CHAPTER 6: BEGIN AGAIN

147 10 0
                                    

[Natalie's POV]

After 1 year

 

"Welcome back!" salubong nila Claire sa akin pagkababang pagkababa ko ng eroplano. Agad agad silang nagtakbuhan at niyakap ako ng mahigpit.

"Di nyo naman ako masyadong namiss noh?"  natatawang sabi ko sa kanila.

"Paanong hindi ka mamimiss, eh 1 taon ka kayang nawala. Pati yung shop mo ako nag asikaso." nakayakap paring sabi ni Claire.

"Kami ba Nat, namiss mo?" sabi ni Sav.

"Siyempre naman namiss ko din kayo. Mga kaibigan ko kayo eh." niyakap ko din sila.

"Wooo! Namiss ka din namin bro!" tinanggal nila Harry at Louis yung pagkakayakap nila sa akin at tumakbo kay Benj na pababa palang ng eroplano. Dinamba nila si Benj, mukhang gulat na gulat naman si Benj kaya't hindi siya kaagad nakareact.

"Yuck, mga pare, bitaw nga. Alam nyo namang ayaw ko ng niyayakap lalo na kapag mga lalaki. That is so gay." pag iinarte ni Benj. Napatawa na lang ako.

"Hayaan mo na Benj, namiss ka lang talaga nila. Sabi ko naman kasi sayo di ba, dapat nauna ka ng umuwi dito sa Pinas, ayan, sobrang namiss ka nila haha."

"Tsk, ganyan pa rin yang mga yan kahit nauna akong umuwi." sabi niya at binuhat na yung mga bagahe namin.

"Tara na." aya ko sa kanila.

Lumabas na kami ng airport at sumakay na sa van.

Isang taon, isang taon akong namalagi sa America para makalimutan siya. Pinilit siyang kalimutan at ituon sa ibang bagay ang atensyon ko para hindi siya maalala. Alam ko sa sarili kong wala na, wala na yung sakit na nararamdaman ko. Sanay na ata ako dahil pangalawang beses na niya akong iniwan. Sa una, inaamin kong mahirap, pero kinaya ko dahil ito ang alam kong tama. Sawa na rin akong umiyak at  magtanong kung bakit niya ako iniwan. Basta ang alam ko lang sa ngayon, masaya na ako, at hindi na ako masasaktan kung sakali mang magkita kami.

"Huy, tulala ka diyan." pasigaw na sabi ni Claire.

"Ah,sorry may iniisip lang." sabi ko at ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa bintana.

"Ano namang iniisip mo, yung shop mo? Naku, dont worry, ang lakas ng kita nun kaya hinding hindi malulugi." pag aassure sa akin ni Claire.

"Alam ko namang hindi malulugi yun eh, ako kaya si Natalie Colin Dela Vega, sikat at maappeal kaya never malulugi yun noh." sabi ko sabay ngisi.

"Tsk tsk, ayan ka na naman, nagyayabang." pailing iling na sabi ni Claire.

"Ikaw naman, di na nasanay." sabi ko sabay palo ng mahina sa balikat niya. Tumawa naman siya kaya nakitawa na din ako. Namiss ko to, ung pag-uusap namin ni Claire, yung barahan naming dalawa.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa condo ko.  Tinulungan nila akong magakyat at mag-ayos ng mga gamit ko. Swerte ako sa mga kaibigan ko dahil kahit ganito ang ugali ko, hindi nila ako iniiwan. Never nila akong iiwan.

"San to ilalagay Nat?" tanong sa akin ni Harry habang hawak yung malaking maleta ko.

"Dun na lang siguro sa itaas ng cabinet ko."

"Okay." sagot niya.

"Sipag natin Benj ha, paupo upo nalang sa couch?" sita ni Sav kay Benj.

"Pagod ako. Kaya nyo na yan." sagot naman ni Benj sabay higa sa couch.

"Hoy hoy, ano ka sinusuwerte?" nakisali na din si Claire. Binaliktad niya yung tambong hawak niya at ready ng ipalo kay Benj. Namiss talaga nila ang isa't isa.

TOSD Book 2: Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon