13: Elckad

1K 33 0
                                    

Mabilis na tinatahak ni Freya ang malawak na kakahuyan tangan ang walang malay na katawan ni Erinn. tiyak siyang mapapasakanya ulit si Volt sa pagtatagumpay ng kanyang plano.

Habang binabagtas ni Freya ang malawak na kakahuyan ay bigla siyang naalerto sa paparating na itim na palaso na tiyak tatarak sa kanyang puso, ngunit mabilis niya itong naiwasan at naging dahilan ito upang mapatigil siya.

"tignan mo nga naman, mukhang may naglalaro nanaman ng mga palaso" si Freya at inilapag ang walang malay na si Erinn sa gilid ng puno.

Agad na lumitaw si Craig hawak ang metal na pana na may kargang itim na palaso na naka-asinta sa ulo ni Freya.

"buti naman at lumabas ka na, alam mo ba na, inaantay ko talaga ang iyomg pagdating?" si Freya at dahan dahang lumalapit kay Craig.

"magbabayad ka sa ginawa mo sa kuya ko!" si Craig at sabay pinalipad ang palaso para sumapol sa ulo ni Freya.

Ngunit, agad lang itong nasalo ni freya at nilupi lang nito ang palaso ng walang kahirap hirap. "hindi uubra ang laruang ito sa akin" si Freya at patuloy pa din itong naglalakad palapit kay Craig.

"isa kang halimaw!" wala ng nagawa si Craig kundi bitawan ang kanyang pana at agad niyang nilabas ang kanyang espada, susugudin sana niya agad si Freya ngunit bigla nalang itong nawala sa kanyang harapan.

Nagulat nalang siya ng agad nitong naramdaman si Freya sa kanyang likod. "ako ba ang hinahanap mo?" si Freya at agad niyang nilabas ang kanyang pangil at agad kinagat ang leeg ni Craig.

°°°°°°°°

Tangan ang isang compass na may nakadikit na hibla ng buhok ni Erinn, ay naghahabol na hiningang tinungo ni Chester ang kakahuyan sa likod ng eskwelahan at doon ay nakita niya si Briston na walang malay habang akay ng kanyang tiyo na si Greg.

"mukhang nahuli ka bata" bungad ni Greg kay Chester.

Nagulat naman si Chester ng makita ang katawan ni Lumette na walang ulo. "teka ano pong nangyari dito? sino po kayo? anong gagawin mo kay Briston?" naguguluhang tanonh ni Chester.

"hinay-hinay lang, wag kang mag-alala, tiyuhin ako ni Briston, kung titignan hindi naging maganda ang pangyayari dito, oh pano, kailangan ng magpahinga ng pamangkin ko, mauna na kami" saad ni Greg sabay lakad nito paalis habang tangan ang walang malay na si Briston.

Wala naman nagawa si Chester, kahit na naguguluhan sa nangyari ay itinuon nalang niya muli ang kanyang konsentrasyon sa hawak niyang compass na may nakadikit na hibla ng buhok ni Erinn. mabilis na umikot ang guhit sa loob ng compass at agad din naman itong huminto sa direksyon kung maaaring nasaan si Erinn. Walang patumpik tumpik ay agad itong tinungo ni Chester.

°°°°°°

Vampire who will fall inlove with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon