang mahagip ng mga mata ko ang isang tao na nakatingin sa akin sa hindi kalayuan.

"Mine."Malakas na pagtawag ko sa kanya. Nakita ko lang siyang ngumiti sa akin.

Sinubukan kong maglakad palapit sa kanya. Pero...Bakit ganon? Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ano ang nangyayari?

Naguguluhang tumingin ako kay Kenneth. Nakatingin lang siya sa akin at bumuka yung bibig niya. Parang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko naman maintindihan. Nakaramdam na lang ako ng takot at kaba ng tumalikod at magsimula na siyang maglakad palayo sa akin.

"Don't."Pasigaw na pagpigil ko sa kanya habang nakataas ang kanang kamay ko at sinusubukang abutin siya kahit imposible dahil malayo siya sa akin.  Hindi man lang siya lumingon sa akin at dirediretso lang siya sa paglalakad.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero takot na takot ako. Bakit niya ako iniwan sa lugar na ito? Saan siya pupunta? Hindi ko pa rin maigalaw yung mga paa ko at parang may pumipigil sa akin. 

Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. At tuluyan na ding bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Kahit wala na siya sa paningin ko, patuloy pa rin ako sa pagtawag sa pangalan niya.

"KENNETH!!!"

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon