CHAPTER 8: HAPPINESS OF ONE

354 13 5
                                    

[Natalie's POV]

 

Ilang araw na ang nakalipas nung nagpropose si Benj sa akin sa The Hikari at tanggihan ko yun. Ilang araw ko na din siya iniiwasan at hindi sinasagot ang mga tawag niya. Nakakatawa lang isipin na dapat siya itong magalit sa akin at ang umiwas dahil sa pagtanggi at pagpapahiya ko sa kanya. Pero ako pa itong umiiwas at ayaw makausap siya.

Iniiwasan ko siya siguro dahil nahihiya ako sa kanya at hindi ko din alam pa kung ano sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami. Siguro pinapalipas ko muna yung nangyari. Hindi ko naman siya matitiis ng matagal dahil kahit ganon ay isa si Benj sa mahahalagang tao sa buhay ko.

Para din naman sa kanya ang pagiwas ko. Alam kong sobra ko siyang sinaktan pero ano magagawa ko? Kaysa naman sa habang buhay ko siyang saktan at ikulong sa akin. Kung si Claire na lang sana ang minahal niya imbis ako o kung sana siya na lang ang minahal ko at hindi si Kenneth. Edi sana masaya kaming lahat ngayon.

Alam kong nadisappoint ko ang DRM at si Savannah sa ginawa ko pero nung una lang naman yun. Naiintindihan naman daw nila kung bakit yun ang ginawa ko pero si Claire, hindi ko pa siya din nakakausap halatang galit siya sa ginawa ko. Siguro tsaka na kami maguusap na dalawa kapag nagusap na din kami ni Benj pagkatapos ng nangyari.

*Arf...Arf...Arf...

Dahil sa lalim ng iniisip ko habang najojogging ay hindi ko napansin na may isang puting aso na nasa harap ko ngayon at muntik na siguro matapakan kung hindi siya tumahol agad. Napahinto ako sa pagjojogging ko at tinitigan yung puting aso na kakawag kawag pa yung bunto habang nakatingin sa akin.

Napakunot ang noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali yung asong nasa harap ko ngayon ay Si....

"Flappy!!!"Tawag nung batang babae na mukhang kasama ni Flappy. Agad agad naman tumakbo si Flappy palapit sa akin. Agad naman ako tumalungko para kunin si Flappy nung makalapit siya sa akin.

"Ate ganda?"Gulat na gulat si Kia ng makita niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya habang hawak hawak ko na ngayon si Flappy at hinihimas yung puting balahibo nito.

"Kaya pala nagtatakbo ka kanina Flappy eh. Siguro dahil nakita mo si Ate Ganda noh?"Nakapout na sabi ni Kia kay Flappy. Lumapit siya sa amin ni Flappy at yumakap sa akin.

"Buti nagkita ulit tayo Ate Ganda."

Ginulo ko yung buhok niya gamit yung isang kamay ko."Sorry kung hindi na kita ulit nabisita. Naging busy lang si Ate."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin sabay tingin kay Flappy."Tapos itong si Flappy. Nagwawala palagi parang hinahanap niya kayong dalawa ni Kuya Panget."

"Ganon ba?"Iniharap ko sa akin si Flappy at kinausap ko ito."Mukhang pinahirapan mo sila habang wala ako ah? Namiss mo ba si Mommy?"

*Arf...Arf...Arf...

Parang may isip talaga itong si Flappy. Sa tahol niya alam ko kung ano gusto niyang sabihin.

"Kainis ka Flappy ah? Tinago na nga kita kay Ate Ganda nung nagpunta siya sa atin para ako na lang magaalaga sayo."Nakapamewang na sabi ni Kia kay Flappy. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Tinago mo pala siya sa akin ah?"Tinaasan ko ng kilay si Kia. Gusto ko lang makita kung ano magiging reaction niya.

"Sorry Ate. Kasi...simula nung parehas kayong mawala ni Kuya Panget, si Flappy na lang naiwan sa akin."Nakayukong sabi niya. Hindi naman ako galit sa ginawa niya tsaka sa kanila naman talaga si Flappy dahil aso ito ni Kenneth.

"Ok lang. Hindi naman ako galit eh."Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nagliwanag yung mukha niya. Kinurot ko naman siya sa pisngi niya. Nagdadalaga na din si Kia pero hindi pa rin nagbabago yung matambok niyang pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon