Nakakapanibago ang araw na ito para kay Erinn, mag isa niya kasing binabaybay ang pasilyo patungo sa labasan ng kanilang eskwelahan, nasanay siya kasi na parating kasabay si Briston sa pag uwi.
Bago lumabas ng paaralan ay napag pasyahan niya munang pumunta sa comfort room para ayusin ng kanyang sarili sa salamin.
Di naman niya namalayan na may sumusunod pala sa kanya.
Agad na tinungo ni Erinn ang salamin at agad itong naghugas ng kamay at nag hilamos ng kanyang mukha at doon ay banayad niyang napagmasdan ang kanyang repleksyon sa salamin.
"ano bang problema sa akin? Bakit ba halos lahat ay parang may galit sa akin o di kaya ay nilalayuan ako? Katulad din naman nila ako, dahil lang ba sa ganito ako? Si Briston lang ba ang nakakaunawa sa tulad ko?" si Erinn na unti unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng pag agos ng tubig mula sa gripo.
Muli niyang hinugasan ang kanyang mukha upang mawala ang bakas ng kanyang mga luha.
"di bale, simula pa lang naman ay mag isa na ako, nilalayuan, tinutukso, pinagtritripan (sabay ng malalim na buntong hininga) kelangan ko lang naman tatagan ang kalooban ko" si Erinn at nagpunas na ng kanyang mukha. Ngunit ng papalabas na sana siya ay may nadinig siyang isang tunog na parang isang impit na sigaw ngunit ito ay mahina lamang sapat na marinig ng kanyang tenga.
"teka, may tao pa ba dito?" pagtataka ni Erinn sa pagaakalang wala ng tao sa comfort room dahil ang alam niya ay halos nagsiuwian na ang mga estudyante. Sinilip niya bawat isa ang mga cubicle, isa, dalawa, tatlo, apat, at wala naman siyang nakita. Ngunit ng papalabas nanaman siya muli ay narinig nanaman niya ang mahinang impit na sigaw."saan ba nanggagaling iyon, teka lang, di kaya. . . Isang multo iyon? Pero imposible" si Erinn at napatingin agad siya sa isang nakalock na pintuan na tila taguan ng mga gamit na panglinis ng janitor at agad niyang siniyasat ito.
"hello? May tao ba diyan?" si Erinn at sabay katok ng may halong kaba sa naka lock na pintuan.
At muli ay narinig niya ang impit na sigaw na para bang may gusto itong sabihin ngunit di lang ito makapagsalita. Kaya naman pinilit na binuksan ni Erinn ang pinto at pinilit nalang niyang sirain ang kandado hangang sa ito ay masira.
Tumambad sa kanyang mga mata ang isang lalaki na nakatali ang kamay at paa at naka busal ang bibig.
"( labis na pagkabigla ang naramdaman ni Erinn) anung nangyari sayo?" si Erinn at agad inalis ang busal nito sa bibig at mga tali nito sa kamay at paa.
"salamat ha? Buti nalang at dumating ka kung hindi ay tiyak na walang makakakita sa akin dito" saad ng lalake na medyo naluluha at talaga namang nakahinga ito ng maluwag.
"teka, namumukhaan kita, magkaklase tayo sa tatlong subject diba? Ikaw yung umuupo parati sa pinaka likod? Anung ginagawa mo dito?" si Erinn at tinulungan tumayo ang lalake.
"oo, ako nga yun, at tulad mo, madalas din akong pagtripan, dahil sa nerd at geek ako na para bang may sariling mundo kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin" paliwanag nito sabay suot ng nasira niyang salamin.
BINABASA MO ANG
Vampire who will fall inlove with me
VampirNagsimula ang kwentong ito Kay Erinn Fortez, isang estudyante na pilit hinaharap ang kanyang mga suliranin sa buhay lalo na sa eskwela kung saan ay parati nalang siyang napapagdiskitahan dahil na din sa kanyang sekswalidad. Buti na lamang at paratin...