CHAPTER 3: GONE

185 10 0
                                    

[Chezter's POV]

Napasugod kaming lahat sa ospital ng mabalitaan namin ang nangyari. Lahat kami ay nagulat ng malaman namin ang nangyari sa dalawa. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang masayang gabi ay mauuwi sa isang trahedya?

Nandito kaming lahat sa labas ng emergency room at naghihintay ng balita mula sa doktor. Mahigit isang oras na din kaming naghihintay dito kasama ang mga magulang ni Kenneth.

Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doktor.

"Sino ho ang kamag-anak ng mga pasyente?" tanong ng doktor.

"Ako ho, anak ko ho si Kenneth." sabi ni Tita sa doktor habang umiiyak. Hinahaplos naman ni Tito yung likod niya para mahismasmasan siya.

"Dun sa babae, sino kamag-anak niya?" tanong ulit ng doktor.

Lumapit si Benj at si Claire sa doktor.

"Doc, pareho hong wala sa Pilipinas ang mga magulang ni Natalie, pwede ho bang kami na lang?" -Claire.

"Im sorry iha, pero sa mga ganitong sitwasyon, kamag-anak talaga dapat. Siguro ay tawagan nyo na lamang ang mga magulang niya at sabihin ang nangyari sa kanya. O kaya naman ay ibigay nyo na lamang sa akin ang contact number para matawagan sila at masabi ko ang sitwasyon ng kanilang anak." paliwanag ng doktor.

"Chezter, hindi ba doktor ang Papa mo dito? Baka naman pwedeng sabihin mo sa kanya na itanong sa doktor na yun ang kalagayan ni Natalie." bulong sa akin ni Savannah.

"Hindi pwede yun Sav, hindi naman pasyente ng Papa ko si Nat eh." bulong ko din sa kanya. 

"Ganun ba?" malungkot niyang sabi.

Nakita ko na lang na pumasok na si Tita at Tito sa isang room kasama yung doktor. May lumabas na nurse dun sa ER at tinanong kami.

"Kilala nyo po ba ang mga pasyente?" tanong niya sa amin. Tumango naman kami.

"Nailipat na po sila sa kani-kanilang kwarto. Si Ms. Dela Vega po ay nasa room, 308. Si Mr. Mag-isa naman po sa room 309. Sige ho." sabi nung nurse at umalis na.

Agad naman kaming nagpunta sa room na sinabi niya. Ang DRM, dumiretso sa room ni Nat. Ako naman at si Sav sa room ni Kenneth. Wala si Kia, hindi sinama nila Tita, iniwan muna siya dun sa kapit bahay nila. Hindi din sinabi nila Tita kay Kia yung nangyari kay Kenneth dahil bata pa daw siya at baka mashock.

Pagkapasok namin at nakita namin si Kenneth na nakahiga. Malamang Chezter, nakahiga yan, alangan namang nakatayo di ba? Hay,ang abnormal naman ng utak ko ngayon, kinokontra ako eh.

Lumapit kami ni Sav sa kanya, ang dami niyang benda sa katawan, meron pa sa ulo. Ang dami ding pasa ang nagkalat sa katawan niya.

"Kawawa naman ang pinsan ko." sambit ni Sav na naiiyak na.

"Kung kelan naman , handa na siya at sasabihin na niya, tsaka pa nagkaganito." dugtong pa niya.  

Hinawakan ko siya sa balikat niya.

"Sssshhhh, tahan na. Magiging maayos din ang lahat." sabi ko at niyakap siya ng patagilid. Napatingin naman siya ng masama sa akin.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" takang tanong ko.

"Wag mo ngang agawan ng role ang Pea ko, dapat siya nagpapatahan sa akin eh." simangot niya.

"Ere naman, hindi ba pwedeng icomfort ka ng kaibigan? Kelangan talaga boyfriend pa?"

"Eh first time kaya to kaya dapat siya magcomfort sa akin."

"Oo na sige na, yung idinaldal mo diyan eh sana ipinunta mo nalang dun sa kabilang kwarto. Tsk tsk." napailing na lang ako.

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon