Mabilis na tinatahak ni Volt ang kakahuyan na napapalibutan ng matataas at mayayabo g na puno. Sinisikap nitong makabalik agad sa eskwela kung nasaan si Erinn.
Sa kanyang isip, kahit papaano ay gumaan ng bahagya ang kanyang pakiramdam dahil sa kanyang komprontasyon kay Freya, na sa wakas ay kanyang nasabi ng may buong katapangan ang kanyang nararamdaman at tiyak niyang malaya na siya sa pagkakatakda dito.
Ngunit, biglang naalerto si Volt ng maramdaman niya ang paparating na itim na palaso na tatama sa kanya, magagawa niyang iwasan ang una subalit huli na para sa pangalawa na tuluyang tumama sa kanyang ibabang bahagi ng kanyang tadyang na tuluyang tumagos hanggang likod nito.
Napatigil at napaluhod si Volt sa sakit na nararamdaman niya sa natamong tama ng palaso na tila sinusunog nito ang parteng tinamaan sa kanyang katawan.
Sinubukan niya itong alisin ngunit isa pang itim na palaso ang lumipad sa kawalan at tumama naman iyon sa kanang bahagi ng kanyang balikat at muli ay tumagos ito sagad sa kanyang likuran.
Muli ay sobrang sakit nanaman ng kanyang naramdaman na mas lumala pa sa pagkakatama ng ikalawang palaso.
Tinanaw ni Volt ng maigi ang paligid, at merong ideya na namumuo sa kanyang isipan sa kung sino ang maaaring may gawa noon.
'impossible, pinatay ko na siya' sa isip ni Volt habang pilit na tinatanggal ang palaso nakatarak sa kanyang balikat. Doon ay nakita niya ang isang tao na papalapit sa kanya, tangan ang isang metal na pana at itim na palaso.
"gulat ka no? marahil ang tumatakbo sa isipan mo na ang may gawa niyan sayo ay si Wade, siya lang naman kasi ang may ganyang palaso na kayang magpahinto sa mabilis na paghilom ng mga nilalang na kagaya mo" saad ng lalaki na natatago sa dilim dahil sa natatakpan ng anino ng matataas na puno na sinisinagan ng liwanag ng buwan.
"sino ka? bakit nasa iyo ang mga palaso ni Wade? bakit kilala mo siya?" si Volt na matagumpay na naalis ang palaso sa kanyang balikat kasabay ng pagsirit ng kaunting dugo.
Isinantabi ng lalaki ang kanyang pana at palaso at unti-unti itong lumapit kay Volt habang inihahanda nito ang hawak na espada.
"simple lang naman ang sagot diyan Volt, (tuluyan ng naaninag ni Volt ang mukha nito) hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili, ako si Craig Velasco, isang Haechom, ang nakababatang kapatid ng walang awa mong pinaslang na si Wade Velasco!" at agad itinarak ni craig ang hawak niting espada sa kaliwang bahagi naman ng balikat ni Volt na talagang tinagos hanggang sa likod nito.
At muli, ay nadagdagan nanaman ang sakit na iniinda ni Volt, di siya masyadong makagalaw dahil sa pagpigil ng itim na palaso sa mabilis na paghilom ng kanyang mga sugat.
"ano? masakit diba? kulang pa yan! (mas lalong idiniin ang espada na nakatarak kay Volt na labis na nagpasigaw dahil sa sobrang sakit) alam mo ba ang pakiramdam na unti-unting nawawalan ng buhay ang taong mahalaga sayo habang nasa kandungan mo? alam mo ba yung pakiramdam na wala kang magawa kundi umiyak lang habang unti-unting nauubos ang kanyang hininga? malamang hindi, dahil isang halimaw ang gaya mo!" pighati ni Craig sabay hila paalis ng espadang nakatarak kay Volt kasabay ang pagpuslit ng dugo nito.
BINABASA MO ANG
Vampire who will fall inlove with me
VampireNagsimula ang kwentong ito Kay Erinn Fortez, isang estudyante na pilit hinaharap ang kanyang mga suliranin sa buhay lalo na sa eskwela kung saan ay parati nalang siyang napapagdiskitahan dahil na din sa kanyang sekswalidad. Buti na lamang at paratin...