CHAPTER 2: THE ACCIDENT

204 10 0
                                    

[Natalie’s POV]

Pagkapasok namin sa boutique, madaming tao ang agad sumalubong at bumati sa amin. Karamihan sa mga ito ay mga kaibigan ni Dad, mga kamag-anak at mga kaibigan namin ni Kenneth. May mga sikat ding fashion designers at models ang dumalo sa opening. Ginawa naming exclusive ang party na ito kaya walang media.

Batian dito, batian doon ang ginawa namin ni Kenneth. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag tinatanong ng mga tao kung asawa ko na daw ba si Kenneth, gusto ko sanang sagutin ng oo kaya lang, hindi pa naman siya nagpopropse sa akin kaya ang naisasagot ko lang ay soon-to-be-husband.

“Baka pagod ka na Mine, pahinga ka muna. Ako muna nag bahala sa mga bisita.” Sabi ni Kenneth habang pinapaupo ako sa isang silya.

“Hindi Mine, ayos lang ako.” Nakangiti kong tugon sa kanya.

“Sige,wag mong masyadong pagurin sarili mo ha, sige ka, wala ka ng surprise sa akin.” Nakangisi niyang sabi.

Bigla namang nagliwanag yung mga mata ko sa sinabi niya,

“Surprise? Anong surprise Mine?” naeexcite kong tanong.

“Surprise nga eh. Hintayin mo na lang.” 

“Hmmp, sige na nga, pero wag mong kakalimutan yang surprise mo ha.”

“Oo na, importanteng mahalaga kaya yun.”

After nun nagtawanan lang kaming dalawa. Nakita ko naman sa di kalayuan yung DRM with Savannah kaya nilapitan namin sila ni Kenneth.

“Uy, kamusta mga dude?” pangungumusta ko sa kanila.

“Heto, walang matinong girlfriend.” Malungkot na sabi ni Harry.

“Aww, kawawa ka naman pala.” Pang iinis sa kanya ni Sav.

“Eh kayo naman mga green peas,kamusta relationship?” tanong naman ni Kenneth sa pinsan niya.

Umakbay muna si Louis kay Sav bago sumagot.

“Eto, going strong pa din.” Pagmamalaki ni Louis.

“Tsk, mghihiwalay din kayo.” Singit naman ni Harry.

“Wag kang bitter.” Dinilaan lang siya ni Sav.

Habang nagkakatuwaan at nagaasaran sila, napansin ko naman na tahimik lang yung dalawa. Pangiti ngiti lang.

“Kayong dalawa, ano naman balak nyo?” turo ko kila Benj at Claire.

“Ano naman ang babalakin namin? Siyempre focus sa work.” Seryosong sagot ni Benj.

“Kayo na lang kasi ang mag-date. Bagay naman kayo eh.” Pangangatyaw ni Harry sa kanila.

“Humanap ka muna ng matinong girlfriend bago ka magreto diyan sa iba.” Inis na sabi ni Benj.

“O chillax lang Benj, masyado kang seryoso eh.” Natatawang tinapik ni Claire si Benj sa balikat.

“Mabuti pa, mag-enjoy na lang kayo sa party. DRM, be ready ha. Last na tugtog na natin mamaya.” Pagpapaalala ko sa kanila. 

Nung graduation kasi namin ng college, napagdesisyunan na namin na hindi na kami tutugtog at last na yung ngayon. Nagpaalam na din kami kay ate Krishia na hindi na kami tutugtog sa The Hikari kaya humanap na siya ng iba. Nakahanap na din naman agad siya ng iba kaya lang sabi niya iba pa rin daw kapag kami ang tumutugtog. Kwento din niya na maraming mga customers niya ang nakakamiss sa amin. Ayaw man naming huminto sa pagtugtog pero kailangan kasi magkakaroon na kami ng kanya kanyang buhay, kanya kanyang trabahong pagkakaabalahan.

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon