01: Interaction

13.9K 202 5
                                    

Sa isang gilid ng eskwelahan kung saan may nagaganap na di inaasahang pangyayari kung saan pinagtutulungan ng dalawang lalake ang isang kapwa nila estudyante.


Ang isa ay patuloy sa pagtadyak samantalang ang isa naman ay patuloy sa pagsasabi ng mga masasakit na salita sa nakalaugmok na estudyante.

"salot ka! Bakla! Kadiri ka! Dapat sa mga katulad mo ay ibinabaon na sa lupa!" patuloy na sigaw ng isang lalake habang tuwang tuwa na nasasaktan ang nakalugmok na estudyante na kakikitaan ng walang patid na pag agos ng luha sa mga mata nito.

Patuloy na nagmamakaawa ang estudyante ngunit talagang hindi na mapipigil pa ang dalawang lalake hangang sa may nagsalita na nakapag pahinto sa kanila.

"sa tingin niyo ba ay may patutunguhan ang ginagawa niyo sa kanya?" Saad ng isang lalakeng estudyante na bigla nalang sumulpot.

Agad na kumunot ang noo ng isang lalake at agad hinarap ang lalaking nagsalita na bigla nalang sumulpot sa kanilang likudan.

"hoy ikaw! Wag ka ngang mangealam dito kung ayaw mong madamay! O di naman kaya naghahanap ka ng sakit ng katawan? gusto mong matulad sa baklang yan?!" iritableng tugon ng isang lalake na tumigil sa pag tadyak sa nakalugmok na estudyante.

"kung ako sa inyo ay titigilan ko na yan at uuwi nalang sa aming bahay para magpahinga, pinagtutulungan niyo ang isang taong wala namang ginagawa sa inyo?" tugon ng lalaki at talagang napakamot pa ito sa kanyang ulo sa pagkairita sa dalawang lalake.

At dahil sa mga salitang iyon ay talagang napuno na ang dalawang lalake kaya agad nila itong inambahan ng suntok.

Sa mga mata ng nakalugmok na estudyante, ay tanging mga anino lang ang kanyang nasaksihan na naglalaban sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman...

(sa loob ng klase)

"ehem! (Pagtikham ng guro) Mr. Erinn fortez, can you please answer the problem on the board?" utos ng guro ng mapansin na nakatulala lang ito sa bintana.

Agad naman na tumayo si Erinn at napakamot pa ito sa kanyang ulo habang patungo sa pisara dahil sa pagpuna ng kanyang guro.

'kainis naman, bakit ba kasi naalala ko nanaman yung nakaraan!' sa isip ni erinn na may sobrang pagkainis sa sarili.

Laking gulat naman ng lahat lalong lalo na ng kanilang guro ng masagutan ni Erinn ang pinapasagutan sa kanya sa pisara.

"uhmmm... very g0od mr. Fortez,  please sit down, just pay attenti0n to the class ok?" tugon ng guro na talaga namang namangha kay Erinn at talaga namang napalunok pa ito sa pag aakalang mapapahiya niya ito sa buong klase dahil sa hindi nito pakikinig sa kanyang itinuturo.

At kasabay nito ay. . .

"class dismiss"

Na agad ikinagalak ng mga estudyante.

Habang nag aayos ng gamit si Erinn ay bigla namang may nagtakip ng kanyang mga mata na tila gustong magpahula sa kung sino ito.

"hay nako Briston, ayan ka nanaman sa kakulitan mo" reaksyon ni Erinn sa lalaking nasa kanyang likudan na nagtakip ng kanyang mga mata.

Vampire who will fall inlove with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon