Sa pagkakakita ni Erinn sa lalaking nakaitim at duguan ang halos lahat ng parte ng katawan ay talagang matinding pagkagulat ang naramdaman nito at anumang sandali ay maaari syang sumigaw sa takot, ngunit naunahan na siya ng pagkabigla at tila naging estatwa nalang siya sa kanyang kinatatayuan.Maglalakad na sana papalapit ang lalaki kay Erinn ngunit bigla nalang itong natumba at bumagsak padapa sa lupa.
'mmmph! ( pagkabigla ni Erinn) Pagkakataon ko na ba to para makatakas? Baka mamaya ay isa syang multo o kaya isang halimaw na sabi sabi ng ilan' sa isip ni Erinn at pilit niyang iginagalaw ang kanyang katawan para makaalis at makalayo sa lugar na iyon ngunit tila may pumipigil sa kaibuturan ng kanyang damdamin na lisanin ang lugar na iyon.
"teka nga, (pinilit na kinalma ang sarili) kung anu ano nanaman ang tumatakbo sa isipan ko, maaaring nangangailangan ng tulong ang lalaking ito" nasabi nalang ni Erinn sa kanyang sarili at dahan dahan siyang lumapit sa nakahandusay na lalake.
Nanginginig nginig pang sinipat ni Erinn ang lalake ngunit di niya ito gaanong maaninag dahil sa patay sindi ang ilaw at sa nagkalat na dugo nito sa mukha.
'pero sandali, panu kung masama ang lalakeng ito kaya nagtamo ng ganitong sugat? Anu bang gagawin ko?! Pero kunsensya ko naman kung iiwan ko ito dito, argh! Bahala na nga! Basta gagawin ko na lang kung ano ang tama' sa isip ni Erinn at walang pakundangan ay itinayo niya ang lalake at inakay sa kanyang likudan kahit na ramdam na ramdam niya ang kabigatan nito.
(sa isang lugar na nababalot ng kadiliman)
"mahal na mahal kita Volt" saad ng isang babae at naglakad ito papalayo.
Papalayo hangang sa siya ay sakupin na ng kadiliman.
"Elledea?! Nasaan ka na! Wag mo akong iwan! Elledea! Mahal na mahal kita!!!" sigaw ng lalaking nakaitim.
Sinuong niya and kadiliman at pilit hinanap ang sinisinta ngunit wala siyang makita.
Madilim, sadyang napakadilim ng paligid.
"pero bakit nakikita ko ang sarili ko? Ang aking mga kamay? Ang aking katawan? Gayun napaka dilim ng aking paligid"
Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong kadiliman.
"Elledea? Nasaan ka? Anung nangyari sayo?!" Sigaw ng lalake na pilit hinahanap kung saan nangaling ang narinig na sigaw.
Pagtalikod niya ay biglang may tumapat na ilaw sa kawalan at doon ay nakita niya ang kanyang sinisinta na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo.
"ELLEDEA!!!"
(sa bahay ni Erinn)
Di malaman ni Erinn ang kanyang gagawin, kaya naisip nalang ni Erinn na dalhin ang lalaking sugatan sa kanyang tinitirhan at ngayon nga ay natapos na niya itong linisan.
"buti nalang at hindi malalalim ang sugat na kanyang natamo, pero nakakapagtaka, kung titignan eh napakadaming dugo ang nagkalat sa damit at katawan niya pero di ganun kalalim ang kanyang mga sugat?" pagtataka ni Erinn at talagang sinipat niya ang hitsura ng lalaki.
Kung titignan, napaka gwapo ng lalaking ito, matangos ang ilong, makapal ang kilay na talaga namang bagay sa kanyang mukha, may kakapalan ang buhok ngunit hindi ito mahaba, mapula ang labi, sakto lang ang katawan nito na develop ang chest area at lean lang ang tiyan, at ang pinaka mapapansin dito ay ang kakaiba nitong kaputian na di nakakasira sa pagkalalaki nito kung siya ay titignan.
BINABASA MO ANG
Vampire who will fall inlove with me
VampirNagsimula ang kwentong ito Kay Erinn Fortez, isang estudyante na pilit hinaharap ang kanyang mga suliranin sa buhay lalo na sa eskwela kung saan ay parati nalang siyang napapagdiskitahan dahil na din sa kanyang sekswalidad. Buti na lamang at paratin...