CHAPTER 5: IT'S OVER NOW

163 9 0
                                    

[Natalie's POV]

"Welcome back Ma'am Natalie."Salubong sa akin ni Grasya pagkatapos niya kami pagbuksan ng pinto. Syempre dahil nandito ako sa Amerika nandito din siya simula nung mahospital ako.

Pumasok na kami ng bahay ni Mama habang si Benj naman ay tunulungan si Grasya iakyat sa kwarto ko yung mga gamit ko. Pagkadischarge ko sa hospital ay dito muna daw ako tumira ulit habang hindi pa daw ako gaanong nakakarecover sa mga nangyari. Kahit anong pilit ni Dad na dito sa bahay niya sa New York ako tumira ay hindi niya napilit si Mama dahil ginigiit ni Mama na mas maalagaan ako kung dito ako sa poder niya dahil doctor siya. Kaya sa bandang huli ay balik na muna ulit ako kay Mama.

"Namiss mo ba ito?"Nakangiting tanong sa akin ni Mama habang inaalalayan ako maglakad papuntang sala. Linibot ko yung pangingin ko sa kabuuan ng bahay. Wala pa rin nagbabago sa bahay ni Mama na ilang taon din ako tumira hanggang sa kunin ako ni Dad at dalin sa Pilipinas.

Tumango ako kay Mama bilang sagot. Kahit papano naman namiss ko itong bahay na ito kahit ako lang palagi ang magisa dito dahil busy si Mama sa hospital. Pero hindi din naman ako gaanong nagiistay dito dahil busy na din ako nun sa pagmomodel at sa banda.

Umupo kami sa mahabang sofa na nasa sala. Tumabi din sa akin si Mama.

"Alam kong maninibago ka lalo na at madami ng nagbago simula nung umalis ka dito at pumuntang Pilipinas."Hinawakan ni Mama yung kamay ko na nakapatong sa binti ko. 

"Pero sana tanggapin mo ang pagbabago muli sa buhay mo. Alam kong kaya mo dahil matapang yata ang Baby ko."Nakangiting sabi niya sa akin. Pilit na ngumiti lang ako sa kanya kahit hindi yun umabot sa mga mata ko. Simula nung linabas ako sa hospital ay tahimik lang ako. Hindi ko ba alam parang wala ako sa mood na magsalita.

Napalingon kami ni Mama sa may hagdan ng may mga yabag kaming narinig na pababa. Nakita ko si Benj at Grasya pala. 

"Ma, gusto ko na sana magpahinga."Nanghihinang sabi ko kay Mama. Hindi naman ganon katagal yung byahe namin pero feeling ko hapong hapo na ako. Tumango lang siya sa akin at aktong tatayo na ako nung biglang binuhat ako ni Benj.

"Baka mabinat ka paakyat. It's more easy for us kung bubuhatin na lang kita."Nakangiting sabi niya sa akin habang buhat buhat niya ako. Kumunot naman noo ko dahil sa ginawa niya.

"Sa pagkakaalam ko kaya ako nadischarge dahil magaling na ako."Nakasimangot na sabi ko sa kanya habang paakyat kami ng hagdan.

"Hayaan mo na Baby."sabi ni Mama sa amin na kasunod pala namin paakyat ng hagdan.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad naman ako ibinababa ni Benj sa kama ko. Wala pa ring nagbago sa kwarto ko. Kung ano itsura nito nung umalis ako para pumunta ng Pilipinas ay ganon pa rin.

"Thank you Benj."sabi ko sa kanya ng maibaba niya ako.

"Anything for you. Aalis na ako para makapagpahinga ka na din. Bukas na lang."Hinalikan niya ako sa noo ko at naglakad na paalis. 

"Hindi pa rin nagbabago si Benj."Lumapit si Mama sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwarto ko. 

"You're right Ma."Nakangiting sabi ko sa kanya. Kahit papano masaya akong malaman na nandiyan pa rin siya sa tabi ko.

"Mahal ka pa rin niya."Seryosong sabi ni Mama sa akin.

"Ma!"Saway ko sa kanya.

"Alam ko, alam kong kaibigan lang ang turing mo sa kanya."Tumatangong sabi niya sa akin."Pero anak, minsan talaga hindi pa rin sapat yung mahal ninyo ang isa't isa. May mga sitwasyon talaga na kailangan mong gawin ang isang bagay kahit napaka hirap nun sayo."

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon